Athena's POV
I screwed up. Kaya pala hindi ko matawagan ang selpon ni kuya at out of reach ito dahil naka-off pala ito at higit sa lahat, nandito lang pala mismo sa condo dahil naiwan niya ito.
Napakamot na lamang ako ng ulo at muling nilibot ng tingin ang buong sala.
Since naiwan na naman akong mag-isa at hindi ko na naman alam ang aking gagawin ay muli akong nag-isip ng maaaring pagkaabalahan. Ang boring kasi at ni wala man lamang ang akong makausap ni butiki. Napakalinis kasi ng kisame dito at mukhang hindi talaga babahayan ng insekto.Bigla ko tuloy naalala sina Mama, nang mga oras kasi na naroon pa ako sa probinsiya, hilig ko na talagang tumulong kay Mama sa pagluluto at paglilinis. Hindi pa kasi uso noon ang selpon at talagang ang pagtulong sa mga gawaing bahay ang pumapawi sa pagkabagot ko. Syempre worth it naman in the end.
Kaya naman muli akong napangisi sa idea na what if, magluto ako para pagdating ni kuya ay may kakainin siya? Tutal , mukhang siya naman ang nag-bake ng cookies kanina, baka it's my turn naman para siya naman ang pagsilbihan. Baka kasi isipin niya na pabigat ako or walang silbi na kapatid at isumbong pa niya ako kay Mama.
Natatawa man sa naiisip ay agad na akong tumayo mula sa pagkakaupo at muling tinignan ang refrigerator -halos napakarami ng laman nito bukod sa sandamakmak na pipino para sa eyebags ko. Actually marami ngang pasta at noodles.
Muli ko pang hinalungkat iyon nang mapatigil ako nang makita ang tomato sauce na katabi ng mga pasta.Napaisip ako. Bakit kaya may mga ganito dito si kuya? D-di kaya..
Sa sobrang bigla ko ay kaagad kong naisara ang refrigerator at muling bumalik sa sofa at napaupo habang patuloy pa ring tinatakpan ng kamay ang bibig.
Takte. May amnesia ba ako or what? Bakit hindi ko man lang maalala na ..
birthday ko na nga pala bukas. At bakit ngayon ko lang na-realize ang lahat ng iyon.
Muli ko na lamang nakamot ang aking ulo kahit na wala naman akong kuto.
Sa totoo lang, never naman talagang naging big deal ang birthday ko. Actually, there are years wherein dito na ako nag-aaral sa Maynila na nakakalimutan ko talaga na birthday ko. O kung naaalala ko man ay normal day lang para sa akin.
Hindi naman sa ayaw ko mag-birthday, o ayaw ko ng birthday. It's just that nasanay na talaga akong alalahanin at ipagdiwang ang birthday ko ng mag-isa. Kaya naman simula rin nang malayo ako sa piling nina Mama ay hindi ko na naiisip pang mag-celebrate o kaya nama'y i-treat ang sarili ko.Kaya naman halos lahat sa mga ka-kilala ko, even sina Ella ay hindi na rin nagagawa pang i-surprise ako sa birthday ko. They will just greet me and I think it's enough. Kilala kasi nila ako bilang isang cold na tao during my special day.
Pero syempre , hindi ibig sabihin nun ay hindi na ako thankful. Tinetext ko rin kasi si Mama to say thank you for giving birth to me. At higit sa lahat, pumupunta rin ako sa church para magpasalamat sa Diyos.But right now,thinking na may nakita akong sangkap ng spaghetti sa refrigerator ni kuya - di kaya may possibility n-na alam niya?
Luh. Bakit at paano naman niya malalaman kung wala naman akong nabanggit sa kaniya tsaka wala pa naman kaming napag-uusapan tungkol doon as far I remember.
Ni hindi ko nga rin alam kung ano ang birth date niya. Kaya there's nothing to worry about.Pero hindi ko talaga maiwasang magduda..
na baka nabanggit na sa kaniya ni Mama ang tungkol doon bago kami magkita?
Kinakabahan man sa naiisip ay pinili kong kumalma at inisip ang maaaring mangyari bukas.
At kung posible nga na wala silang alam , mas mabuti nang hindi na muna nila malaman. Dahil sigurado akong muli na naman nila akong pagkakasunduan. Saka siguro, nag-eexpect na rin ako na kung talagang alam nila na birthday ko bukas..
magkakaroon ng pa-engrandeng celebration.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?