Chapter 44

2.5K 83 12
                                    

Warning: A slight SPG

XLIV- Who

Beryl's POV

"Class, pakipirmahan kay mommy or daddy 'yung note na pinauwi ko sa inyo ha? Goodbye, see you tomorrow!"

"Goodbye teacher, see you tomorrow!" Mabagal na sabi nila.

"Hi, class!" Biglang pumasok ang kumag sa classroom. Kanina pa 'yan nandito sa school pero dahil ongoing ang klase ko, naghintay siya sa dean's office at nakipagkamustahan kay dean.

"Hello po, sir," Mabagal din na pagbati ng mga bata.

"Hi, daddy!" Biglang tumayo si Callix at naglakad papunta dito sa harap saka niyakap ang tatay niya. Masaya silang nagkamustahan at nagkwentuhan kaya naman inasikaso ko muna ang mga estudyante ko na gusto na lumabas ng classroom pero kailangan 'kong siguraduhin na nandito na ang sundo nila.

Kinakausap ko 'yung ibang magulang tungkol sa recognition at ang pag-announce ko sa mga makakasali next week. Nakakatuwa na lahat sila ay nakikicooperate sa akin. Pagbalik ko ay kausap na ni Calli ang mga bata na naiwan.

"Love mo po ba si teacher Beryl?" Tanong ng isang bata na nakakandong ngayon kay Calli.

Tumingin sa akin ang kumag at ngumisi. Nandidiri ko naman siyang tinignan. "Yes, I love her. Ang bata niyo pa ha? Bakit alam mo niyo na ang love na 'yan?" Mahinahon niyang sabi sa mga bata at nakipagtawanan. Ang cute niya kapag ganiyan.

"Hey kids, nasa labas na ang guardian niyo, pwede na kayong umuwi. Ingat kayo ha?" Sabi ko sa kanila.

"Yes! See you later po, sir Calli!" Paalam pa ng mga bata sa kaniya.

"Ingat kayo," Kumaway pa siya sa mga bata habang nakangiti. Napakagat ako sa labi ng makita kung gaano siya kagwapo sa ngiti na 'yon.

Ang gwapo ng magiging asawa ko.

Pagka-alis ng mga bata ay tumayo na at tumabi sa akin si Calli saka sabay naming tinanaw ang mga bata na naglalakad kasama ang kanilang mga guardian. Hinawakan na naman niya ang bewang ko saka ako inilapit sa kaniya.

"Daddy, mommy!" Biglang tawag sa amin ni Callix. Nasa loob pa siya ng classroom at naglalakad papunta dito sa pinto. May dala siya'ng mga papel.

Nang makalapit sa amin ay ngumiti siya na halos hindi na makita 'yung mga mata. Kapag ganyan si Philip Callixton, alam na.

"Sige na, makipaglaro ka na do'n sa labas. Mag-iingat ka ha?" Ginulo ko ang buhok niya saka siya pinaraan sa pinto.

"Thank you, mommy! D'yan lang po kayo ni daddy, ha?" Sigaw ni Callix saka tumakbo papalayo. Tinatanaw lang namin siya ni Calli. Ramdam ko ang mainit na kamay niya sa bewang ko. Inilapit din niya ang mukha sa tenga ko at may ibinulong.

"I ask Callix about some randoms things," Bulong niya sa akin.

"Ano na naman 'yon?" Taka 'kong tanong sa kaniya. Kalokohan na naman 'yan panigurado dahil iisa lang naman sila ng mukha at pag-uugali.

Naging matunog ang pagngisi niya. "I ask him if he wants to have a baby sister or brother and he said yes." Inalis ko ang kamay niya sa bewang ko saka siya pinalo.

Sinabi na e, kalokohan na naman.

"Abnormal ka ba? Saka bakit ka na naman ba nandito?" Naiinis kunwari na tanong ko sa kaniya.

Hinalikan niya ang sentido ko. "I miss you," Malambing na sabi niya. Natawa tuloy ako.

"Miss? Kahapon nga lang ay nandito ka? Inaaraw-araw mo naman yata ang pagbyahe ha?" Taka ko'ng tanong sa kaniya. Natawa naman siya at saka muli akong niyakap. Para talaga siyang linta kapag nakikita ako. Palagi siyang nakayakap sa akin.

Just Keep Running from BillionaireWhere stories live. Discover now