Chapter 10

5.4K 148 12
                                    

X- Good bye

Beryl's POV

Gusto kong suntukin ang tatlong 'to dahil sobrang layo ang nilakad namin sa katirikan ng araw. Kahit kasi na napapaligiran kami ng mga puno ay ang init ng singaw ng hangin.

Ang lugar kasi ni nanay Tess ay isang sobrang lawak na bukirin. May taniman ng iba't-ibang gulay pero mas malawak ang taniman ng bigas. Sobrang ganda ng lugar na ito na hindi ko talaga ipagpapalit sa mga malls. Mula sa gate, bubungad sayo ang malaking bahay ni nanay Tess. Sa likod ng malaking bahay niya ay makikita mo na ang malawak na bukirin, sa gitna naman ng bukirin ay may isang maliit na bahay na dati'y inaalok sa amin ni nanay Tess na upahan. At ang pinakadulo non ay isa pang malaking bahay na cemetery pala. Hindi ko pa alam ang itsura non pero kahit na tinatanaw mo palang ito ay makikita mo na ang magandang disenyo nito.

Ang yaman talaga ng mga Lozan.

Napabalik ako sa pag-iisip ng maramdaman ko ang sobrang init. Gusto ko ng umuwi! Bakit ba kasi sumama pa sa ako sa kanila. Saka gusto ko ng umuwi kasi.. hindi ako okay eh. Kapag talaga nababalikan ko ang nakaraan ay hindi ako nagiging okay.

"Balik nalang tayo don! Napakainit! Pwede niyo naman kasing ikwento sa akin ng hindi pumupunta dito." Sabi ko sa kanila pero ang mga kumags ay nag-eenjoy pa. Paano nila nagagawang mag-enjoy sa ganitong kainit?

"Ayaw mo non? Ito nga ang the best bonding natin eh!" Sabi ni Harren na may hawak pang dahon na saging. Nalaglag 'yon mula sa puno na nadaanan namin kanina saka kinuha niya at ginawang payong. Abnormal talaga.

"Oo nga naman Beryl. Ang kill joy mo pala noh?" Si Alrin na siyang may hawak kay Callix. Masayang masaya sila sa ginagawa naming paglalakad.

"Saka ang lapit na natin oh! Babalik ka pa? Ang layo na ng nalalakad natin, dadagdagan mo pa ba ang pagod mo para bumalik? Huwag na kasi mas lalo kang masasaktan. Saka natatanaw na natin oh! Ang lapit lapit na eh!" Si Harris na kasabay kong maglakad at pinapayungan ako. Mga tanga naman kasi 'to. Isa lang ang dinalang payong eh apat kami dito.

Pero 'yung sinabi ni Harris, parang nagdouble meaning sa akin. Parang 'yung sinabi niya pilit binibigyan ng meaning ng puso ko. Bahala nga siya d'yan! Andito kami para magbonding at mag-enjoy 'diba?  Sana lang talaga mag-enjoy ako sa ganitong kainit na panahon.

"Ang dami niyong sinabi. Bilisan na nga lang natin." Nagpauna pa akong maglakad sa kanila kahit na hindi na ako mapayungan. Ang init-init naman eh parang non-sense ang payong. Konting sacrifice nalang mararating rin namin ang 'cemetery' kuno ng mga Lozan. Bakit ba naman kasi sumama pa ako? Baka umitim ako! Ang puti ko kasi. Sayang kung iitim ako.

Nasa katapusan na kami ng bukirin, malapit na kami sa cemetery nila. Maglalakad na sana ako pero parang walang sumusunod sa akin kaya napatalikod ako. Medyo malayo  sila sa akin at nakaupo sa damuhan.. parang namimitas.

Ano ba naman 'tong mga 'to! Ang init-init tapos hihinto pa sila? Mga bwisit talaga eh! No choice tuloy ako kailangan ko silang balikan.

"Mga kumags naman eh! Huwag naman kayong sumpungin ng sakit niyong pagka-abno dito sa napakainit na lugar na 'to please lang. Tara na punta na tayo dun!" Tinuro ko pa ang parang bahay na cemetery nila para maramdaman nila na gustong-gusto ko ng makapunta doon kahit na hindi. Gusto ko na kasing umuwi pero gusto ko silang makasama eh. Bwisit talaga sila.

"Teka lang Beryl. Kukuha lang kami nito, gusto mo ba?" Si Harren na may hawak na halaman na hindi ko alam kung ano ang tawag. Binuksan niya 'yon sa harap ko at ipinakita sa akin ang tatlong itim na bilog na may korteng puting puso.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now