Chapter 3

7.6K 235 7
                                    

III- Friends.

"Putsa pare! Siya nga 'yung hinahanap ni Calli!"

" Gago kamukha ni Calli 'yung bata!"

"Sasabihin ba natin sa kanya?"

Napabangon ako sa mga boses na nadinig ko.

"Shet, medyo tumaba siya no?"

"Sana all kilala siya."

"Astig 'yan brad pero minsan abnormal"

"HOY! Anong ginagawa niyo dito?!" Sigaw ko sa kanila pero parang hindi nila ako napapansin. Nagising ko pa si Callix.

"Good morning momm---" napahinto siya sa pagsasalita ng makita ang mga lalaking nasa harap ko.

"Putcha! Kuhang kuha talaga ni Callidon 'yung mukha!"

"Mukhang sweet din magmahal"

"Huwag lang sanang mambabatok 'yan kapag inaabala. Ganyan kasi parehas 'yung parents niya."

Hindi na ako nakatiis na hindi sila saktan dahil napupuno na ako. Daldalan sila ng daldalan sa harap ko. May panglalait pang kasama. Binato ko sila nung malaking unan ko. Sapat na para tamaan silang lahat.

"Awts! Sabi na eh!"

"Good morning queen"

"Mas humina 'yata pambabato mo Beryl ha?"

Binato ko na din 'yung unan ni Callix sa kanila.

"Putek! Tama na hoy nakikita ng bata." Si Harren na kunwaring nasasaktan eh unan lang naman 'yon. Umupo sa tabi ni Callix.

"Baby. Don't touch him okay?" Bilin ko kay Callix at muling hinarap 'yung dalawang na nasa harapan parin namin at nakatayo.

" Ang galing naman, mapupuntahan niyo nalang eh bahay pa ni Lola Haha!" Si Harris na umupo din sa kama at parang tatanga tangang lumundag lundag. Lumapit siya kay Harren at sabay nilang kinausap si Callix.

"Kilala mo ba si Callidon? Masungit na ngayon 'yon saka tatay mo siya hehe. Kamukhang kamukha mo siya." Si Harren na parang gusto ng pangigilan si Callix pero natatakot sa hindi ko alam na dahilan.

"Nakakatakot kurutin bro no? Katakot tumingin parang little Callidon. Hi cutie boy."  Si Harris na hinawakan pa ang sarili para hindi makurot  sa pisngi si Callix

Si Harris at Harren ay ang kambal na kaibigan ni Calli noon, pare-parehas silang sira-ulo noon. Makakaibigan 'yang tatlo noon kaya kilala nila ako at naging kaibigan din dahil dati nga, madalas kaming magkasama ni Callidon. 'Yung isa naman ay hindi ko kilala.

Saka anong lola?! Mag-isa lang dito si nanay Tess amp naman! 'Yun ang sabi niya sakin 'diba? Panong nangyari na lola nila si nanay Tess? Kaya pala puro pangmayaman ang gamit dito kasi mayaman 'tong kambal tuko na 'to at posible na mayaman din si nanay Tess!

Bobo ka ba Beryl? Sinabi lang niya ni nanay Tess na mag-isa lang siya pero hindi niya sinabi na wala siyang pamilya sa malayo! Shit lang! Mukhang isusumbong na ako ng kambal tuko at ang kasama nilang abno kay Calli

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now