Chapter 9

5.5K 154 7
                                    

IX- Leave

Beryl's POV

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatapat sa mata ko. Nakakasilaw ang ganda ko-- este ang araw kaya ako nagising. Lumingon ako sa tabi ko at nakita kong wala si Callix. Asan kaya 'yon? Lilibutin ko na sana ng tingin ang kwarto para hanapin ang Callix ko pero parang may nararamdaman akong kakaiba. May nararamdaman akong espirito na naglalagim dito sa kwarto ng mga magulang ng kambal tuko.

"Omaygad! Ang ganda ko naman dito!"
"Anong size nung bra na 'yan bro?"
"Callix, ganito lang ba talaga kaliit ang brief mo? Muntikan ka ng makita ng tatay mo tapos ipinahabol mo pa 'tong mga undergarments eh ang liit lang pala niyang alaga mo."
"Shut up tito Alrin!"

Parang nangyari na 'to ha? Nagising ako dahil sa mga ingay ng kumags.

Maingat akong umupo sa kama at hinarap ang masasamang espirito na--- mga kumags talaga!

Nasa kabinet kasi sila at nagsasalansan ng damit na pinamili nila para sa amin. Okay naman sana eh. Okay na sana pero may ginawa silang hindi tama shit talaga!

'Yung ulo ng kambal tuko ay may nakasuot sa buhok na brief---maliit ito kaya alam ko namang para kay Callix at nakapatong naman sa puting t-shirt ni Alrin ang bra na pula. Ano ba 'tong mga 'to! Umagang umaga pinag-iinit nila ang ulo ko. Si Callix naman ay suot suot ang napakalaking tshirt na nagmukhang dress sa kanya. Ang kukulit talaga!

"Hoy mga kumag! Magsilabas nga kayo dito at baka hindi ko kayo matantsa!" Napatingin sila sa akin at aligagang tinanggal ang mga bra at brief na suot nila. Si Callix ay andon sa malaking salamin at titignan ang itsura niya. Walang pakialam sa sigaw ko.

"Good morning queen!" Si Alrin na yumuko na naman na parang knight sa palasyo.

"Good morning beBeryl ko." Si Harren na pasikretong pinasok ang bra na suot niya kanina sa kabinet.

"Mag-almusal ka muna." Si Harris na may kinuha sa study table na food tray at ibinigay sa akin. Isang pinggang may kanin at scramble egg na maraming ketchup. May tubig din na nakalagay. Inabot niya sa akin ang tray na kinuha ko naman. 'Yung inis ko kanina dahil sa pang-gigising nila sa akin biglang nawala. Favorite ko 'to eh!

"Good morning kumags." Sabi ko sa kanila. Nagtaka ako dahil huminto sila sa mga ginagawa nilang paglalagay ng damit namin sa kabinet. Ano na namang drama ang ginagawa nila?

Tinaasan ko sila ng kilay "Oh? Bakit ba sa tuwing may sasabihin akong maganda eh nagkakaganyan kayo? May problema ba kayo sa akin?!" Nagsign of the cross muna ako bago sumubo. Huwaaa! Napapapikit nalang talaga ako sa sarap ng scramble egg. Kahit kasi iharap niyo ako sa masasarap at mamahalin na pagkain. Scramble egg parin ang pipiliin ko.

"Ang cute mo Beryl." Napadilat ako sa sinabi ni Harren.

"Talaga lang Harren ha? Eh kung isaksak ko sa ngala-ngala mo ang tinidor na hawak ko? Anong cute?! Hindi pa nga ako naliligo. Saka.. ano ng sagot sa tanong ko?" Sumubo pa ako ng sumubo habang nakatingin sa kanila. Nakatingin silang lahat sa akin na parang gulat na gulat. Ang bilis ko kasing sumubo ng pagkain. Bakit ba? Ang sarap eh!

"Mommy, they didn't expect sweet words from the amazona like you daw po. Kinikilig daw po sila kapag nagsasalita ka ng sweet words sakanila katulad kahapon." Sabi ni Callix kaya nilingon ko ang tatlo na nakayuko na ngayon at may binubulong bulong na naman. 'Yung totoo? Mga bubuyog ba sila?

Bumuntong hininga ako at tingnan sila "Alam niyo kasi kumags, nanununtok ako, madalas akong mambatok, madalas akong manakit ng pisikal pero kung alam niyo lang... sweet gesture ko 'yon sa inyo. Enjoy-in niyo nalang dahil sweet na sakin 'yon. Saka 'yung mga sinasabi ko sa inyo kagabi, totoo 'yon pero nakocornyhan ako sa ganon kaya mas madalas akong manakit dahil mas sweet sa mata ko 'yon." Inubos ko ang natitirang pagkain sa pinggan ko at ininom ang tubig. Tinignan ko sila na ngayon ay kinakamot ang ulo.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now