“Manong dito na lang ho ako”.
Wika ko nang makarating na kami sa parke. Bigla kasing nagbago ang isip ko. Kung kanina ay nais kong puntahan si kuya, ngayon ay pinili ko na lamang mapag-isa. Na-realize ko kasi na kung tutungo ako sa condo o kahit sa company na pinagtatrabahuan niya, still matutunton pa rin ako ni Bohr na siyang iniiwasan kong mangyari. Aware naman kasi akong safety ko lang ang iniisip niya. At aware din akong tinutupad lamang niya ang pangako niyang protektahan ako subalit sa ganitong pagkakataon ay mas makabubuti kong makikipagsundo ako kay Zashumi sa paraang tutungo ako sa birthday celebration niya ng mag-isa.
Inaamin ko mang na-guilty ako sa ginawa kong pagbabalewala sa concern ni Bohr at ni kuya, wala naman akong choice kundi ang gawin iyon. Sa tingin ko kasi’y ito lamang ang paraan upang maibalik na ang lahat sa dati.Since lowbat ako at wala akong ibang mapagtutuunan ng pansin, sinubukan kong maghanap ng ibang way para kahit papaano’y maging kapaki-pakinabang ang oras ko. Nakapag-decide na rin kasi akong hindi muna ako papasok dahil tutal, wala namang masyadong big deal sa araw na ito.
Kapag pumasok pa kasi ako’y, mas lalo lamang liliit ang mundo namin ni Bohr at mas lalo lang ding hindi matutuloy ang balak kong pagpunta sa birthday celebration ni Zashumi.
Kahit matindi ang sikat ng araw ay agad kong tinahak ang daan patungo sa pinakamalapit na Mall sa parke. Bibili na lang siguro ako ng susuutin ko mamaya sa celebration ni Zashumi. Hindi naman kasi pwedeng naka-uniform ako. It should be formal.
So bale simpleng dress lang naman ang binili ko. Actually, sinadya ko talagang libutin ang lahat ng dress shops sa loob ng Mall kahit na ang pipiliin ko lang ay simple. Hindi naman kasi ako kagaya ni Aphrodite na sobrang napakagaling sa pagpili ng damit. But speaking of her, nasan na kaya siya? Usapan pa naman sana naming sabay kaming mag-lunch.. tsk.Halos inabot ako ng mahigit dalawang oras sa pagpili. In fact, mas nahirapan nga akong pumili ng sandals na maaari ko ring suutin. Actually, wala naman talagang pressure sap era dahil bukod sa daily naman akong binibigyan ni kuya ng allowance, binigyan niya rin ako ng credit cards na pwede ko lamang gamitin kung may emergency. Again, nahirapan mang pumili at halos inabot pa ng isang oras at kalahati sa loob ng shoe shop, still isang simpleng high heels lamang ang binili ko.
Bahala na. Isang gabi ko lang naman itong susuutin.Pagkatapos makapamili ay napangiti ako nang makita ang oras. It’s been 5 pm at mukhang ito na nga yata ang perfect time para pumunta sa party ni Zashumi. Kaya naman, bago pa man ako umalis sa Mall ay siniguro ko nang nakapag-ayos at nakapagbihis na ako. Hindi naman ako masyadong elegante kung titignan pero ewan ko ba kung bakit agad na lamang napapatingin sa akin ang mga nakakasalubong ko. Hindi kaya nagagandahan sila sa akin? Hays. Ayokong mag-assume.
Kinakabahan man subalit agad na lamang akong nagdecide na tumungo na sa venue upang makausap si Zashumi. Nakakalungkot nga eh. Hindi ko kasi lubos-maisip na sa mismong kaarawan niya naganap ang pag-expel sa kaniya. What a disappointing birthday gift. Kaya nga hindi pa rin nawawala ang duda ko na baka nga tama ang sinabi ni Bohr na patibong niya lang ito.
Pero hindi. Dahil hindi iyon ang nakikita kong magagawa ni Zashumi. Dahil kung totoo ngang may balak siyang masama, sana ginawa niya na nang magkita kami. Pero hindi, dahil sahalip na saktan ako’y mas pinili niyang imbitahan ako sa birthday niya.Sana nga, maging maayos na ang lahat pagkatapos nito.
Since may address namang nakalagay sa invitation card, hindi na ako nahirapang tumungo sa mismong venue ng kaniyang birthday.
Mas lalo ngang lumalakas ang tibok ng puso ko habang papalapit kami sa venue. Siguro masyado lang akong na-ooverwhelm kaya pinilit ko na lamang na pakalmahin ang sarili ko.Maya-maya lang din ay dumating na kami. Halos 15 minutes nga lang at nakarating na agad kami sa mismong venue.
Nang tuluyan na akong makababa sa taxi ay halos mapanganga ako sa tumambad sa akin.
Ito yata ang Mansion house kung saan nakatira si Zashumi. Di hamak na napakaganda nito kung ikukumpara sa Mansion House ng mga Monteverde, well I’m talking about Bohr.
Hindi ko inakalang ganito pala kayaman si Zashumi. Sabagay, sa abroad naman kasi nagtatrabaho ang kaniyang mga magulang. At sa pagkakaalam ko’y hanggang ngayon ay wala siyang kasama sa Mansion kundi ang kaniyang mga maids. Batay lang iyon sa kuwento.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?