Kabanata 11: Pagliit ng Mundo

2 0 0
                                    

Athena's POV

Nasa kalagitnaan pa lamang kami ng aming folk dance rehearsal nang bigla na lamang sumakit na ewan ang aking tiyan. Nakakahiya nga dahil pakiramdam ko'y may nakarinig ng pag-utot ko. Pero sana , ako lang.

Nag-excuse muna kay Sir dahil mukhang ini-LBM na naman yata ako by this time at agad na tumakbo patungo sa CR. Halos pawis na pawis kong tinahak ang daan patungo roon at nang makarating na ako'y walang lingon-lingon na akong pumasok sa Isa sa mga cubicle.
Mabuti na lamang at walang tao dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakaling sa labas pa ako abutan ng tawag ng kalikasan.

Subalit, nagkamali yata ako nang akala..

Dahil hindi ako ini-LBM. Instead, I'm in a red tide again-- (only girls know)

Pakiramdam ko'y na-glue ako sa aking kinatatayuan. Thinking na , dito nga ako inabutan sa school eh wala akong dalang kahit isang extra pads sa bag ko.
Takte. Anong gagawin ko?
Hindi ako maaaring lumabas at ipagwalang-bahala na lamang ito dahil naka-short pa naman ako at malamang , makikita nilang lahat ito.

Mangiyak-ngiyak kong hinalukay Ang aking bag. Baka kasi nakalimutan ko lang na may dala ako. Pero kahit anong gawin kong pag-hahalughog ay wala talaga. Wala akong makita.

"Waaa. Anong gagawin ko!"

"Excuse me? May tao ba?"

Napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang kumatok sa pinto ng cubicle kung saan ako kasalukuyang nakatayo na hindi alam ang gagawin.

I'm in a difficult situation right now and it truly kills me.. pero nang marinig ko ang boses ng taong nasa labas ng cubicle , nagkaroon ako ng pag-asa.

I just closed my bag at agad na inayos ang sarili saka na nagdesisyon nang buksan ang pinto dahil I really have the strong feeling na si Aphrodite ang taong kumakatok.

Pero muli akong napatigil.

Paano kung hindi siya? Paano kung ibang tao ito at hindi niya ako matutulungan?

In order to make sure kung si Aphro nga ito ay nagdesisyon akong yumuko at sumilip sa ibaba ng pinto upang makita ang kaniyang paa. Naalala ko kasing kulay black ang medyas niya at kulay pink ang kaniyang shoes na mayroong design na gold. Oo , maaaring ganito ako kabaliw pero madali akong makatanda at makaalala.

Kahit na nakakadiri'y pinili ko pa ring yumuko, enough for me to recognize her by her shoes at halos mapangiti ako nang hindi ako nagkamali.

Dahil siya nga.

Ramdam ko man ang pananakit ng puson ko ay nagdecide na lamang ako na lumabas upang makaharap siya...

Then there she is -

Nahalata kong nagulat siya nang makita ako.

"It's you again?!"

Tumango na lamang ako sa kaniya at hindi ko alam kung paano kusang gumalaw ang aking katawan at awtomatikong lumapit at yumakap sa kaniya.

Waaa. Nakakahiya. Bakit ko ba ginagawa ito? As if nagiging feeling close lang ako na ewan and it's just the second time na nagkita kami.

To break the embarassment, I've decided na kumalas sa kaniya at napatigil ako nang makita ang pamumula ng kaniyang mukha.
Wait, don't tell me kinilig siya ng yakapin ko siya?

Nakakatuwa naman.

"W-what's wrong with you? Why did you do that?"

Natatawa niyang tugon habang nakatingin sa akin. Napayuko na lamang ako.
Nakakahiya. Tama bang maging reason ang "automatic response of the body"?

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon