Chapter 14

4.9K 129 16
                                    



(Warning. Walang reread po ito kaya puro errors. I-edit ko po mamaya Haha! Enjoy!)

XIV- Realization

Harris POV

" Oh ayan, pwede ka na daw lumabas. Pa-knock out ka ulit para i-welcome ka ulit dito. " Binalibag ko kay Calli ang bag niya na laman ay ang damit niya for one week.

Grabe! Isang linggo. Isang linggo namin siyang inalagaan dito sa hospital. Mabuti sana kung kaming tatlo ang nag-alaga sa kanya, pero hindi eh. Tinakasan kami ni Alrin kasi need daw niya talagang magtrabaho. Pasulot.com.ph ang kumag.

"Salamat sa isang linggo'ng pag-aalaga Calli ha? I'm so touch!" Si twin na kunwaring pinunasan ang mata. Tinignan lang siya ng masama ni Calli.

"Tss. Kung hindi bukal sa loob niyo itong ginagawa niyo, magsi-uwi na kayo. Hindi ko naman kayo kailangan after all."

"Wow Calli. Papauwiin mo kami after naming alagaan ka ng 1 week at pauwi na. Hay naku! Dagdagan ko 'yang mga bugbog sayo eh!" Kapal talaga ng mukha nito. Siya na nga iniligtas mula kay santanas tapos wala'ng utang na loob.

"Kung hindi bukal sa loob namin 'to, hindi ka namin niligtas at inalagaan ng isang linggo. Dude, ipinasa namin ni twin ang mga projects namin sa co-engineer namin para maalagaan ka lang. Sayang din ang kita namin! Learn to appreciate things dude. Psh!" Sabi ni kambal pero parang wala siyang nadidinig dahil hinawakan niya lang ang bag at kinalalkal. Hindi halatang excited umuwi. Grabe! Isang linggo din kami andito ha!

Isang linggo na kasi magmula ng mabugbog siya ng sobra at kailangang dalhin dito sa hospital. 3 days din kasi siyang tulog dahil sa pagpalo sa ulo niya at pagod. Over fatigue din daw. Malamang, naghahanap siya kay Beryl at may kumpanya siyang kailangang palaguin. Ayan, isang lingong confine. Ewan ko ba kasi eh.

Gustong-gusto ko na talagang sabihin sa kanya about kay Beryl para matigil na 'tong ginagawa ni Callidon. Pero tama si twin, don't rush things kasi kapag nagmali, maaring mas lumaki pa ang problema. Maghihintay nalang din muna siguro kami sa tamang pagkakataon.

Sinulyapan ko si Calli sa higaan niya. Nakaupo lang siya. Inaayos niya ang bag niya at inilagay ang ibang gamit pa niya. Natigil lang siya ng biglang may kumatok at pumasok na nurse may dala itong wheel chair. Napatingin nalang kami ni twin sa nurse. Discharged na kasi si Calli at ngayong araw na siya uuwi. Biglang nagsalita ang nurse.

"Sir, kailangan niyo po'ng umupo dito sa wheelchair hanggang sa maisakay po kayo sa sasakyan niyo." Magalang na sabi ng nurse.

"WHAT?! I'm not going to sit down in that sh*ty wheel chair! Hindi ako baldado!" Galit na sabi niya.

"Pero sir, kailangan niyo po talagang umupo dito." Parang natatakot na dabi ng nurse.

"HAHAHAHAHAHA!" Malakas na tawa ko dahil sa nakakatawa'ng expression ni Calli. Para kasi'ng nandidiri siya sa wheel chair. Pft.

" Hindi ako sasakay d'yan, I'll go now." Tumayo siya pero namalayan niya na meron pa pala siyang swero.

"Fvck this entire life!" Hindi niya maalis ang swero kahit gustuhin niya kasi nga, takot siya. HAHAHAHA! Biglang may pumasok ulit na panibagong nurse.

"Good evening Sir, tatangalin ko na po ang swero niyo." Tinignan ko ulit ang mukha niya at halos humiga kami ni twin kakatawa.

Namutla kasi bigla si Calli. Namutla as in! HAHAHAHAHAHA! Nawala 'yung pamumula-mula ng pisngi niya ng lumapit sa kanya ang nurse.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now