Kabanata 34: The Danger

1 0 0
                                    

Athena's POV

It's a wonderful morning. Nagising ako habang nakatitig sa napakagandang kurtina sa kwarto. Totoong masaya akong manirahan sa bahay na ito dahil halos narito na ang lahat ng kailangan ko at hindi na ako masyadong mag-aalala pa sa mga gastusin.. pero hindi ko pa rin talaga mapigilan ang sarili kong isipin ang mga ex-boardmates ko. Inaamin ko rin kasing nami-miss ko sila. I wonder tuloy kung nami-miss din kaya nila ako?

Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ng aking sarili ay saka na ako lumabas upang mag-almusal. Napangiti naman ako nang makita si kuya.
Subalit hindi ko naman inakalang mas lalawak ang ngiti ko sa tumambad sa akin nang tuluyan na akong makalapit kay Kuya--

Takte. Mukhang lipstick ko yata ang gamit niya!

Taranta kong tsinek ang aking bag ngunit napahiya na lamang ako nang makitang naroon pa rin pala ang lipstick ko.

"Good morning little sister."

"Should I call you ate na ba? Mukhang mas prefer akong tawagin ka sa ganoong name kaysa naman tawagin kang kuya with that reddish lip of yours."

Bigla siyang natawa sa sinabi ko.

At sinabayan ko na lang din siya habang nilalantakan ang pagkaing nakahain sa mesa.
Sa totoo lang ay tanggap ko naman na ganito talaga si kuya. Though hindi lang talaga halata sa kaniya dahil bukod sa gwapo at matipuno ang kaniyang katawan, hindi siya malambot gumalaw kagaya ng iba. Kaya naman never talagang sumagi sa isip ko na gayon nga siya..

Pero nakakatuwa pa ring isipin iyon. Oo nga pala, sa office nagtatrabaho si Kuya kaya naman kahit papaano'y mataas talaga ang kaniyang sahod. Naisip ko rin tuloy na doon na rin magtrabaho once na makatapos ako.

And speaking of kuya, ngayon ay unti-unti nang nagiging malinaw sa akin kung bakit sobrang organize ng condo niya- dahil may girl side siya.

"Hahaha. Anyway, since papasok ka na sa school ngayon at wala naman ako doon para bantayan ka, mag-iingat ka. Maaaring tama nga si Bohr na oras na lumabas ang announcement of expelling , baka tuluyan nang may maisagawang plano laban sayo. Tsaka gurl, may tiwala ako kay Bohr at alam kong tutupad siya sa pangako niya.."

Sana nga, tumupad siya sa pangako niya.

Tss. Natural tutupad yun, lab kaya ako nun.

"Sana nga kuya tumupad siya. Pero , huwag ka nang mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko at hinding-hindi ko uurungan ang babaeng iyon sa kahit ano pa mang plano niya. Tsaka kung noon ay pumayag lamang ako na api-apihin, pwes ngayon hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon. "

"Sabi mo yan ah. Basta kung may kailangan ka. I'm just one call away."

He said while tapping my head.

-

As usual , hinatid na muna ako ni kuya sa school bago siya tumungo sa isang company kung saan siya nagtatrabaho. Nakakainggit nga ang trabaho ni kuya eh. Sana talaga pumayag siya na doon na rin ako magtrabaho.

Nang makarating na kami'y agad na akong bumaba sa kotse subalit bago pa man ako makapagpaalam kay Kuya ay napatigil ako nang may bigla na lamang yumakap sa akin mula sa likod.

Si Aphrodite.

Nakangiti ito sa akin.
Teka.. parang coincidence naman yata na nagkita kami agad sa ganitong pagkakataon.
Di kaya, nag-usap na naman sila ni kuya?
Hmm.

"Oh. Ikaw pala.."

"Bakit ? May iba ka pa bang ineexpect?"

Sambit niya sabay biglang nag-pout. Nakamot ko na lang ang ulo ko habang nakatitig pa rin sa kaniya.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon