Kabanata 2: Confusing Identity

8 1 0
                                    

Pasado alas-onse na nang dumating ako sa boarding house. Halos lahat na nga ng board mates ko ay nasa panaginip nila. Pero ako, mukhang hindi na yata dadalawin ng tulog.

Oo nga pala, since ang daling makatunog ni Sunshine pag tip ang pinag-uusapan, binigyan ko na lang rin siya ng at least mga 1/8 ng binigay sa akin ng dalawang mag-asawang anghel. Mabuti na lamang at  naka-tyempo ako ng ganoong kabait na costumer. Karamihan kasi sa mga costumers namin pag golden hour ay hindi lang basta masungit, kuripot pa.
Bihira na lang talaga ang mga katulad nila.

Muli kong tinignan ang loob ng white envelope. Di bale 7,000 ang laman niyon. Hindi ko aakalaing bibigyan nila ako ng ganito kalaking halaga. Mas malaki pa sa binigay ng lalaking iyon.

Inayos ko na nga ang mga ito at ihuhulog na sana sa alkansiya kung saan ko inilalagay ang mga ipon ko nang mabigla ako sa isang kapirasong papel na nahulog.

Na-curious ako kaya naman dali-dali ko itong kinuha.

At nagulat nang mabasa ang nakalagay dito.
T-teka, ito ba ang address nila? Eh sa kabilang kanto lang ito malapit dito sa tinutuluyan kong boarding house. I can't believe na sila pala ang may-ari ng malaking bahay na iyon. Bakit kaya ngayon ko lang sila nakita sa tagal ng pamamalagi ko rito? Hmm.

Napangiti na lamang ako at agad nang inayos ang mga gamit ko.

Hindi man ako dinadalaw ng antok ay pinili ko na lamang pumikit baka sakaling makatulog ako. Syempre kahit papaano naaawa din ako sa mga mata ko. Maghapon hanggang hatinggabi na ngang pagod sa paggawa tapos hindi pa ako magpapahinga. Mas lalo talagang lalaki nito ang eyebag ko.

----

Zzzzzzzzzzz

Naggising ako sa napakalakas na vibration sound ng alarm clock ng board mate Kong si Tin. Halos katabi ko lang kasi ang alarm clock at sa katungayan nga niya'y ako lagi ang nauunang naggising sa kanila.

Pero iba ngayon, dahil mukhang sabay-sabay kaming naggising.

"Good morning Philippines!!"

Bati naman ni Ella sabay punas sa kaniyang bibig. Bale lima pala kami rito sa boarding house, si Ella, Tin, Mica, Vanessa at ako. Masasabi kong okay naman sila kasama at kahit papaano'y kilala ko na pag-uugali nila.
But still, it can't change the fact na wala akong best friend.

"Sino toka ngayon sa pagluto?"

Tanong ni Ella habang inaayos ang kaniyang pinaghigaan.
Tumayo na rin ako habang kinukusot-kusot ko ang mga mata ko.
Nakakatuwa naman at nakatulog din ako kahit papaano.

Pero alam ko namang kahit matulog pa ako o hindi, malaki pa rin eyebag ko.

"Ako na lang."

Ani ko habang sinusuklay ang mala- lion king kong buhok.

Nahalata kong nabigla sila sa sinabi ko dahil halos magsititigan sila habang nakatitig lang dun sa akin.

"Ay hindi na. Alam mo namang exempted ka palagi sa luto diba? Si Vane na ang magluluto."

"Ate bat ako. Ako na nga kahapon."

"Ay wag ka nang magreklamo!"

Napakamot na lamang ng ulo ang pinakabunso naming si Vane habang si Ella naman ay naglakad papalapit sa akin sabay tapik sa balikat ko.

"Kamusta work mo kagabi? Alam mo namang ayoko nang dagdagan pa ang pagod mo kaya huwag ka nang mag-alala pa sa mga gawain dito sa boarding house. Kami na bahala dun."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko habang sinasabi ni Ella  ang mga katagang iyon.
Napakaswerte ko kasi at nagkaroon ako ng mga board mates na kagaya nila. Siguro kung ang mga kasama ko rito eh kagaya ng mga bully at mga kulang sa pansin sa school, siguro matagal na akong lumayas dito.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon