Chapter 48

2.6K 90 9
                                    

XLVII- Giving hope and love shelter

Beryl's POV

"Woah! Ang daming bata, mommy!" Puno ng paghanga na sabi ni Callix ng makababa kami sa kotse.

Sa wakas, nakabalik akong muli sa Ghals. Ang una kong tahanan.

Tama nga si Callix, napakaraming bata ang nasa paligid. Lahat sila ay dito nakatira.

Hindi kami ganito karami noon..

Hinintay namin na makababa si Calli sa kotse, nagkaroon pa tuloy ako ng pagkakataon para makita ang buong Ghals. Mas lumaki at nadagdagan ito ng dalawa pang palapag. Kung dati ay hanggang 2nd floor lang 'yon, ngayon ay may pang-apat na palapag na. Ang maliit na garden na dati ay walang kalaman-laman, ngayon ay malaki na at naging playground na.

Mukhang umasenso na ang Ghals.

"How's the feeling, Beriana?" Bigla ay tanong ni Calli. Nasa tabi ko na siya at agad na hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.

Ngumiti ako. "Pakiramdam ko ay muli akong nagbalik sa nakaraan, sobrang sarap sa pakiramdam." Pumikit ako at pinakiramdaman ang hangin.

Napadilat ako ng makaramdam ng malamig na kung ano sa pisngi ko. Itinulak ko papalayo ang mukha ni Calli mula sa akin ng nakawan niya ako ng halik.

"Hindi ka na nahiya sa anak mo, Callidon." Gigil na sabi ko, matunog lang siyang ngumisi at tinignan si Callix kaya napatingin na lang din ako. Inosenteng nakatitig ang anak ko sa aming dalawa ni Calli.

"Daddy, why did you kiss mommy on her cheeks?" Takang tanong ni Callix. Napapikit naman ako sa kahihiyan.

"Because I love her." Simple at proud pa na sabi ni Calli.

"Ah, I also love her po. Kaya ginagawa ko din po 'yun kay mommy." Proud din na sabi ni Callix kaya naman napangiti ako. Ang cute ng anak ko.

"Yes, we both love her so that's why." Pag-sang ayon ni Calli.

Bigla ay naitaas ni Callix ang kamay niya parang may biglang naisip. "Ah! So you are eating her lips po in the car before because you love her? So I can also do that to mommy because I love her too--" Tinakpan ko na ang bibig ni Callix at niyakap.

Hindi niya pa rin nakakalimutan 'yung nangyari sa kotse! Nakakahiya!

"No son, you can't do that to mommy." Casual na sagot ni Calli.

"Uhm.. okay." Parang malungkot pa na sabi ni Callix.

"Hoy kayo, tigilan niyo na nga 'yang walang kwenta na usapan na 'yan." Inis na saway ko sa kanilang dalawa.

"Your mommy's now in the beast mode huh? Let's get in." Sabi pa ni Calli at siya ang humawak sa kamay ni Callix habang ang isang kamay niya ay nasa bewang ko pa rin.

"Huy, tignan niyo! May bisita tayo!"
"Ang ganda at pogi naman nung lalaki at babae na 'yun oh,"
"May bata rin silang kasama. Mukhang isang buo na pamilya, mabuti pa sila."

Sa huling salita ay nakaramdam ako ng lungkot. Ganoon kasi ang mismong sinasabi ko kapag may dumadating na isang pamilya dito sa Ghals para magbigay ng tulong. Nakakalungkot na hanggang ngayon ay may mga bata pa rin na walang magulang at patuloy naghahangad ng buong pamilya.

Naiintindihan ko silang lahat, dahil napunta ako sa sitwasyon nila.

"Wife, don't cry. I can feel you," Bulong ni Calli.

Umiling ako. "Hindi ako umiiyak,"

"Kahit na hindi kita nakikita ngayon, alam ko na malungkot ka."

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now