Chapter 24

4K 122 18
                                    

XXIV- Meet up

Beryl's POV

"Pero alam mo ba? Dapat matagal na niyang ginawa 'yon." Sabi ni Alrin kinabukasan. Tinutukoy ang pag-aanunsyo ni Calli para ipatigil ang paghahanap sa akin.

Ewan ko ba sa kumag na 'to. Ang tagal tagal na noon nangyari, binabalikan pa. Wala talaga siya sa sarili, may makwento lang ba.

"Wala naman akong pakielam don 'e!" Sabi ko sa kanya habang nagpa-plantsa ng mga uniforms namin ni Callix. Sabado kasi ngayon at walang pasok.

"Wala lang, share ko lang. Masama ba?" Napapahiyang sabi niya.

Pinatay ko muna ang plantsa at inilagay sa gilid. Saka siya hinarap. "Alam mo, naiinis ako sayo, sa inyong lahat." Sabi ko sa kanila.

"Eh? Bakit?" Parang nagugulat na sabi nila.

Umupo ako sa harap nila. "Hindi niyo ba naalala ang pinag-gagawa niyo kagabi?" Tanong ko sa kanila.

"Anong ginawa ko?" Inosenteng sabi ni Harren.

"Natulog ka lang naman. Wala kang ibang ginawa. May problema ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala! Buti naman wala akong ginawa. Sinamahan ko lang 'yung dalawang magdrama." Para siyang nakahinga ng maluwag dahil wala siyang ibang nagawa.

Naningkit ang mata ko sa dalawa. "Kayong dalawa ang may ginawa. Bakit kayo nagdrama kagabi ha?" Tanong ko sa kanila. Napayuko naman sila.

"Kasi naman si Alrin 'e! Nagbreak kasi sila ng jowa niya kaya ko na-alala jow-- ay ex na pala. Pero okay na, nakakamove on na ako." Nakamove on daw! Pero habang sinasabi niya 'yon, makikita sa mata niya na hindi pa sa naka-move on.

"Sinabi mo 'e. Hindi ko nga lang paniniwalaan," sabi ko kay Harris, napahawak naman siya sa dibdib niya.

"Wow! Hindi mo na ako pinapaniwalaan?" Hindi ko na lang siya pinansin at dumako ang tingin ko sa pinakamadrama kagabi.

"Oh? Kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

"Ha? Okay naman, medyo masakit lang 'yung ulo ko. Naparami kagabi ng inom 'e" Halatang iniiba niya ang usapan.

"Ang ibig kong sabihin, kamusta ka na simula nung.. uhm.. nagbreak kayo" Naiilang kong sabi. Ngumiti naman siya sa akin.

"Hindi naman ako nagbreak sa trabaho, nagleave lang. Hehe! Gusto ko lang magpahinga," sabi niya. Nagsisimula ng uminit ang ulo ko.

"Alam mo, dapat hindi mo na ako binibisita dito, dapat hindi mo na ako kinakausap," Sabi ko sa kanya. Nagtatampo.

"Hala? Bakit?" Taka niyang tanong. Nag-aalala, bwisit talaga.

"Kasi kung kaibigan mo talaga ako, sasabihin mo ang mga problema mo sa akin. Ang magkaibigan ay natutulungan diba? Bakit hindi mo ako magawang kausapin? Siguro, hindi talaga kaibigan ang turing mo sa akin." Tumayo na ako at iiwan na sana sila doon sa kwarto pero hinawakan ni Alrin ang palupulsuhan ko.

"Eto na nga, magkukwento na,"

"Sige, simulan mo na." Pero hindi siya nagsimulang magkwento.

"Bakit na naman?" Naiinis kong tanong. Ang dami niyang arte 'e!

"Kailangan ba talaga, makinig din sila?" Tinuro pa niya ang dalawa na nakikitsismis.

"Oo baket? Hindi mo ba sila kaibigan?" Taas kilay kong tanong.

"Sabi ko nga, bestfriends forever tayo. Hay," Nanlulumong sabi niya.

Nagkwento nga siya tungkol doon sa plano ng tatay-- padrasto niya na ipapakasal siya sa business partner nila. Masakit sa kanya 'yon kasi lumayo na nga daw siya sa kanila ng ilang taon tapos idadamay pa siya sa 'kalokohan' daw nila. Hay, ang lungkot naman.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now