Prologue

30 2 0
                                    

"Ilang taon ka na ba?"
"Seventeen ka palang pala, akala ko 27 na haha"
"Naks , ang laki ng eyebag mo, wattpader ka ano?"
"Grabe. Ang itim"

Few of the things na halos araw-araw ko nang naririnig from random people. At first, pinili ko na lamang na manahimik at hindi na sila patulan pa. Syempre, totoo naman kasi lahat ng iyon. Sabi nga nila, there are two reasons kung bakit minsan, mas pinipili nating masaktan sa sinasabi ng ibang tao- either kasinungalingan iyon o kaya iyon ang totoo.
Malaki ang eyebag. Oo yan ako. Siguro isa ako sa mga teenagers na walang skin care at walang pakealam kung ano man ang mangyari sa itsura ko. Simple lang naman ako. Hindi ako ganoon kagandahan at hindi rin ganoon kahanga-hangang tignan.
Marami ang nagsasabi na mukha na raw akong matandang tignan para sa edad ko at kesyo nagmumukha na raw akong matured dahil sa eyebag ko, pero isang ngiti na lamang ang naisusukli ko sa kanila. Aminado naman talaga kasi akong wala akong skin care routines. Isa pa, nasa genetics na rin ang pagkakaroon namin ng eyebags. Ang totoo nga niyan ay halos lahat kaming nasa pamilya ay may dinadala sa ibaba ng mata. Ang akin lang yata ang pinakamalaki -

Pero kagaya nga ng sinabi ko, wala akong pakialam kung ano pa man ang maging itsura ko. Wala naman kasi ako sa isang pageant o beauty contest para makipagsabayan sa kanila. Ang pinagtataka ko lang talaga ay bakit sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay sa buhay na ito ay nagagawa pa talaga nilang atupagin ang pag-critique sa eyebag ko?

Kaya wala akong ibang mapagpipilian kundi ang tanggapin na lamang at iabsorb sa sistema ko ang lahat ng iyon.

Kahit sabi nila, "The worst thing in you will remain worst forever"

Pero paano kung,

"The worst thing in you will serve as way for you to feel the best thing you've never felt before?"

Is it possible?

















----

Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag

This a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story on any way.

Please obtain permission.

'Plagiarism is not crime but in academia and industry it is a serious ethical offense and cases of plagiarism can constitute copyright infringement.

©Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
All Rights Reserved.  June 2020

©venusreid




ENJOY READING! ^^

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon