Chapter 16

4.7K 107 5
                                    

XVI- Concern

Alrin's POV

"WATSUP HELLO SA TAONG BUGBOG SARADO KAYA HINDI NA GWAPO BOBO!" Sigaw ko nang pasukin ko ang mansion ni Calli. Ang grand staircase agad ang sumalubong sa gwapo.

Lumingon ako sa kaliwa na kung saan naroroon ang living room. Wala'ng bakas ng tao doon kaya lumingon naman ako sa kanan. Napansin ko agad ang dalawang pinto. Kwarto 'yon na pangbata. Isa para sa babae at isa para sa lalaki.

Ang dalawang kwarto na 'yan ay para daw sa anak nila ni Beryl. Ang lakas talaga ng pakiramdam ng loko. Pinagawa niya 'yan don sa kambal one year ago. Sa tingin daw niya kasi ay lalaki ang anak nila ni Beryl pero para sigurado, nagpagawa na rin siya ng pambabae.

Naglakad na lang ako papunta sa side ng mga kwarto na 'yon para makapunta sa kusina ni Calli. Walang rin siya don. Sabagay, ang balita ko kasi ay hindi siya makapaglakad ng maayos. Kaya bumalik ako sa may bungad ng bahay at umakyat sa grand staircase. Andon kasi sa 2nd floor ang kwarto ng kumag.

Nakakainis naman! Nakakapagod umakyat sa grand staircase ang dami kasi'ng hahakbayan. Nang makaakyat naman ako ay agad ko'ng nakita ang 2nd floor ng bahay. Hindi ko na tinignan 'yon ng matagal at bigla-bugla nalang pumasok sa kwarto ni Calli.

Bumungad sa akin ang malaking painting sa ibabaw ng kama ni Calli. Picture nila 'yon ni Beryl nung graduation pictorial. Parehas nakasuot ng toga ang dalawa. Ngiting-ngiti si Calli habang si Beryl naman ay nakahalik sa pisngi ng kumag. Ang sweet pero wala namang forever.

Trivia lang ha? Siya mismo nagpainting non. Masyado kasi'ng adik 'tong isa kay Beryl. Iniwan naman, ang tanga 'diba?

"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE, ALRIN?" Natigil ako sa pagtingin sa painting.

"Wala lang, tinitignan kung buhay ka pa." Lumapit ako sa higaan niya at umupo. "Ano 'yan? Cup noodles? Hindi 'yan healthy bro!" Inigaw ko sa kanya ang cup noodles na kinakain niya. Ang sama tuloy ng tingin sa akin.

"Kung wala kang gagawin na maganda, umalis ka na lang. Ang aga mo'ng nang-abala." Sinusubukan pa niyang agawin sa akin ang cup noodles pero agad ko na itong naitapon sa trash bin na nasa tabi ng side table niya.

"Loko ka ba? Cup noodles really? Sa bugbog sarado na katulad mo. Dapat healty foods ang kinakain mo. Eto o." Ibinigay ko sa kanya ang supot na dala ko.

Tinignan ko siya at napansin ko ang pagtaas ng kilay niya. Kaya ngayon ko lang napansin ang mukha niya. Medyo naghihilom na ang mga sugat niya sa mukha. Kaya mas lalo'ng gumagwapo ako e.

"Thanks for the food, damn! Can you realize it? I always eat that fvcking cup noodles everyday." Eh? Cup noodles everyday?

Hay. Kawawa naman pala 'tong kaibigan ko. Paano kasi 'yung kambal tuko, dumeretso agad kay lola Tess. Hindi manlang inintindi ang kaibigan namin.

"What's that?" Kinalkal niya ang plastic kaya bago niya buksan ang tupperware ay agad ko ng sinabi.

"Sinangag with shrimp." Natawa ako ng sinuntok niya ako sa braso.

"Fvck you! Just leave my house and don't ever come back! Wala ka'ng kwenta!" Inilagay niya sa side table ang pagkain niya at agad na nagtalukbong ng kumot. Damn! Mukha kami'ng magjowa na nagsusuyuan.

Putsa naman! Ang ganda ng girlfriend ko para ipagpalit sa tanga'ng kaibigan ko yuck!

"Joke lang, rice with sisig 'yan. Tapos may lugaw. Iinit mo nalang." Agad siyang napaupo ulit sa kama at kinuha ang pagkain. Amp. Ang takaw.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now