Chapter 2

8.3K 231 13
                                    

II- Phoenix Callidon

Beryl's POV

Nakatingin ako kay Callix na nakikiusap sa akin at kay nanay Tess na parang gusto ng malaman ang tungkol sa akin.

May karapatan sila na malaman ang lahat. Si Callix na anak ko at si nanay Tess na buong pusong magpapatira sa akin.

Anim na taon kong tinago ang tungkol sa buhay ko. Nabuhay ako na parang nag-iisa lang sa buhay. Wala man lang akong naikwento kay Callix tungkol sa tatay niya hanggang ngayon na anim na taon na siya. Kaya ngayon, sasabihin ko na ang lahat sa kaniya. Sa kanila ni nanay Tess.

" G-ganito kasi 'y-yon. 'Yung naghahanap sa akin na nagpatong sa ulo ko ng 50 million. Siya si Phoenix Callidon-- tatay mo." Sabi ko at tumingin kay Callix.

"Hindi ko nga alam kung bakit niya pa ako hinahanap ngayon kasi iniwan na niya ako sa ere pagkatapos ko siyang tulungan para makamit ang lahat ng pangarap niya. Noon ay isa siyang basagulerong lalaki na parang walang patutunguhan sa buhay hanggang sa dumating ako... para tulungan siya."

F L A S H B A C K

" Ms. Beriana Lyne Perez, please proceed to the dean's office." Nasa garden ako at nag-aaral ng mabuti ng madinig ko ang announcement tungkol sa akin.

"Relax Beryl. Kailangan mong mag-aral ng mabuti 'diba? Saka nag-aaply ka as scholar ng school mo 'diba? Sundin mo na ang inuutos ng dean mo." Sabi ko sa sarili ko habang nililigpit ang mga gamit ko saka sinalubong ang init sa paglalakad.

Bakit ba naman kasi ako pinapatawag ni dean? Wala naman akong inaaway ah saka wala nga akong kaibigan dito. Bakit niya ako ipapatawag?

Baka bibigyan ka na ng scholarship. Hihi!

Nang nasa pintuan na ako pero bago ko 'yun katukin, huminga muna ako ng malalim saka paulit-ulit na sinasabi sa sarili ko na wala akong ginawang mali.

Ang bait bait ko kaya para mapa-office duh!

"Come in." Isang babae ang nagsalita. Ang alam ko, babae ang dean namin ah? Hmm. I smell something fishy.

Si dean ah! Nagdadala ng babae sa dean's office. Balak pa 'yata akong inggitin na may jowa siya hmp.

Pumasok na ako at nakita ko na agad ang wide smile ni dean.

Malamang, kasi andito ang super sexy niyang gerlpren. Haha!

"G-good morning dean." Pinaupo niya ako sa upuan na may isa pang kaharap na upuan.

"I know you've been a good and intelligent student, Ms. Perez." Wow. Kinilig ako don. Hihi.

Hindi nalang ako nagsalita kasi alangan namang um-oo ako edi ang kapal naman ng mukha ko 'diba?

"You're taking education right?" Eh?

"Yes dean." Sabi ko. Bakit kaya niya tinatanong 'yun?

"Alam ko na nagtatrabaho ka para mapakapag-aral. Kaya gagawin kitang scholar---" pinutol ko ang sasabihin niya dahil sa saya.

"Talaga dean?! Woaaah! Salamat po--" pinutol din niya ang sasabihin ko. Sabi ko na gagawin niya akong scholar eh! Yuhoo!

"--kapag ginawa mo ang gusto ko." Dugtong niya sa nauna niyang sinabi.

Hala? Gagawin? Ano 'yon!

"A-anong gagawin dean?" Kinakabahan ako shit. Hindi pa ako handang ibigay ang perlas ng aking silangan huhu. Andyan naman gerlpren niya ah!

"Hintayin mo darating din 'yon." Hala! Anong darating? Huhu dean, masisira ang image mo kapag ginawa mo sakin 'yong karumal-dumal na 'yon!

"A-ah dean. May kailangan po akong ipasa. Babalik nalang po ako." Kapag wala ka ng masamang balak sakin.

"P-pero--" tumayo na ako pero biglang bumukas ang pinto. Ang lakas ng pagbukas nito na parang sinipa ng malaking engkanto.

Bumukas ang pinto at isang matangkad na lalaki ang sumipa sa pinto. Hindi ko siya makita kasi ang liwanag sa labas. Parang anino lang siya.

"Hey Mr. Phoenix Callidon Wright! Kahit kelan sakit ka talaga sa ulo!" Biglang sigaw ni dean na nakahawak sa dibdib niya. Hala! Aatakihin 'yata 'to sa puso. Ako nga din nagulat. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Potek naman kasi ang tahimik tapos biglang may barumbado na sumipa ng pinto parang kung sinong siga mukhang homo erectus lang naman ang mukha--

"Dean! Bakit na naman ba? Trip mo ba talaga na araw akong tinatawag? May gusto ka ba sakin? Bakla amputek!" Umupo ang lalaking homo erectus sa upuan na nasa harapan ko. Humarap siya kay dean pero parang napansin niya ako.

"Sino naman 'to?! Hindi ko naman inaaway 'to. 'Yung grade 1 na naihi sa short 'yung inaway ko ngayon! Hinahanap na ako nung mga kaibigan ko dean! Pakibilis naman oh!" Galit na sabi niya at humarap sa akin.

Shet. Hindi siya homo erectus! Isa siyang species na hindi pangkaraniwan. Maputi, singkit ang mata, sobrang tangos na ilong, may isang dimple na sobrang lalim, at ang pula ng labi.

"Siya ang magiging tutor mo Mr. Wright, and to you Ms. Perez. Siya ang inuutos kong gawin. Turuan mo siya hanggang makatapos siya ng pag-aaral. Is that clear?" Sabi ni dean pero nanatili kaming magkatinginan nung lalaki. Amp akala ko rereypin ako ni dean! Ang gara naman kasi ng smile niya. Pero bakit ang turuan ang lalaking ito ang iiutos niya sa akin? Pabor 'yata ako dito ah.

"Aba dean ang ganda ha! Sure na future ko. Sige dean! Ang galing mong pumili. Ikaw naman miss, magsimula ka ng turuan ako mamaya sa bahay. Mamaya after class, sunduin kita ha?" Ako? M-maganda?

Shit. Phoenix Callidon... you prove me one thing. Is this love at first sight?

E N D

" 'yun nga po ang first meet namin. Kailangan niyang makatapos ng 4th year sa business administration. Ako naman po ay kailangang makatapos ng education sa tulong ng scholarship ni dean. Tinuruan ko po siya... naging close. Niligawan niya po ako hanggang sa nahulog ako sa kanya at nainlove. Hindi ko namamalayan na naibigay ko na po pala ang lahat sakanya. Pagkatapos non, nagpaalam po siya sa akin na aalis dahil siya na ang magmamanage ng company niya nung nakapagtapos na po kami.. pagkaalis niya. Nalaman ko po na buntis ako.. at hindi na siya nagparamdam." Pinunasan ko pa ang luha na tumulo sa mata ko. Huhu. Bakit ba kasi kailangan pa nilang alamin huhu.

"Nanay Tess, I think my mother needs to rest now. Mommy, thankyou for sharing but I think you should rest now." Si Callix na inalalayan pa ako patayo.

"Aba eh oo nga. Umakyat kayo sa hagdan, tapos 'yung sa unang kwarto. D'yan muna kayo matulog. Good night." Si nanay Tess na hinawakan ako sa braso na para bang sinasabi niya na okay lang ang lahat.

Umakyat kami ni Callix sa kwarto at bago niya ako pahigain, inayos muna niya ang higaan saka ako pinahiga.

"Mommy, na appreciate ko po ang pagkukwento mo about kay daddy thankyou po talaga. I know you still love him. Nararamdam ko po kasi 'yon habang nagkukwento kayo. Goodnight mommy. I love you." Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay tumabi sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.

'Sana bukas, okay na lahat' Nasabi ko sa isip ko bago lamunin ng antok.

---

"Putsa pare! Siya nga 'yung hinahanap ni Calli!"

" Gago kamukha ni Calli 'yung bata!"

"Sasabihin ba natin sa kanya?"

Napabalikwas ako ng bangon sa mga boses na nadinig ko.

BAKIT SILA ANDITO?!

A/N

Thankyou for reaaading!!

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now