Chapter 42

2.9K 79 18
                                    

XLII- Where

Beryl's POV

"Shit, ang sakit!" Daing ni Calli habang nakahawak sa ulo niya. Sa lakas kasi ng pagkakatulak ko ay nauntog siya sa may pintuan ng kotse.

"Daddy, mommy, what are you doing po? Hindi ko po alam 'yun." Nilingon ko si Callix at binigyan ng naiilang na ngiti.

Oh tukso, bakit hindi mo kami nilayuan. Tuloy ay nakita ng inosente ko'ng anak ang hindi dapat makita.

"W-wala 'yun, baby. Baba na tayo dito sa car?"  Alok ko sa kaniya pero umiling siya.

"Why are you eating each other lips po? Kumain naman po tayo kanina, ah?" Inosenteng tanong niya. Napahampas na lang ako sa noo ko.

"Haha. Wala lang 'yon, Callix. Tara na please? Huwag na makulit." Tinignan ko ng masama si Calli saka siya inutusan na i-unlocked 'yung pinto para makalabas na ako. Hawak niya ang ulo niya na lumabas at pinagbuksan kami ni Callix saka dinala ang lahat ng gamit namin. Napahanga na lang ako kung paano niya nadadala ang lahat ng 'yon.

"Nanay," Bati ko kay nanay Tess saka niyakap siya at nagmano. Sumunod naman si Callix at nagmano rin.

"Oh, na-late 'yata kayo ngayon ha? Saka nandito ka pala, Callidon. Upo kayo," Iginaya pa niya sa amin ang sofa. Todo asikaso siya sa amin.

"Hindi ba kayo sinabihan nung kambal, 'nay?" Tanong ko sa kaniya. Para kasi'ng wala pa siyang clue tungkol do'n sa dinner.

"Ah 'yon ba? Sinabihan na nila ako at susunduin pa nga daw pero tinanggihan ko na kasi gusto ko kasama ko kayo ni Callix. Haha! Sige, gagayak na nga ako e, dumating lang kayo. Kung gusto niyo kumain, meron pagkain sa ref ha?" Kumaway pa siya sa amin at pumunta na sa kwarto niya.

"Tara magbihis muna tayo, Callix." Hinawakan ko siya sa kamay at umakyat na sa hagdan. Hindi ko pinapansin si Calli. Kapag kasi tinitignan ko siya, naalala ko kung paano kami nahuli ni Callix.

Pagdating talaga sa kaniya, wala ako'ng laban. Hinayaan ko na lumalim ang halik na 'yon.

Nagbihis na nga kami ni Callix at hindi pinapansin si Calli kahit panay ang pagpapansin niya. Inalalayan naman niya kaming apat para makasakay sa kotse. Pupunta na kami sa bahay nila mama at pala. Makikita ko ulit sila.

"Aba'y naiilang ako, bakit ang tahimik niyo?" Takang tanong ni nanay Tess. Nasa backseat sila ni Callix at katabi ko naman si Calli na tahimik na nagmamaneho pero hawak ng isang kamay niya ang kamay ko. Malapit lang naman ang bahay ng mga magulang ko.

Biglang nagsalita ang anak ko, "Lola, busog po 'yata kasi sila kasi kanina p---" Napakabilis ng naging pagkilos ko. Ibinigay ko kay Callix ang isang pack ng chukie na binili namin kanina. Natahimik naman siya at ininom na lang ang chukie. Ang daldal!

"Ay hehe, wala po 'yun. Excited lang po kasi ako makita sila papa kaya tahimik ako." Pagpapalusot ko na tinanggap naman niya.

Katulad nga ng sinabi ko, malapit lang naman ang bahay ng mga magulang ko. Kaya nakarating din kami agad at natanawan ko na ang mga nag-gagandahang kotse sa garahe nung bahay, nandito na ang mga kumags. Inalalayan na naman kami ni Calli na makalabas ng kotse, nang ako naman na ang inalalayan niya ay hinalikan pa ako sa noo, kahit kailan talaga 'yon! Nanguna na pumasok ng bahay sila nanay Tess at Callix kaya naman naiwan kami ni Calli. Hindi pa rin siya lumalakad na pinagtaka ko.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now