Kabanata 35: True Feelings

1 0 0
                                    

Athena's POV

Nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo dahil alam kong anytime , maaari niya akong maabutan at worst baka kung ano na talaga ang gawin niyang masama.

Hindi ako natatakot kay Zashumi. Natatakot ako sa maaari niyang magawa nang dahil sa galit niya. At iyon ang hindi ko papayagang mangyari.

Hingal at pagod man dulot ng pagtakbo ay hindi pa rin ako tumigil. Samantalang , dinig na dinig ko naman hindi lamang ang malakas na tibok ng aking puso kundi maging ang aking selpon. Kasalukuyan kasing tumatawag si Bohr pero wala akong oras para sagutin siya ngayon.

"Athena!"

Halos magpanting ang aking tenga sa aking narinig. Boses iyon ni Zashumi at kasalukuyan niya pa rin akong hinahabol.

Sahalip na lingunin siya'y pinili ko na lamang kumaripas ng takbo papalayo sa kaniya subalit nang magtangka na akong tumawid upang tuluyan nang makalayo sa kaniya ay siya namang paghawak at paghila sa akin ng pamilyar na kamay-

Napapikit ako.

At halos mapatumba ako nang makitang.. si Zashumi iyon.

Walang duda. At inabutan niya nga ako.




"I got you."

Nakangiti niyang wika habang nakatitig pa rin sa akin.

Wala na. Mukhang nagtagumpay na nga siya sa kaniyang plano.
Sa sobrang gulantang ko'y agad na lamang akong tumayo at sinubukang humakbang papalayo sa kaniya.

"Z-zashumi.. pag-usapan natin ito.. p-pero please .. please wag mo nang itutuloy kung ano pa man yang binabalak mo.."

Napansin kong nagulat siya nang sabihin ko ang mga katagang iyon.

Akala ko, muli niya akong pagtatawanan at susumbatan.. pero hindi.




Dahil isang ngiti - isang mala-anghel na ngiti ang nakita ko sa kaniyang mukha.
Napalunok ako.

This can't be. Bakit ngumiti siya ng gayon sa akin? Nananaginip ba ako?

"It's been a decade, Athena. When we became classmates and friends as well. I admit na naging masaya akong nakilala kita. Until I realized that you are better than me. You are wiser, you are bolder and you are also nicer .. and it builds insecurity and hatred. I know , for the past years ay wala na akong ibang ginawa sa buhay mo kundi ang maging villain.. maging antagonist .. because the truth is gusto kong maranasan mo ang naranasan ko noon. Gusto kong maranasan mo rin kung ano ang pakiramdam ng mapahiya sa harap ng maraming tao. Yet, after all na pinaramdam ko yun sayo at sa napakalaki mong eyebag. Still, narealize ko pa rin na kung may loser man sa ating dalawa.. hindi ikaw yun, kundi ako. That moment when I made an evil plan and kidnap you.. I don't know but there's guilt . Kahit nang malaman kong si Bohr ang nagligtas sayo. Siguro nga iniisip mong nagalit din ako sayo nang malaman kong best friend kayo ni Bohr- but I really don't care about your real score. I know, deep inside gusto ninyo ang isa't isa at matagal na yung inamin ni Bohr sa akin. Oo, gusto ko si Bohr but our relationship wasn't romantic kagaya ng iniisip mo. We just met accidentally and make out. And that's all. I am so stupid to ruin him and everything that surrounds him. I also regret for calling him as a LIAR though he's not. Because the truth is, I am the liar. Yes I lie. I told everyone that he was boyfriend. "

Hindi ko alam ang sasabihin sa oras na ito.

Halos mabingi na kasi ako sa mga katotohanang patuloy kong naririnig mula sa kaniya.

Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay bakit? Bakit sinasabi niya sa akin ang lahat ng ito? At bakit parang pinagsisisihan na niya ang lahat? Ang lahat ng mga kasamaan niya maging ang paninira niya sa akin?

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon