Chapter 50

3.6K 92 15
                                    

L- Save the date

Beryl's POV

"What happened, Beriana?"

Natuwa ako sa agad na pagdating dito ni Calli sa hospital ng tumawag ako sa kaniya, sinama pa talaga niya si Alrin at Harren. Hindi ko alam kung paano niya nasundo agad 'yung dalawa, napakabilis nilang nakarating dito.

Hindi ko alam kung ngingiti ba ako sa kanila, o magiging malungkot. "Gising na siya," Una kong nasabi habang nakatingin sa kanilang tatlo. Ang kaninang nag-aalala nilang mukha ay unti-unting napangiti.

"Sa wakas! Yari sa akin 'yon maya maya." Nakangisi at parang gustong-gusto ng pumasok ni Alrin sa kwarto.

"Gago 'yon ah, masyado tayong pinag-alalala." Naiinis ngunit halata naman na sobrang saya ni Harren. Malamang, siya ang pinaka-apektado sa aming lahat ng mangyari 'to. Siya rin ang pinakamasaya ng malaman na gising na rin sa wakas 'yung kakambal niya.

Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Calli na nakahawak na sa akin. "Why? Is there anything problem?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. Napakagaling niya talaga, naramdaman kaagad niya ako.

Dahil doon, napahinto silang tatlo at tumingin sa akin. Napayuko naman ako ng maramdaman ang pangingilid ng luha ko.

"Hindi ko alam ang mga sinasabi mo. Sino ka ba?"

Muling nanumbalik sa aking ala-ala 'yung huli niyang sinabi bago ko tinawag si Cian para i-check siya. Kahit ayaw kong isipin ay pilit 'yon na pumapasok sa aking isipan.

"Beriana," Puno ng pag-aalala na sabi ni Calli. Magkahawak pa rin ang mga kamay namin at hindi niya binibitawan.

"T-tinanong niya kanina.. kung sino raw ba ako." Agad nabasag ang boses ko ng sabihin ko 'yon. Ang sakit ng mga salita na 'yon. Sinikap ko silang tignan para makita ang mga magiging emosyon nila o kung naintindihan ba nila ang gusto kong ipahiwatig.

Na posibleng nalimutan niya lahat. Hindi 'yon imposible dahil sa ulo ang malala niyang tama. Hindi pwede.

"What... the fvck."  Hindi makapaniwalang sabi ni Harren. 

"Pumasok na tayo." Seryosong sabi ni Calli at itinuro ang pinto ng kwarto.

"Teka, nandyan pa si Cian at may ginagawa pa siya sa loob." Pagsingit ko sa plano niyang pumasok. Ngunit parang hindi na sila nakinig sa akin.

"Tara," Aya ni Harren at naglakad papunta sa pinto.

"Kung totoo man 'yon, iuntog natin siya sa pader." Siraulo talaga 'yung kapatid ko pero.. bakit papasok na sila? Sigurado ba sila sa pinaplano nila?

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Papasukin ba talaga nila agad ang kwarto ni Harris? Napahinga na lang ako ng malalim. Kumags ang mga ito at sobra ang katigasan ng ulo. Wala naman akong nagawa para pigilan sila sa balak nilang pagpasok sa kwarto ng walang permiso dahil pumasok na sila Alrin at Harren.

"Beriana, dito ka muna. Is it okay?" Tanong ni Calli. Aba't talaga namang iiwan pa nila ako dito?

"Sige, bibili muna ako ng pagkain." Naiinis na sabi ko saka siya tinalikuran. Mukhang magkakaroon pa yata sila ng meeting de avance.

Naglakad ako kahit na sobrang lutang ng isipan ko. Hindi ako makapaniwala na talagang tinanong ni Harris ang pagkakakilanlan ko. Walang halong pagbibiro ang boses niya no'n, halatang pati siya ay hindi alam ang nangyayari sa kaniya.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now