Chapter 39

2.5K 86 15
                                    

XXXIX- Pay

Beryl's POV

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Pagkabukas ko, nakita ko agad si Callix na nakikinig na naman ng music.

Kaya naman umupo ako sa tabi niya saka tinanggal ang headset na nakalagay sa tenga niya. Nagtataka naman siyang nag-angat ng tingin sa akin ngunit ngumiti pa rin siya.

"Okay lang ba sa'yo na huwag na tayong pumunta sa foundation day?" Tanong ko sa kaniya. Ang kaninang maganda niyang ngiti ay biglang naglaho. Ibinaba niya ang IPad na ibinigay sa kaniya ni Calli nung nakaraan saka malungkot na hinarap ako.

"But I want to experience something new like foundation day. Besides, daddy and tito kumags are there po. I want to go there, mommy." Malungkot na sabi niya sa akin. Halata sa boses niya ang pagiging dismayado.

"Paano kung mas safe tayo dito sa bahay kaysa sa school. Gusto mo na lagi tayong safe, 'di ba?" Sinubukan ko ulit siyang kumbinsahin pero mas nalungkot lang siya.

"Mommy, this is my first time po. Saka po andiyan naman po sila daddy e, safe pa rin po tayo doon." Nakanguso niyang sabi. Halatang gustong gusto niya talagang pumunta sa foundation day.

Napaisip tuloy ako. Sa pitong taon na pamumuhay niya ay hindi pa siya nakakaranas ng ganitong kasayahan. Lagi kaming nasa loob ng bahay, maglalaro, manonood at mag-aaral. Pinakalibangan na namin ay ang pagpunta sa parke dahil 'yun lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Maliit lang ang sweldo ko sa pagtu-tutor ng mga bata at pilit ko 'yong pinagkakasya sa pang-araw-araw na pagkain saka pambayad sa bahay, tubig at kuryente. Alam kong sobra ang saya niya ng malaman na may ganitong event sa school kung saan magiging masaya siya. Ngayon lang siya makakaranas ng ganito bilang estudyante.

Saka, tama naman siya. Nandoon ang kumags at si Calli. Matagal ko ng pinagkakatiwalaan ang apat at alam ko naman na mapapagkatiwalaan si Calli. Alam kong magiging ligtas kami kapag nandiyan sila.

"Sorry, Callix. Dahil hindi ko nagawang iparanas sa'yo ang masaganang pamumuhay. Sige, kung ano ang ikasasaya mo, 'yun ang gagawin ko. Para kahit doon man lang ay makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa'yo," Pilit na ngiting sabi ko habang nakatingin sa kaniya. Malungkot naman niya akong tinignan saka niyakap.

"Lahat po ng ginawa natin noon ay higit pa sa sapat mommy. Masaya po ako sa mga araw na magkasama po tayo. Hindi ka po nagkulang mommy." Maramdaming sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Talaga?"

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin  saka mabilis at sunod sunod na tumango.

"Syempre naman, mommy! Hindi po ako magsasawa na paulit-ulit sabihin na you're the best mommy in the whole wide word! Pero mas masaya po kapag sumama tayo. Promise po! Magiging masaya tayo dahil we are complete family po doon! Ako, ikaw at si daddy! Yey! Happy Family na po tayo," Masayang masaya na sabi niya. Halos hindi ko na makita ang mata niya sa sobrang tuwa niya.

Dahil doon, pinisil ko ang pisngi biya saka tumawa. "May nakikita ka pa ba? Haha!" Pagbibiro ko.

"A little mommy." Mas natawa ako doon saka siya inakbayan.

"Masaya ka ba talaga na kasama mo si daddy?" Tanong ko sa kaniya.

"Super mommy! Ang bait po kaya sa akin ni daddy! Alam mo po ba mommy, kapag po before and after class kinakamusta niya po tayo. Nahihiya daw po kasi siya na kausapin ka dahil lagi ka raw po galit sa kaniya. Bakit mommy?" Ngumuso siya at nagtatanong na tumingin sa akin.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now