Justin's POV
"Ang kulit talaga ng babaeng iyon"
Mga salitang aking patuloy na binabanggit habang nagpapatuloy sa paglalakad upang hanapin siya. This can't be. Hindi siya maaaring umalis na lang ng walang kasama. Paano kung makita at ma-corner siya nina Zashumi? Paano kung magtagumpay nga si Zashumi sa binabalak niya?
Pero, may kasalanan nga talaga ako. Dahil hindi ko siya pinigilan sa pag-alis. Hindi ko siya napigilan.
At ngayon, mukhang mahihirapan akong mahanap siya. Dahil bukod sa napakalaki nitong campus, napakalaki rin ng lugar na ito upang hanapin siya.
Malakas kasi talaga ang kutob ko.
Pero sana, mali ang sinasabi nito.Nagpatuloy ako sa paghahanap hanggang sa makalabas ako ng campus. It's like finding a thing na hindi ko alam kung saan nagpunta. Well, kung saan man talaga nagpunta ang babaeng iyon, I should and must know it. Mahirap na kasi, baka pala tama ang kutob kong nahuli na siya nina Zashumi at kasalukuyan na siyang hawak ng mga ito.
But I think, it's that difficult to find her and it puzzling me. Dahil inabot na lamang ako ng hapon ay wala pa rin akong nahahanap na Athena.
Nasaan na ba kasi siya? I even called her pero wala.. di ko talaga siya ma-contact. Out of coverage kase ang naririnig ko.
Naku. At San na kaya siya nagpunta?
So in order for me to find her, nagsimula na akong magtanong online kung nakita ba siya. Then I also went to coffeeshop pero,
"Naku, hindi ko alam iho. Mamayang Gabi pa kasi duty nun so mga around 4 or 5 pm pa iyon paparito.."
Iyon lamang ang nawika ng may-ari ng pinagtatrabuan niya. Hindi na lang rin ako dumaan sa bhouse niya dahil alam kong ikaiinis niya ang pagpunta ko roon dahil sa mga bordmates niya, and one more thing alam kong wala siya doon. Wala lang, instinct ko lang.
Kahit na pagod na ang aking mga paa sa paglalakad ay hindi ako tumigil at patuloy ko pa rin siyang hinanap sa kung saan saan. Iisa lang ang hiling ko sa mga oras na ito-- iyon ay ang makita siyang ligtas at malayo sa panganib. Dahil oras na malaman kong may nangyaring masama sa kaniya, hindi lang ang mga taong responsable especially Zashumi , ang Hindi ko mapapatawad kundi maging ang sarili ko.
Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa parking lot kung saan ko pansamantalang iniwan ang aking kotse nang mabigla ako sa umakbay sa akin.
Napalingon ako at napangiti. It's Bruno.
Teka. Anong ginagawa niya rito and what a coincidence na nandito rin siya ngayon?"Hey. What a coincidence. Anong ginagawa mo dito?"
Sambit ko sa kaniya. Nagtaka naman ako dahil halos hingal na hingal siya. Teka, San ba siya galing bakit mukhang mas hiningal pa siya sa akin kumpara sa nilakad ko kanina? (Kahit na may kotse ako)
"Bro.. mabuti na lang talaga at nakita kita. Tumawag kasi sa akin si Cherish--"
Nagpanting ang aking tenga nang marinig ang sinambit niyang pangalan. Cherish -- kung hindi ako nagkakamali, isa siya sa mga alagad ni Zashumi. One of the dark girls ikanga - at sa pagkakaalam ko rin ay girlfriend niya ito.
Teka, don't tell me, may alam siya tungkol kay Athena , kung nasaan si Athena sa mga oras na ito. Ganoon kalakas ang instinct ko and I can easily sense it.
"Then?"
Subalit.. mas ikinagulat ko ang iniabot niya sa aking kulay violet na bag- at kay Athena iyon. Muling bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ri'y nagsisimula nang magpuyos ang galit sa akin.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?