XIX- Bonding
(Not edited. I didn't re-read this but enjoy! Wrong grammars and errors ahead)
Harren's POV
Akala ko talaga, may mangyayari'ng gulo sa pagitan namin ni Calli dahil mukhang hindi siya sisipot sa birthday ni Callix. Balak ko nga sana, pag-uwi namin sa Manila ay sasalubungin ko siya ng suntok at isa'ng sipa sa alaga nya pero nevermind. Tinupad naman niya eh. Pero, super late na nga siya kaya nakakainis parin.
May papalapit na lalaki sa amin at nang makalapit ay nakilala ko na agad. Si Callidon 'yon! Sabi ko na eh! Tumutulad talaga sa usapan ang mokong na 'yon!
"Hoy! Putsa ka! Pinaghintay mo lang naman kami ng ilang oras hoy! Halata'ng ayaw mo kaming kasama ha?!" Galit na sabi ni Alrin. Kanina pa nga high blood ang baliw na 'yan eh. Halos madurog ang bagong phone niya kakapindot.
"Ayaw ko talaga kayo'ng kasama. Mabuti alam mo. Besides, I made a promise to all of you. Hindi ako 'yung tipo na hindi tutupad sa pangako," Sabi nung mokong na si Calli. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Tinignan ko na din ang kabuoan niya.
Well, may itsura naman talaga kahit na anong suotin niya e! He's wearing a simple white tshirt, sa ipambaba ay maong lang. Ang simple lang. Wews, mas pogi pa rin ako no?!
"Eh bakit ba kasi late ka ha? Nangako ka tapos hindi mo tinupad? Dude! Ang tagal naming naghintay! Ano bang dahilan mo?" Masungit na tanong ko. Nakakagag* kasi e, siya ang nagsabi ng mismong oras, tapos siya ang hindi tutupad. Ay! Very wrong!
" Nakipag-usap ng mahaba sa isang kakilalang business woman okay na?Pakielamero kayo no?" Parang naiinis na sabi niya agad. Aba! Siya pa galit ha?
"Eh kasi naman, hindi mo alam kung gaano kahirap maghintay. Pati 'yung bata dinamay mo pa. Edi sana naglaro na kami dito kung nagmessage ka manlang na hindi ka pupunta or late ka pupunta" Kalmadong paliwanag ni twin. Alam ko'ng pinipilit lang niya maging kalmado.
"Alam ko'ng mahirap mag-intay. Ang tagal ko na nga din siya'ng hinihintay e, nagreklamo ba ako?" Seryoso'ng sabi niya sa amin kaya lalo'ng sumama ang mukha ko.
"Kapal ng mukha mo dude." Hindi ko nalang pinansin at inilapit sakin si Callix.
"Well, he's Callixton. Siya 'yung bata'ng anak ng kaibigan ng lola ko. Very close siya sa aming tatlo and he says he wants to celebrate his birthday with us." Sabi ko at iniharap sa kanya si Callix na sobra na ang pagkakangiti. Maluha-luha pa nga eh. Ano ba 'yan!
"Sabi n'ya gusto daw niya makilala lahat ng kaibigan naming tatlo. So that's why he's here. I already called Cian para talaga kumpleto tayo kaso busy." Malungkot na sabi ni twin. Napatingin sa kanya si Calli at sinamaan ng tingin.
"Who the hell is that Cian? Hindi ko na 'yon kilala." Sabi ni Calli. Babawian ko nga sana ng salita kaso bigla siya'ng lumuhod.
Yeah! Lumuhod siya sa harap ni Callix like wtf?
Hindi ganyan si Calli!! Hindi siya papayag na maging mapagkumbaba. Gusto niya kasi lagi siya ang ginagalang at ang pinakamataas. Lalo ngayon na nagbago na talaga ang ugali niya. Saka hindi ko na nga siya'ng nakita na ngumiti pero ngayon, nakikita ko sa mata niya na sobra'ng saya niya. As in, may butil na din ng luha sa mata niya like wtf ulit!
Parang isang eksena sa isang pelikula ang paraan ng pagtingin sa isa't-isa ng mag-ama. Si Callix na nakababa ang tingin sa ama niya at naluluha at si Calli naman ay ganon din pero mas masaya siya.
YOU ARE READING
Just Keep Running from Billionaire
Ficção GeralThe most successful business man, the multi-billionaire Callidon Wright had an announcement. Whoever finds his girl, Beriana Lyne Perez will be receiving 50 million pesos. Where his precious gem? What will Callidon do when he finds out that Beriana...