Halos masapak-sapak ko ang sarili ko habang pilit na inaalala ang nakasulat sa note niya. Nakakahiya at pakiramdam ko'y pinagsakluban na ako ng langit at lupa sa narinig ko. Akalain mong nakita niya pa ang kaluluwa ko sa lagay na iyon! Iyon ba ang kapalit ng tip niya sa akin?
Teka, speaking of tip, dapat ba akong maging masaya dahil na-beat niya ang dream ko na magkaroon ng tip for the very first time? Na hinintay ko for almost 3 years??!Sahalip na isipin pa iyon ay pinili ko na lamang bumalik ulit sa restroom upang ayusin ang sarili ko.
Subalit sa muli kong paghakbang ay ngiti ni Sunshine ang bumungad sa akin. Siya pala ang naka-toka ngayon sa paghuhugas. Ngunit kasalukuyan na siyang nasa counter upang tumulong sa pag-aassist ng costumer."Wow Athena! Congrats! Nakakuha ka na ng tip. Akalain mo iyon!"
Ngumiti na lamang ako bilang reply sa kaniya. Ano pa nga bang magagawa at kahit papaano'y nadagdag rin ito sa ipon ko.
Pero muli ko namang napag-isip isip na hindi kaya magiging malaking insulto ito sa lalaking mayabang na iyon kung isasauli ko sa kaniya ito?
Pero hindi. Mali pa rin. Bakit ko naman isasauli ito? Tanga lang ang gagawa nun. Athena, pera na ito. Bakit pakakawalan mo pa? Tsaka sa panahon na ito, Hindi na dapat maging choosy."Ah, oo. First time e. Mabuti nga at sinuwerte ako sa araw na ito. Sige , punta muna ako madali sa restroom."
"Sama na ako sayo. Tignan natin laman niyan dali!"
Di ko alam kung bakit mukhang mas excited pa siya sa akin na malaman kung ilan ang laman ng hawak kong white envelope.
"Ah sige."
Naiinis man ay pumayag na lamang ako sa gusto niyang mangyari. Wala naman kasi akong magagawa. Makulit siya e.
"Teka. Yung note, pabasa."
Ngunit halos madapa naman ako nang muli siyang magsalita..
Hindi ko ba alam kung saan niya nakuha ang lakas ng loob para makipag-close ng ganito sa akin. I mean , hindi naman kami ganoon ka-close like bestie at yung tipong palaging nag-uusap. Nagpapansinan rin naman kami pero hindi yung talagang magkaibigan na kabisado ang isa't isa. Pero since mabait nga ako, sinasakyan ko na lamang mga trip niya.
Tsaka di naman siya kagaya ng iba na backstabber at bully. Makulit at feeling close lang talaga siya. And it's okay."Haha wag na. Wala namang big deal dito. Yung pera nalang. Baka mabalatuhan pa kita--- "
Wayt. Nag-iisip pa ba ako? Bakit ko ba sinabi iyon kita nang kailangang kailangan ko ang pera sa ngayon. Tsaka sino siya para balatuhan ko. Pare-pareho lang kaming nagtatrabaho at kumakayod dito.
"Ay talaga. Bait mo naman Athena. Sabi mo yan ah! Walang bawian!"
Tumango na lamang ako saka na muling nagpatuloy sa paglalakad. Bahala na. Minsan lang naman ako magbalato haha.
Nang makarating na kami sa restroom ay dali-dali na naming binuksan ang lamang ng envelope.
At laking gulat ko nang makita ang laman niyon.
"Hanep. Ang yaman pala ng costumer na nadali mo, Athena! Penge naman kahit isang libo."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
5,000 kasi lahat lahat ang nakalagay sa envelope. P-parang sobra naman yata bilang tip. Aba't ilang buwan ko rin yata itong sahod dito sa pinagtatrabahuan ko.
Naisip ko tuloy, bakit naman niya ako bibigyan ng ganito kalaking pera?"Swerte mo naman Athena. Ano na , akin na sanlibo ah!"
"HUWAG!!!"
Halos manlaki ang mga mata ni Sunshine nang marinig ang sigaw ko. Maging nga ako ay nagulat din. Pero , mukhang may mali kasi sa binigay niya. I mean, may nasi-sense ako na iba ang intensyon ng lalaking iyon at hindi talaga mapagkakatiwalaan.
Iba ang dating ng halagang natanggap ko mula sa kaniya. It sounds na , may kapalit lahat ng ito.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?