°°° Ten Years Later °°°
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
"Ang bango pa rin ng bouquet kahit na isang linggo na ang nakalipas!"
Sambit ko sa aking sarili habang patuloy na inaamoy flower bouquet na nakuha ko sa kasal ni Kuya at ni Aphrodite last week.
Yes naging sila. At kahit ako'y hindi rin makapaniwala. Pero kahit noon pa man ay hindi ko na talaga mapagkailang may chemistry sila - at sa totoo nga niyan ay gustong gusto ko talaga silang i-push kung hindi ko lang sana nalamang bakla si kuya.Ngunit ngayon ay mukhang nag-iba na talaga ang ihip ng hangin. Totoo nga ang kasabihan na "People Change". At ang kuya ko na akala ko'y magiging ate ko na sa sobrang kalandian ay eto, isa nang masipag na asawa sa napakaganda kong best friend na si Aphrodite. Iba talaga ang takbo ng kapalaran ano?
Nang marealize kong halos sampung minuto ko na yatang inaamoy ang bouquet ay kaagad ko na lamang itong ibinalik sa lalagyan.
Saka na umalis.Sampung taon. Sampung taon na nga ang lumipas at sa loob nito'y masasabi kong napakarami nang nagbago. Ako, from a simple girl with a big eyebag ay simple pa rin naman but when it comes to my eyebag, siguro masasabi kong lumiit na rin ng kaunti. Maintain ko pa rin kasi ang beauty care at halos araw-araw ay ina-apply ko ang mga iba't ibang remedies for eyebag. Kagaya na lamang ng cold compress at iba pa. At since napag-alaman ko nga noon na may allergy ako at isa iyon sa mga dahilan kung bakit malaki ang aking eyebag, hindi na rin ako tumigil sa pag-inom ng aking vitamins.
At sa lumipas na sampung taon, ay masasabi ko namang naging effective ang lahat ng paghihirap kong iyon. Tiis ganda ikanga. Tiis para gumanda.
Napakabilis ng panahon. At ang dating Athena na akala mo'y walang pangarap sa buhay ay isa nang teacher ngayon. Opo. Isa na akong elementary teacher sa isang school na malapit lang naman sa tinutuluyan naming condo noon ni Kuya. Hindi na kasi kami nakatira sa condo dahil nakapundar na kami ng sarili naming bahay- and believe it or not, magkakasama na kami nina Mama sa bahay.
It was 5 years ago nang mag-decide sila Mama na dito na tumira sa Maynila at maghanap na lamang ng pagkakakitaan. At since may nadevelop nang isang malaking business si kuya , iyon na ang pinagkakaabalahang gawin ni Mama. Si Papa naman ay isa nang taxi driver at businessman na rin dahil tumutulong din siya sa negosyo ng aming family.
And try to guess the name of the business?
It's a skin and beauty care.
Kaya nga hindi na ako nauubusan ng supply ng creams at iba pang remedies para sa eyebags ko dahil dito ko na mismo kinukuha. Pero syempre , binabayaran ko naman ano. Lalo na't may trabaho na rin ako kahit na mahirap pa ring paniwalaan.
Hindi naman kasi ako mahiyaing tao kaya naman nang makagraduate ako sa Senior High, hindi na ako nagdalawang-isip pang kunin ang course na Education. Hindi man ako naging cumlaude kagaya ni Kuya pero para sa akin ay hindi na mahalaga iyon, dahil nakapasa naman ako sa LET.
Oo nga pala, noon ay balak ko talagang mag-accountant kagaya ni Kuya pero narealize ko na hindi nga pala ABM ang kinuha ko kaya wala rin.
Pero infairness talaga dahil nang maging teacher ako, doon ko lang na-realize na napakasarap palang magturo.
Kasalukuyan na akong naglalakad papalabas ng bahay nang mapatigil ako sa tumambad sa akin.
Si Ella. Kasalukuyan na rin pala siyang papasok sa school. Teacher na rin kasi si Ella at coincidence dahil same school din kami.
Ang swerte nga namin dahil kahit papaano'y nagkikita pa kami. Wala na kasi kaming balita kay Mica , unlike kay Tin na isa na palang reporter ngayon at si Vanessa na isa nang clerk sa isang bangko. Wala man kaming balita kay Mica sa mga panahong ito but we have the hint na nakapag-abroad daw ito-- at kung gayon nga talaga'y nakakatuwa namang isipin na successful na kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?