"Oh! There she is!"
Halos magpanting ang taynga ko sa narinig kong ingay na nagmumula sa paligid ng hallway. I just crossed my arms at muling nagpatuloy sa paglalakad. Wala na kasing bago. I mean , for so many years na naging estudyante ako at na-exposed ako sa mapang-aping mundo, nasanay na ako sa samu't saring tsismis at paninira. Kaya kahit ano pa man ang sabihin nila'y isang turok na lang ng anesthesia para sa akin.
Naging manhid na ako sa mga pambubully nila."Ay kawawa naman si kungfu panda, wala man lang gustong sumama haha."
Dinig ko pang sambit ng isang babaeng akala mo naman ikinaganda ang drawing na kilay. Siya si Zashumi. Kaklase ko siya since elementary at ewan ko ba kung bakit hanggang ngayo'y ang init pa rin ng dugo niya sa akin. Kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
Hahayaan ko na lang sana sila dahil sa nagmamadali akong tumungo sa library subalit laking gulat ko nang may biglang humawak sa kamay ko.
Inakala kong si Zashumi iyon o kaya'y isa sa mga masugid na tagabully sa akin everytime pero nagkamali ako...
In just a bit, parang tumigil ang mundo ko.
Nang may isang hindi pamilyar na mukha ang tumambad sa akin.
Napapikit na lamang ako habang kinakaladkad niya ako palayo sa hallway. May kaba mang nararamdaman ngunit pinili kong kumalma.
Para kasing iba naman ang intensyon niya batay sa sinasabi ng puso ko. (teka ano ulit?"Nang tuluyan na kaming makalayo sa hallway ay saka na lamang niya binitawan ang kamay ko.
Iyon na ang oras upang muling idilat ang aking mga pagod na mata.
"Okay ka lang ba?"
Napatigil naman ako sa mga unang salitang lumabas sa kaniyang bibig.
Hindi ko siya kilala at ngayon ko lang siya nakausap ng ganito ngunit bakit parang ganun na siya ka-concern sa akin??"H-ha?"
"Okay I'll make it straight to the point. I know na hindi mo ako kilala at nagtataka ka kung bakit hinila na lang kita. Kasalukuyan kasi akong papasok sa hallway nang matanaw ko ang mga babae sa taas ng building na kinatatayuan mo na may dalang mga baldeng may tubig at mukhang bubuhusan ka? Kaya bigla akong nakonsensya at hinila kita palayo roon. Sorry ha , kung nabigla kita. Ang linis pa naman ng uniform mo.. tapos dudumihan nila. By the way, I am Justin Bohr. You can call me Justin, wag na Bohr though iyon ang madalas nilang itawag sa akin - kasi hindi naman ako ganun ka-bore kausap. I'm from Stem Class anyway."
Sambit niya na muling nagpakinang sa mga hapo kong mata. Pakiramdam ko tuloy nawala na lahat ng eyebag ko dahil sa nilalang na kausap ko ngayon.
Siya ang tipo ng taong sobrang ideal - mala-campus hearthrob ganern.
Teka... crush ko na yata siya..
Naku.
"Don't worry walang germs ang kamay ko haha."
Muli lamang akong nakabalik sa reyalidad nang muli siyang magsalita sabay wave sa akin.
Nakuuu naman at sobrang nakakahiya. Kanina niya pa pala inooffer ang kamay niya sa akin at wala akong ibang ginawa kundi ang titigan siya at magmistulang bato na nakatulala sa kaniya. Baka isipin niya ngang.. na-starstruck ako sa kaniya?
Syempre. Di ko kasi aakalaing may Superman pala sa tunay na buhay. Akalain mo iyon, kahit sa itsura kong ito may mga tao pa rin talagang concern sa akin.
"Ahh s-sorry, mannerism ko na rin talaga sigurong matulala. I-I'm g-glad to meet you. Tsaka thank you. Actually Hindi ko alam kung papaano kita pasasalamatan sa ginawa mong pagtulong. Kumakain ka ba ng milkshake? Burger? Fries? Sorry ha iyon lang kasi kaya kong isukli sayo.."
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?