Chapter 26

4K 115 18
                                    

XXVI- Sick

Beryl's POV

"Pasensya ka na, Daren. Hindi talaga ako m-makakasama sayo ngayon." Sabi ko sa pagitan ng ubo.

[ Bakit naman? May sakit ka ba?] Tanong niya.

"Sige, ingat ka palagi" Binabaan ko na siya ng linya at nahiga.

Manghuhula 'yata si Calli kasi nagkatotoo 'yung sinabi niya. Nagkasakit nga ako. Pero alam kong hindi totoo 'yung isang sinabi niya.

"Just go home, lagi ako nakatanaw sayo mula sa malayo. Gagabayan kita kahit na malayo ka. Minamahal kita kahit patuloy kang lumalayo,"

Hindi ako pinatulog nung sinabi niya na 'yon! Masyado akong ginugulo. Masyado niyang ginugulo ang buhay ko, mula noon hanggang ngayon. Bwisit!

Minamahal kita kahit patuloy kang lumalayo? Abnormal ba siya?

Lalayo kaya ako sa kanya kung hindi niya ako iniwan? Iniwan na nga niya ako kaya alam ko kung saan ako lulugar. Kaya ako lumayo kasi iniwan na nga niya ako ng walang sapat ng explanation 'diba?

Pagkabalik naman niya, pinahanap niya ako at nawalan ako ng kalayaang mamuhay ng normal. Natatakot ako sa maaring mangyari sa amin ng anak ko kapag may nakakita sa amin. Madaming nagagawang hindi mabuti kapag pera na ang pinag-uusapan. Kaya ako lumayo pa at saka iniwan na nga niya ako tapos ipaghahanap noya ako ulit? Para saan? Lumayo nalang ako sa kaligtasan namin at para hindi na ako ulit masaktan.

Ngayon naman, nagkita kami sa simbahan kasama niya ang.. girlfriend niya. Nasaktan ulit ako do'n. Akala ko kasi aalis siya para magtrabaho sa kumpanya niya pero iba ang trinabaho niya. Tapos ngayon, magsasabi siya ng mga linya na mahal pa daw niya ako?

Nasaan ang pagmamahal do'n? Hindi ko makita. Mas nakikita ko pa nga ang pagmamahal niya kay Luxury.

Hindi ba pwedeng patahimikin nalang niya ang buhay ko?

Lalo ngayon, may tao pa na may masamang balak sa amin. Dahil sa kanya, sinong tao ang hindi lalayo sa kanya?

"Mommy? Are you talking to teacher Daren, again?" Napaupo tuloy ako ng wala sa oras at tumingin sa study table namin ni Callix. Nandoon siya at nag-aaral ulit.

"Good morning, Callix. Hindi na nga ako sasama diba? Nadinig mo naman baby 'e," Lumapit siya sa akin at umupo sa harap ko, nakanguso.

"Haha! Ano na naman bang problema mo, Callixton?" Natatawa ako sa mukha niya kasi para siyang maiiyak.

"Akala ko po ba, ako lang ang baby mo? Why are you talking with teacher Daren po. Did you choose him between me?" Kinurot ko ang ilong niya na agad ikinapula noon. Ang cute!

"Callix, ikaw lang ang baby ko. Ano ka ba? Co-teacher ko si teacher Daren, hindi ko siya baby," Natatawa kong sabi.

"Is that so po? Yehey!" Akmang yayakap siya sa akin pero tumalikod ako.

"Ako nga, ikaw lang ang baby ko. Ikaw nga ang pinagpalit ako kay Emi." Nagtatampong sabi ko. Pinipilit matawa.

Yumakap siya mula sa likod ko. "Mommy, c-crush ko lang naman po si Emi, ikaw pa rin po ang love ko," Mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

Humarap ako sa kanya at inilayo siya sa akin. "Huwag ka munang lalapit kay mommy, okay ?"

May sakit nga pala ako, amp. Baka mahawaan ko siya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now