Chapter 33

3.5K 94 16
                                    

XXXIII- Sweet?

Beryl's POV

Philip Callixton is now 7 years old. Ilang taon siyang ako lang ang kasama at walang alam tungkol sa pagkatao ng kaniyang ama. Kaya alam kong sobrang saya niya dahil nakita na niya sa wakas ang kaniyang ama. For the second time, I guess? But this time, wala ng pagtatago.

Ngumiti ako ng biglang yakapin ni Callix ang tatay niya.

"Daddy, I miss you," Nagkukumawala ang emosyon ni Callix habang nakayakap sa ama.

"I miss you too, Callix." Hinalikan ni Calli ang ulo ni Callix habang nakayakap ito sa kaniya. Lahat ay natahimik pati ako. Ramdam na ramdam ko ang emosyon nila.

Tahimik lang si Calli habang umiiyak sa bisig niya si Callix. Paulit-ulit ang pagsasabi sa tatay niya kung gaano siyang nangungulila dito sa mga dumaang taon. Nakakaguilt dahil lumaking walang ama si Callix pero wala akong pinagsisisihan. Alam kong ginawa lang ni Callidon ang lahat para sa kumpanya at para sa nanay niya. Alam kong patuloy niya kaming iniisip sa taon na wala siya sa tabi namin. Sapat na 'yon. 

"Daddy, I waited for this. Me, mommy and you are here in one place. As a family." Nangilid ang luha ko sa narinig kay Callix.

Alam kong matagal na niyang pinapangarap 'to. Ang makasama ang tatay niya ay gusto niyang mangyari pero aminado siyang imposible dahil wala akong kinukwento sa kanya tungkol dito. Nagkaroon siya ng pag-asa ng sandaling makita niya ang ginawang paghahanap sa amin ni Calli.

"I'm here now, Callixton. I will never leave you again. I'm sorry for leaving you," hinaplos haplos lang ni Calli ang buhok ni Callix. Kay sarap pagmasdan.

Nakayakap lang sa kanya si Callix ng mahigpit. Alam ko na wala siyang galit sa tatay niya. Callix has a purest heart. We are lucky to have hin.

"Ehem." Kinuha ko ang atensyon nila, napapansin ko kasi na nahihirapan si Calli sa pwesto niya.

"Upo ka na, Calli. Papaluin ko muna si Callix e," Pagbibiro ko.

"Hala, mommy!" Pinunasan muna niya ang luha niya saka nagtago sa likod ng upuan na kinauupuan ni Calli.

"Bakit ka nagtago sa akin? Akala mo ba hindi ko alam na nag-uusap kayo ni Calli ng pasikreto ha? At talagang inamin mo pa na anak ka niya," Umakto ako na parang galit. Pilit namang pinapalakas ni Callix ang loob kahit natatakot na.

"Sorry mommy, pero hindi ko po pinagsisihan na ginawa ko 'yun," Nakayuko siya ngayon. As I expected from Callix

Pinakawalan ko na ang tawa na tinatago ko kanina pa, " Haha! Tara nga dito, Callix. Give mommy a big hug. Namiss kita, huh?" Lumapit nga siya sa akin at ibinuka ang dalawang kamay. Lumuhod ako para magkapantay kami at mas mayakap ko siya. He's totally my comfort.

"Mommy, I'm sorry po dahil nagsecret po ako." Nakanguso ngayon si Callix at parang iiyak na. Hindi pa rin talaga maalis na bata pa siya.

"Ano ka ba? Okay lang 'yon. Naiintindihan ko ang ginawa mo," Nakangiti kong sabi sa kanya at hinigpitan ang yakap ko. Pagod ako pero nang mayakap ko siya ay nawala.

Naiintindihan kita, Callix. Ako rin naman ay gagawa ng paraan para mahanap at kilalanin ko ang mga magulang ko kaso parang wala 'yata akong mahahanap.

"You are the best mother, Beriana. I am right, Callix?" Nagsalita ang kumag habang nakatingin sa amin na nagyayakapan.

"Yes daddy! Even though she's sadistic sometimes. She never fails to prove that she's the best mother in the whole wide world!" Lalong humigpit ang yakap ko kay Callix.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now