Athena's POV
Kagaya ng plano ni kuya, naging buo na rin ang desisyon ko tungkol sa paglipat at pag-alis sa bhouse na kasalukuyan kong tinutuluyan. Nakakalungkot mang isipin pero siguro, bahagi na lang talaga ng buhay ang mag-let go ng mga bagay- kahit gaano pa man kasakit.
Sa mga oras na ito'y wala akong ibang ginawa kundi ang mag-empake ng gabundok kong gamit dahil ito na rin kasi ang araw na lilipat ako sa condo ni kuya. Inaamin kong excited akong tumira doon at makasama si kuya, subalit hindi ko naman maiwasang malungkot sa tuwing naaalala sina Ella..
"Siguro ka ba na talaga sa desisyon mo? Hindi ka na ba talaga namin mapipigilan?"
Wika ni Vane na kasalukuyang naka-pout habang tinutulungan akong ayusin ang aking mga gamit. In fact, halos lahat sila'y parang namatayan doon na ewan na nakatitig sa akin.
Hindi kasi talaga biro ang four years naming pinagsaluhan dito sa boarding house. Kaya hindi talaga namin inaasahan na hahantong sa ganito- na sa isang kumpas lamang ng mga kamay, tuluyan na akong aalis.Mamimiss ko talaga sila. As in sobra.
Pero palagay ko'y mas mamimiss nila ako. Ako lang kasi talaga sa amin ang palaging nahuhuli sa paggising. Tawagin nyo na akong tardy bird..
pero aym syur, iyon talaga ang nakakamiss sa personality ko.
"Ano ka ba Vane. Kahit ikaw ang nasa lugar ni Athena gagawin mo rin yan kahit na nakakalungkot isipin. Tsaka diba magkikita pa naman tayo. Iisang school lang naman tayo then may gc naman to chika chika .."
Ani Mica na kasalukuyan namang isinasara ang zipper ng isa sa mga bag ko.
Sa totoo lang ngayon ko lang talaga narealize na napakarami ko palang gamit to the point na hindi na ito magkamayaw at halos masira na rin ang zipper.Napangiti na lamang ako. Syempre, ito Ang way ko para hindi maging emotional.
Lalo na't nalulungkot talaga ako na gawin ang desisyon na ito."Ano ba kayo. Syempre we're still friends kahit wala na ako dito tsaka tama si Mica, may gc naman so why not chat and have conversations diba? Kung mayroon lang sana akong ibang choice, pero kapatid ko kasi yun eh. At hindi ko siya maaaring tanggihan.."
Tsaka isa pang iniisip ko ay ang gastos. Naisip ko talaga kasing kapag ipinagpatuloy ko pa ang pag-upa, mas hindi lang talaga ako makakapag-ipon, may gusto pa naman akong bilhin.
At since may susuporta na sa akin, there's no way para problemahin ang pag-iipon. Ang sahod ko na lang kasi sa coffeeshop ang iipunin ko.
Ang galing hindi ba? Hindi ko man alam kung anong klaseng luck itong dumarating sa buhay ko- ang tanging alam ko lang ay kailangan kong magkaroon ng lakas ng loob upang makapag-sorry sa kaniya.Ha? Anong konek.
"Tama. Kaya let's just accept the fate. Pero yung scholarship, sigurado ka na rin bang hindi ka na mag-eexam pa?"
Napatitig ako kay Ella.
Oo nga pala, isa rin iyon sa pinag-usapan namin ni kuya kumakailan.. Hindi ba't sinabi ko noon na isa sa mga pinakaaasam ko sa buhay ay ang magkaroon ng scholarship.
Subalit sa puntong ito'y naging buo na rin ang desisyon kong hindi na muna mag-take ng exam. Na-convince kasi ako nina kuya na siya na ang bahala sa pag-aaral ko. Kaya naging buo na rin ang aking desisyon."Oo. Nag-usap na kami ni kuya tungkol doon.."
"So paano ba yan.. wala na nga kaming magagawa.. Basta ah, nandito lang kami para sayo tsaka kung may kailangan ka. We're just one call away!"
Nang matapos na akong makapag-empake ay kaagad ko nang ibinaling ang tingin ko sa kanilang apat.
Then finally, hindi ko na nga napigilan pa ang sarili kong mapaiyak.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Genç KurguMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?