Athena's POV
"Bro. Tinawagan mo na si boss? Ano na raw gagawin natin sa babaeng ito?"
Wika ng isang lalaking na siyang bumalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko alam kung ano ang nangyari basta't ang tanging natatandaan ko'y may bigla na lamang tumakip sa aking bibig at dinala ako sa kung saan. Takte. Eh nasaan ako? At bakit nakatali ang magkabilang kamay at paa ko?
Waaaa. Anong gagawin ko. This can't be. Kailangan ko nang umuwi at makatakas dito.Mabuti na lamang at hindi nila ako binusalan kagaya ng mga napapanood ko sa mga action movies. Kaya naman wala na akong pinatagal pang sandali at kaagad na akong sumigaw ng malakas na siyang nagpabigla sa kanilang lahat. Nasa lumang bodega ako by the way at kitang-kita ng mga mata ko ang mga pagmumukha nilang walang kwenta. Gosh . Nakakatakot. Limang lalaki ang kasama ko rito at lahat sila ay pawang mga gangster kung titignan.
Don't tell me, kinidnap nila ako rito para sa pera? Kidnap for ransom ganern?
O kaya naman kinidnap nila ako para sumapi sa gang nila?Iilan lamang sa mga katanungang patuloy na bumabagabag sa aking isipan. Pero totoo na nga ito at hindi nga ako basta nananaginip lang.
"Hoy! Sino kayo-- at anong ginagawa ko dito? Bakit ako nakatali! Pakawalan nyo na ako please wala naman akong ginagawang masama sainyo!"
Sahalip na tulungan ako ay tanging halakhakan ang naisagot nila sa akin.
Kakabadtrip. Akala ko pa naman ito na ang pinakamasayang araw ng aking buhay dahil sa napakaraming compliments na natanggap ko. Hindi kasi talaga sila makapaniwala na ganito akon kaganda dahil sa bonggang make-up transformation na idea ni Aphrodite. Pero kung alam ko lang na kapalit naman ng kasiyahang iyon ang ganito, mas mabuti na lamang na pinairal ko ang pride ko at hindi na pumayag sa gusto niyang mangyari.Mas gusto ko na lang maging pangit ulit kaysa ganito!
"Hahaha. Gising ka na pala sleeping beauty.."
Sleeping beauty? Takte anong pinagsasabi ng mga halimaw na ito.
Patuloy pa rin akong nagpupumiglas doon subalit sadyang napakahigpit ng pagkakatali nila at sa tuwing susubukan kong tanggalin ang aking kamay .. nasasaktan lang ako.What the. Bakit ba kailangang mangyari pa ito sa akin. At bakit sa dinami-rami ng maaari nilang targetin dito sa campus ay talagang ako pa?
Gosh."Anong sleeping beauty? Please sabihin nyo na kung anong kailangan nyo . Pakawalan nyo na ako dito please! Kailangan nyo na ng pera? Pwes ibinigay ko ang buong isang taon kong sahod sa inyo basta pakawalan nyo na ko ditooo!"
"Well, sa tingin mo ba'y mga mukhang pera kami? Eh kung hindi lang naman dahil kay boss , hindi ka namin kukunin at kikidnapin eh. Bakit akala mo ba maganda ka? Naka-make up ka lang pero malaki pa rin ang eyebag mo!"
Takte. At talagang nagawa pa niyang manlait ah. Sarap tadyakan ng lalaking mataba na panay hithit ng sigarilyo sa harapan ko.
Nakakainis. Dahil kahit anong gawin ko ay hindi maalis-alis ang pagkakatali sa kamay ko.
Naku. Ano nang gagawin ko. Mukhang wala na nga akong tsansa pang makalabas dito. Lalo na't mukhang wala na sa tabi ko ang bag ko.
Lord.. please tulungan mo ako. Ayokong umabot sa punto na dito na ako mamatay at itapon na lang ako sa kung saan.
Marami pa akong pangarap sa buhay"Wala akong paki sa itsura ko kaya please lang kung wala rin naman kayong kailangan sa akin, pakawalan nyo na ako please."
Mangiyak-ngiyak kong tugon.
Kung sana'y dala ko lang ang selpon ko ay makakahingi pa sana ako ng tulong subalit ang bobo ko naman yata para isipin pa iyon. Nakatali kasi ang dalawa kong kamay so paano ko magagamit iyon?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?