VIII- Thank you.
Beryl's POV
Andito ako sa pinto at hinihintay ang pagdating ng kambal tuko. Ang lakas ng loob nilang gumala kahit gabi na. Alas-kwarto kasi sila umalis kanina at alas-otso na ngayon. Sila nalang ang kulang dahil dumating na si Alrin at Callix kaninang alas-syete. Hinihintay ko nalang ang kambal tuko.
Dumating si Callix at Alrin na parang may mali sa ekspresyon nila para kasi silang tense. Nasa sala ako nung time na dumating sila. Gusto ko nga silang sigawan kaso gumawa na sila ng eksena sa harapan ko. Pinagalitan kasi ni Alrin si Callix sa harapan ko. Nagsorry naman ang anak ko at pumasok naman na sa kwarto nung kambal tuko si Alrin na hindi ako pinapansin--hangang ngayon. Hindi pa siya lumalabas ng kwarto. Ayaw ko siyang katukin o palabasin para kumain dahil hindi siya espesyal para sa akin.
Kaya tinanong ko si Callix kung ano bang nangyari sa pamamasyal nila at kinuwento niya sa akin ang lahat lahat ng nalalaman niya. Naghanap daw siya ng mga undergarments namin at bigla daw siyang hinablot ni Alrin. Lagi daw sinasabi nito sa kanya na bilisan daw dahil nasa mall na ang tatay niya. Sa madaling salita. Nagpunta si Callidon dito sa Pampanga.
Kaya hinihintay ko ngayon ang kambal tuko. Malamang naglakad lang sila mula SM Pampanga pauwi dito dahil dala ni Alrin ang kotseng ginamit nila pero parang masyado naman silang matagal. Asan na kaya ang mga 'yon? Baka may nangyari ng masama sa kanila!
Mga ilang minuto pa ako naghintay hanggang sa may narinig akong nagbukas ng gate.
May ilaw naman kasi duon kaya nakita ko kung sino ang nagbukas. Sa wakas, dumating na din ang kambal tuko.
Pinasingkit ko ang mata ko para maaninaw kung anong ginagawa nila. May dala silang malaking cup na may lamang-- fishball at isaw? Palapit sila ng palapit sa may pinto ng bahay at daldalan lang sila ng daldalan without knowing na andito ako at nadidinig ko sila. Mga kumags!
Hindi ko alam na sa yaman nilang 'yan ay kumakain sila ng streetfoods na ganyan.
Huminto sila sa may basurahan malapit sa pintuan ng bahay at itinapon ang mga cups na pinaglalagyan ng kinain nila. Malapit na sila sa akin ngayon pero hindi parin sila tumitigil sa pagdadaldal. Hindi parin nila napapansin na andito lang ako at naghihintay sa kanila.
"Anong sa tingin mo ang gagawin satin ni Beryl? Suntok, upper cut o sisipain tayo sa alaga natin? Naku huwag naman sana! Bakit ba kasi nawala pa si Callix kanina at dumating pa si Callidon?!" Parang batang nagmamaktol na sabi ni Harren. Ano bang pinagsasabi niya?
"Ay basta! Ako ang mastermind kung bakit umalis na si Callidon dito sa Pampanga at bumalik na sa Manila. Sorry bro, mas masakit ang madadama mo sa bagyong Beryl dahil kumbaga ako ay nag-isip na pumunta na ng evacuation center habang kayong dalawa ni Alrin ay nasa isang bahay pa na binabaha habang nagpapanic. Haha-- shit!" Si Harris na nakahawak na ngayon sa ulo niya na binatukan ko. Siraulo! Gawin ba naman akong bagyo?
"Hahaha! Nasa evacuation center ka na pala twin ha?! Ang bagong balita kasi ay naglandfall na daw sa evacuation center na kinaroroonan mo ang bagyong Bery-- aray!" Si Harren na binatukan ko din.
"Beryl?! B-bakit k-ka andito. S-shit! Si A-Alrin 'yung nagpabaya kay Callix saka si kambal! Hinayaan niyang mag-isa si Callix na kumuha ng undergarments niyo." Si Harris na parang takot na takot. Binatukan naman siya ni Harren.
"Boset ka! Bakit mo ko nilaglag? Akala ko ba twins forever tayo? Beryl, h-hindi naman kasi namin alam na mangyayari 'yon. S-sorry Beryl, sorry tala--" pinutol ko na ang sasabihin ni Harren dahil sinuntok ko na sila parehas sa braso.
"Pumasok nga muna kayo!" Agad naman silang pumasok sa bahay kaya sumunod nalang ako sa kanila. Bakit ba takot na takot sila sa akin? Ano bang akala nila sa mukha ko? Bagyo? Multo?
YOU ARE READING
Just Keep Running from Billionaire
General FictionThe most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds his girl, Beriana Lyne Perez will be receiving 50 million pesos. Where his precious gem? What will Callidon do when he finds out that Beriana...