Chapter 31

3.7K 106 21
                                    

XXXI- Awake

Beryl's POV

"Beriana..."

Gulat akong napatingin sa kanya ng madinig ang mahina niyang pagtawag sa pangalan ko. Pagkatingin ko sa kanyang mga mata ay agad na namasa ang aking mata.

Gising na siya!

"Callidon..." Nahawakan ko ang aking bibig sa gulat.

Nanginginig ang mga tuhod ko'ng naglakad papunta sa kinaroroonan niya. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa kanya, ganoon din siya.

Nang sa wakas ay makalapit ako sa kanya ay umupo na ako sa tabi niya.

"You are here. Is it true?" Nanghihina niyang itinaas ang kamay niya para hawakan ang mukha ko. Agad ko naman iyong hinawakan at inilagay sa pisngi ko saka lumuluhang tumingin sa kanya.

"Buti naman, gising ka na. Pinag-alala mo ako," Sobra ang saya at ginhawa ang nararamdaman ko ngayon.

Hindi siya nagsalita at ngumiti lang. Nakakahawa ang ngiti niya, parang sinasabi na magiging ayos lang ang lahat.

Walang salitang namutawi sa amin, parang ang daming sinasabi ng kanyang mga mata na hindi ko maintindihan pero pinapakalma noon ang sarili ko. Nakahawak ako sa kamay niya na nasa pisngi ko. Ilang minuto kaming ganoon pero sapat na sa akin 'yon.

Abot-abot ang pasasalamat ko ng magising siya. Sa wakas ay maayos at okay na siya. Pero 'yun ang maling akala ko. Akala ko ay ayos na siya pero hindi pa.. pala.

Ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko ay unti-unti'ng bumitaw mula sa kanyang pagkakahawak. Rumagasa ang mga luha ko ng makitang unti-unting bumabagsak ang talukap ng kaniyang mata.

Kinakabahan akong tumingin kay Cian. "C-Cian! A-anong n-nangyayari? B-bakit gano'n? Sabi mo, okay na siya 'diba?!" Sunod-sunod ang pagtulo ng aking mga luha.

Naging seryoso naman ang mukha ni Cian. May pinindot siya na kung ano man na nasa itaas ng kama. Saka siya lumapit kay Calli. Pagkakita niya sa sitwasyon nito ay tumingin siya kay Alrin.

"Lumabas muna kayo," Sabi niya kay Alrin. Tumango naman ito sa kanya at hinawakan ang braso ko.

"Please, Cian." Sabi ni Harren kay Cian. Nagkatitigan sila at parang nag-uusap sa tingin na 'yon. Tumayo sila at naglakad papunta sa pinto. Lalabas na sila.

"P-pwede naman ako d-dito, diba?" Nagbabakasakali kong tanong kay Cian. Umiling siya.

Binigyan niya ako ng ngiti. 'Yung ngiti na binibigyan ako ng kasiguraduhan. "Magtiwala ka sa aming dalawa." Dahil sa sinabi niya na 'yon, hindi na ako nagpumiglas sa pagkakahawak ni Alrin. Sabay kaming lumabas sa kwarto niya na siya namang pagpasok ng mga nurse bitbit ang kanilang mga gamit.

"Magtiwala ka kay Cian saka kay Calli. Parehas malakas 'yon. Haha! Eto tubig," Sabi ni Harris at inabot sa akin ang isang bote ng tubig.

Andito kami ngayon sa bench at naghihintay sa paglabas ni Cian. Katabi ko 'yung tatlo na kasama ko sa paghihintay.

"Iba 'yung emotions mo kanina ha? Miss na miss?" Natatawang tanong ni Harris na nakatanggap ng batok kay Harren.

"Baliw, huwag mo nga munang kausapin si Beryl." Sabi nung kakambal niya.

Ngumiti ako ng mapait. "Oo, namiss ko siya ng sobra. Okay na?" Sabi ko kay Harris na ngayon ay gulat na gulat.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now