Justin's POV
"We're here. Kasama na namin siya ngayon."
Ang laman ng text message na kakasend pa lang sa akin ni Clyde. I just type okay as reply saka na tumayo mula sa aking kinauupuan.
Sa totoo lang ay hindi ako pumasok. Actually lahat kami. Ako, si Aphrodite, Ella, Mica, Vanessa, Tin, Sunshine, ang kaklase niyang si Shane at maging si Clyde ay hindi rin pumasok sa kaniyang work.
Iyon kasi ang usapan namin. Naisip ko kasing hindi namin mapaghahandaan ang sorpresa para kay Athena kung papasok pa kami. At isa pa, mukhang obvious naman yata kung magkikita-kita pa kami bago ang surprise celebration.
Kaya iyon. Mabuti na lamang at madali kong nakausap ang mga boardmates ni Athena at maging ang katrabaho niya noon sa coffeeshop na si Sunshine. Actually, natagalan din ako sa paghahanap sa kaniya. Lately ko na lang kasi napag-alamang kagagaling pa lang niya sa hospital. Kaya pala hindi ko siya nakita kumakailan sa coffeeshop. Mabuti nga at pumayag siyang sumama sa planong sorpresa para kay Athena. At ang pinaka-huli ko namang pinuntahan ay ang isa sa mga close friends at classmates niya na si Shane na kaagad namang pumayag sa gusto naming mangyari.Si Aphrodite naman ay through chat ko na lamang sinabihan - nagulat nga siya nang malaman na birthday pala ni Athena kaya napapayag ko na rin siya - and she even insisted na siya na ang bahala sa venue ng celebration. Inexplain ko na kasi sa kaniya ang planong pag-kidnap kay Athena. And it's okay with her.
Kahit na para sa akin ay hindi iyon okay.
Pero sa tingin ko nama'y naging successful ang planong iyon dahil sa text ni Clyde.
Kinakabahan man ay pinili ko na lamang magbihis patungo sa venue. Sa totoo lang ay hindi pa sana ngayon ang oras na pinagplanuhan kong gawin para i-sorpresa siya and at the time , para sabihin sa kaniya ang lahat ng kailangan niyang malaman dahil masyado pang maaga, subalit hindi na talaga ako makapaghintay pa.
Bahala na. Magtatago na lang siguro ako para hindi nila ako makita, especially si Athena.
Gusto ko lang kasi siyang makita. Bigla ko kasi siyang na-miss.
Hindi ko kasi siya nakausap kahapon dahil isa iyon sa mga napag-usapan namin ni Clyde at akala ko, makakayanan kong hindi siya mamimiss for a day. Subalit nagkamali ako. Dahil kung alam ko lang na mamimiss ko siya ng ganito, sana ay hindi na ako pumayag sa gusto ni Clyde.At isa pa, gusto ko ring masaksihan ang engrandeng birthday celebration ni Athena na mistulang pool party.
Kahit na, hindi ako maaaring makipag-join sa kanila dahil sa isa rin iyon sa mga plano namin.It's kinda weird right?
Parang na-ooff limits tuloy ako nang dahil sa planong ito ni Clyde. Hindi kaya , sinasadya niya talaga ito?
Pero bakit naman? Eh kitang-kita naman na sa una palang ay gusto niya na talaga ako.
I mean, gusto niya ako para sa kapatid niya :)
At isa na iyon sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko.
Nang tuluyan ko nang maayos ang sarili ay muli kong nabaling ang aking tingin sa maliit na box na nakapatong sa isang center table. It's a box of necklace.
Ito yung necklace na ibibigay ko sana kay Athena nang mag-date kami. But since , bigla akong nabahala sa threatening look ni Zashumi, that night.. hindi ko na iyon naibigay at hindi na ako nagkaroon pa ng magandang pagkakataong maibigay ito.Nakakalungkot nga dahil kung hindi pa magdadaos ng kaarawan si Athena, hindi ako magkakaroon ng lakas ng loob na ibigay sa kaniya ang regalo ko - realizing na malapit na akong umalis, at malapit na ang araw na tuluyan ko na siyang iiwan.
At sa tuwing maiisip iyon ay bigla na lamang bumibigat ang pakiramdam ko.
Dapat ko na bang sabihin sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?