Chapter 35

2.9K 105 16
                                    

XXXV- Luxury

Beryl's POV

"Ate Yana,"
"Beryl, gising na raw."
"Tawag ka ni sister Ced."

Nagising ako sa mga nadidinig na pangigising nila sa akin. Kinusot ko muna ang aking mga mata bago ko sila tignan. Napangiti ako ng makitang yakap ako ni Elay. 'Yung pinakabunso sa amin dito.

"Ate Briyana tawag ka po ni sister Ced." Natawa ako at pinisil sa pisngi si Elay. Hindi pa rin niya mabangit ng maayos ang aking pangalan.

"Beryana, Elay, Beryana." Pagtuturo pa ni ate Janice kay Elay sa pagbabangit ng aking pangalan.

"Ate Briyana."
"Beryana nga, Elay. Kung hindi mo kaya ay tawagin mo siyang ate Beryl."
"ate Breyil."
"Nako naman, mabuti nalang talaga at mahal ka namin!"

Dahil abala sa pagtatalo sila ate Janice at Elay, si ate Wel ang tinanong ko.

"Bakit ako tinatawag ni sister Ced, ate Wel?" Nagtataka kong tanong.

"Hindi ko alam! Mukhang maganda ang dahilan ng kaniyang pagtawag, Beryl!" Masayang pagbabalita ni ate Wel kaya naman kumuha ako agad ako ng twalya.

"Elay, ate Janice, ate Wel. Maglilinis lang ako saglit, nakakahiyang humarap kay sister Ced ng ganito."  Paalam ko sa kanila.

"Sige! Magbuburda na kami, good luck Beryl!" Sabi ni ate Janice saka sila sabay-sabay na umalis mula sa aming kwarto.

Hindi ko maiwasan na maawa sa kanila, dapat ay 2nd year college na sila ate Janice at ate Wel pero hindi nila magawang makapagpatuloy dahil hanggang high school lang ang kayang tustusan ng aming maliit na bahay ampunan, alam ko na gusto nilang makapag-aral ngunit walang magawa. Ako naman ay magtatapos na sa high school. Sana ay makapagkolehiyo ako.

Hindi, Beriana. Makakapagkolehiyo ka. Gagawin mo ang lahat para makapagtapos. Hindi lang 'sana', gagawin mo.

Natapos ko nang linisin ang sarili at naglakad na papunta sa office nila sister Ced. Naluluha siyang tumingin sa akin na pinagtataka ko.

"Umupo ka, Beriana." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"Ilang taon na tayong nagsasama, Beryl. Ilang taon kaming naging masaya dahil sa pagdating mo. Matalino kang bata at mapagmahal. Gusto kong ibigay sa'yo ito." Inilahad niya sa akin ang isang napakagandang kwintas.

"Napaganda naman po nito, sister Ced!" Humahangang sabi ko. Kulay pula ang parang bato na nakalagay sa kwintas. Napakaganda.

"Isa 'yan sa mga uri ng Beryl. Napakagandang gemstone, 'diba?" Paulit-ulit akong tumango, hawak pa rin ang magandang kwintas.

"Diyan ka namin pinangalan. Dahil 'yan lang ang aming nakita bukod sa isang napakagandang sanggol sa loob ng kahon na nasa harap ng pintuan. Natatandaan ko pa noon. May malakas at sunod-sunod na pagkatok ang aming nadinig sa malaking pintuan ng Ghals. Ako ang nagbukas ng pinto Beryl, wala akong ibang nakita kun'di ang kahon na iyong pinaglalagyan." Naluha ako dahil sa sinabi ni sister Ced.

Bakit? Bakit nagawa sa akin 'yon ng mga tunay kong magulang? Ano ba ang meron sa akin at naisipan nila akong ipamigay? Wala naman akong kapintasan. Bakit?

"Napakagandang sanggol. Halos tumalon ako sa tuwa ng makita kita. Ipinasok agad kita sa aking kwarto at binihisan, doon ko napansin ang napakagandang kwintas na 'yan. Pinagtanong ko pa nga kung ano'ng klaseng kwintas 'yan. Sinabi ng aking napagtanungan ay isa raw 'yang Beryl. Agad kong naisip ang ipapangalan sa'yo dahil doon. Beriana Lyne, Beryl." Nakita ko na namuo ang mga luha sa mata niya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now