Chapter 18

4.3K 116 10
                                    

XVII- Philip Callixton's Day

Beryl's POV

Ahhhhh! Sobra'ng sakit ng ulo ko!

Unti-unti ko'ng idinilat ang mata ko at hinawakan pa ang ulo ko. Sobra'ng sakit talaga ng ulo ko at nararamdaman ko na din paunti-unti ang katawan ko. Sobrang sakit ng buong katawan ko.

Teka? Ano ba'ng nangyari?

Nakikinig ako sa usapan ng kumags tapos nasabi nila na gusto daw nila ng mangga kaya kumuha ako para sa kanila ipambabawi ko dahil galit sila sa akin. Kaso, nadinig ko na kinakausap nila si Callidon tungkol 'yata sa plano nila sa birthday ni Callix. Nagulat ako at na-out of balance sa puno. Tapos non.. naramdaman ko ang lakas ng impact ng pagkakalaglag ko sa puno tapos hindi ko na alam nangyari kasi dumilim na paningin ko.

Syempre, potek ang taas nung puno na 'yon. Peste!

"Ay nahulog! Log log log lolololog!" Nagulat at napatingin ako sa kanan dahil sa malakas na pagkanta ng kung sino. Nanliliit pa ang mga mata ko ng lumingon ako. At nakita ko ang kambal tuko sa sumasayaw sa gilid ko. Bakit sila andito? Akala ko ba galit sila?

"Ay nahulog! Log log log lolololog!" Inulit pa nila ang pagsayaw-sayaw sa tabi ko na para'ng mga tanga. Abnormal 'tong mga 'to! Ang lakas mang-asar. Ganon ba talaga sila kapag galit sila sa isang tao? Nakakaasar ha!

Akma'ng sasawayin ko na sana sila sa pamamagitan ng pagpalo sa kanila pero may sumagabal na... dextrose?!

Nalilito ko'ng inilibot ang kwarto na kinaroroonan ko. Potek! Nasa hospital ako?!

"A-ano'ng ginagawa ko d-dito?" Uupo sana ako pero hindi ko magawa dahil ang bigat ng katawan ko. Huhu! Ang sakit talaga. Napabalik nalang ulit ako sa paghiga.

"Ano? Buhay pa ba?" Masungit na sabi ni Alrin. Galit pa din? Pero nang lingunun ko naman siya ay hindi siya mukha'ng galit. Nakangiti pa nga e.

"T-tinatanong ko kung anong ginagawa ko dito." Pag-uulit ko sa tanong ko. Napahawak pa ako'ng muli sa ulo ko at napansin ko na may benda 'yon. Anaknang! Kalabog siguro ako non.

"Nagfeeling ninja ka para makakuha ng mangga tapos nalaglag ka then nawalan ka ng malay kaya dinala ka namin dito sa hospital." Si Harris ang sumagot. Nagbabalat siya ng mansanas at ibinigay sa akin.

Ahh, ganon pala nangyari sakin. Grabe, para lang sa mangga handa ako'ng mamatay. Hindi ko na talaga gagawin 'yon swear!

"Ano ba'ng nararamdaman mo? Tatawag na ba kami ng doctor?" Hinihingal na tanong ni Harren, kumuha pa siya ng tubig don sa mini fridge. Hinihingal siya sa kaabnormalan-- este kakasayaw.

"Wala, masakit lang buong katawan ko. Huwag ka ng tumawag ng doctor. Dapat nga hindi niyo na ako dinala dito. B-baka may makakilala sa akin." Umusbong ang takot sa dibdib ko dahil sa naiisip ko na 'yon.

Shit! Paano kung may makakilala sa akin dito? Anong gagawin ko?

"Don't worry, safe ka dito. Wala'ng nakakita sayo bukod sa doctor." Sabi ni Harris na umupo sa tabi ko.

"Paano mo naman masasabi 'yon? Malay mo.. isuplong ako nung doctor na 'yon. Sa buhay kasi ngayon, pili nala'ng ang mga tao'ng pwede mo'ng pagkatiwalaan. Huwag ka agad magtitiwala sa iba." Nasabi ko nalang sa kanya.

"Edi ipagkakalat ko din sa buong hospital na 'to na natae sa short 'yung doctor na nagcheck sayo nung kinder. Haha, kaibigan namin ni twin 'yung doctor, kaibigan naming lahat including Alrin and Calli. Kinder palang friends na kami nung doctor mo, tapos naging kaibigan din nung dalawa. Saka mayaman na 'yon! Hindi na kailangan nu'ng pera ni Calli." Nagulat ako sa sinabi ni Harren. Kaibigan?

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now