Chapter 21

4.1K 93 10
                                    

XXI- Go out

Beryl's POV

"Tara sa mall, Beryl?"

Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng maging normal ang buhay ko. Lahat ng bagay ay pwede ko ng gawin dahil wala ng nagnanais na makita ako at ibigay sa bwisit. Nabalik ang dati kong buhay na malaya at nakakalabas na. Nakakagulat nga na kapag lalabas ako ng bahay ay parang walang nakakakilala sa akin.

'Yung naunang dalawang linggo ay umalis ulit ang kumags at nagtrabaho. Hindi naman kasi umiikot ang mundo nila sa amin para huminto sila sa ginagawa nila 'diba? Bumalik din ako sa dati naming inuupahan na bahay ni Callix. As usual, nanghingi ng bayad ang may-ari ng bahay para daw sa isang buwan. Grabe! Hindi naman ako doon tumira ng isang buwan! Kinuha ko kasi ang mga gamit na naipundar ko sa pagtututor at ang mga papeles na importante.

Ngayon naman ay andito kami ng kumags sa tree house, nagkakape.

"Ano na Beryl? Mall na tayo?"  Inalog alog pa ni Harris ang balikat ko. Paluin ko nga.

"Pwede ba? Manahimik muna kayo dito sa bahay. Sabi niyo pagod na kayo diba? Bakit magmamall pa tayo?" Naiinis na sabi ko.

"Pagod nga kami sa byahe at trabaho pero kaya nga kami andito para magrelax, tara mall na tayo?" Sabi ni Alrin.

"Pagod pala eh, edi matulog kayo. Sasamahan ko pa si nanay Tess magtinda. Ang daming costumers eh. Palibasa kasi hindi kayo tumutulong dito." Parinig ko sa kanila. Natawa lang naman sila at bumaba.

Gusto ko naman talaga mag-mall, kaso wala pa kasi silang pahinga eh. Kakadating lang kasi nila dito sa bahay ni nanay Tess mula sa Manila. Magpahinga muna sila 'diba?

"Beryl, mag-aayos lang kami ng gamit." Seryoso na sabi ni Harren at sabay-sabay na umalis dito sa tree house. Teka? Nag-uusap pa kami diba? Lalayasan nila ako?!

"Aba't-- hoy 'yung mga kape niyo! Hindi niyo pa ubos. Pinagtimpla niyo pa ako, hindi niyo pala uubusin!"

Napahigop nalang ako ng kape sa inis saka umupo sa sofa at tumabi kay Callix. Busy na naman sa cellphone!

"Hoy! Cellphone ka ng cellphone ha? Mapapakain ka ba n'yan?" Pagalit na sabi ko sa kanya. Napapansin ko kasi na palagi na niyang hawak ang cellphone. Nag-aalala ako baka kasi kung ano ang sakit na makuha niya dahil sa radiation ng cellphone.

Napapahiya niyang ibinulsa ang cellphone. "Sorry mommy. I'm just happy talking with.. uhm.. I am happy talking with my uhm... crush?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nang marealize ko ang sinabi niya ay binatukan ko siya.. mahina lang.

"Ang bata mo pa Callix! Anong crush? Mag-aral ka muna! Hindi porket 7 years old ka na ay pwede ka ng magcrush crush! Ikaw pa rin ang baby ko at ako lang ang crush mo sa ngayon" Inis na sabi ko. Napakamot naman siya ng ulo.

"Sorry mommy." Napayuko naman siya ulit. Nagtaas lang ako ng kilay at sinubukang kunin ang cellphone niya para makita kung sino ang kachat niya or what. Nanlaki naman ang singkit niyang mata at nakiaagaw sa akin.

"Mommy!! Give me back my phone please?" Parang maiiyak na sabi niya.

"Bakit ba ayaw mong ipakita kung crush mo lang 'yan?" Hindi ko na pinilit na makipag-agawan at ibinigay nalang sa kanya ang phone. May kinalikot naman siya don.

"Eto seryosong usapan Callixton. Huwag kang magtitiwala sa mga kausap mo sa social media. Mag-aral ka ng mabuti okay?" Nangangaral na sabi ko.

"Mommy? Sobrang advance ko na nga po sa lesson eh! And also I am smart enough to know who I will talk in social media." Hinaplos ko nalang ang mukha niya. Manang mana kay Calli.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now