Chapter 49

2.8K 87 20
                                    

XLIX- Best gift.

Beryl's POV

"Hi nanay Tess!" Malakas na sabi ko pagkatapos kong katukin ang pinto sa kwarto ni Harris.

"You are so loud, Beriana. Lola Tess might be sleeping right now." Saway sa akin ni Calli na ngayon ay nasa pinto pa rin at akay si Callix. Nag-uusap pa kasi sila sa labas at sumingit lang si Calli para sawayin ako.

"Anong tulog? Gising kaya siya!" Sabi ko pa at saka nilapitan si nanay Tess.

Nawala ang ngiti ko ng makita kung gaano kapagod ang kaniyang mukha, bahagya rin namayat ang katawan niya. Kahit kasi nag-volunteer kaming lima na magbantay ay pinipilit niya na bawat oras ay nandito siya, pwede naman na dahil nasa ordinary room na kami pero pinapauwi rin namin siya dahil kahit hindi niya sabihin alam namin na pagod siya.

"Hello, Beryl iha." Niyakap ko agad siya ng marinig ang malamya niyang boses. Sobra talaga siyang naapektuhan sa nangyari kay Harris.

"Nanay, kamusta?" Agad kong tanong sa kaniya ng matapos ko siyang yakapin.

Ngumiti siya sa akin ngunit halatang pilit "Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong mo, Beriana. Hangga't hindi ko nakikitang gising 'yan,"

Hinawakan ko ang mga kamay niya. "Nanay, magiging okay din 'yan si Harris 'no. Huwag kayong masyadong mag-alala,"

"Napakatagal naman kasi gumising niyan, aba, isang linggo at apat na araw na ha? Posible ba na mangyari 'yon? Baka mamaya.. hindi pwede Beriana, hindi siya pwedeng mawala." Niyakap ko ulit siya at hinaplos ang likod niya. Mukha kasing malapit na naman siyang umiyak.

Ang sakit makita kapag ganito si nanay Tess, parang nakaraan lang nung nagsasaya kami tapos magiging ganito. Alam ko na may dahilan ang lahat ng bagay kung bakit nangyayari ito, sana lang ay maganda ang dahilan.

Apat na araw na ang nakalipas nung recognition ni Callix at nagpunta kami sa Ghals. Sa apat na araw na 'yon ay maraming nangyari ngunit wala pa ring pagbabago sa lagay ni Harris kaya ganito kung mag-alala si nanay Tess. Ako ay kahit papaano ay napapanatag dahil alam ko na gigising din 'yung kumag na 'yon, bukod sa may magaling siyang doctor ay malakas 'yon at hindi siya matitibag ng dahil lang sa aksidente na 'yon. Kaya ang tanging magagawa ko lang para kay nanay Tess ay ang samahan siya at palakasin ang loob niya.

Saka kahit papaano may maganda nga'ng naidulot ang pagkakaaksidente ni Harris e. Muling naging malapit ang loob ni nanay Tess sa parents ng kambal dahil lagi rin silang bumibisita dito. Nagkaliwanagan na sila tungkol sa hindi pagbisita ng parents ng kambal kay nanay at nangako na hindi na sila magkukulang doon. Ang saya nila sa tuwing magkikita sila, sana nakikita nung kumag na 'to ang nangyayari sa pamilya nila.

"Hi lola Tess, hi mommy, hi tito Harris!" Masayang bati ni Callix ng makapasok sa kwarto. Ngayon lang kasi pinayagan ni Cian na makabisita si Callix dito sa hospital.  Napabitaw tuloy ako sa pagkakayakap ko kay nanay Tess.

"Kasama niyo pala si Callixton, iha." Ngumiti sa akin si nanay Tess at masayang tinanggap ang pagmamano sa kaniya ni Callix.

"Salamat sa pagbisita, Callix." Masayang sabi ni nanay Tess at niyakap ang anak ko.

Natapos ang yakap at humarap si Callix kay nanay Tess. "Matagal ko na nga pong gusto na bumisita. They didn't allow me to visit. Ngayon lang po." Malungkot na sabi ni Callix, ginulo naman ni Calli ang buhok nito na siyang nagpapasok kay Callix dito.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now