Kabanata 29: Breaking the Treaty

1 0 0
                                    

Justin's POV

"Naku. This is not a joke anymore. Mukhang .. pabor nga talaga sayo si kuya.."

Saka lamang ako bumalik sa reyalidad nang bigla na lamang akong sipain ni Athena. Kasalukuyan kasi kaming nasa table dito sa coffeeshop since na-convince niya akong dumiretso dito para kausapin ang owner ng pinagtatrabuan niya. Pero , di naman namin inexpect na narito pala ang kuya niya.
But I can't believe this. Akala ko kasi, ganoon siya ka-strict to the point na kahit super nice naman ng una at Pangalawa naming pagkikita, alam kong hindi siya agad papayag na may manligaw sa kapatid niya.
Pero iba ngayon. Dahil the way na tignan niya ako kasama ang kapatid niya..

mukhang , gusto niya ako para dito at pabor siya sa akin.

Ayoko naman sanang mag-assume dahil willing ko namang gawin ang best ko para lang mapapayag siya, pero mukhang hindi na ko na yata kailangang gawin iyon.

"See? Sabi na. Malakas talaga ako."

"Heeee oo na pero ang yabang mo!"

Sambit niya saka ako muling sinipa. Pinili na lamang matawa sa kaniyang kakulitan. Mahirap na, baka kasi kapag hindi ko iyon ginawa'y mas mahalata niya lang na kinikilig ako kahit totoo naman.
Yet , I still don't want to became that showy. Baka sabihin niyang, masyado akong obsessed sa eyebag niya.

Maya-maya lamang ay nakita na naming paparating ang kaniyang kapatid na may hawak na tray kaya naman hindi ko na siya pinansin pa at agad nang tumayo upang tulungan ito sa pagbitbit. Syempre, at this moment, I have to be cool and decent sa harap niya. Kahit kasi obvious na sa aking gusto niya ako para kay Athena, may chance pa rin na magbago ang isip niya. At iyon ay kung hindi ako mag-iingat sa mga kilos ko.

"Thank you. You really are the man, Bohr. You never failed to amaze me."

Muli nitong wika na nagpatigil sa akin.
Muli naman akong napatingin kay Athena na mukhang nagbingi-bingihan sa sinabi ng kaniyang kapatid. Napangisi ako. Halata na kasi sa pagmumukha niyang kinikilig siya.

But I also wonder na, ganun rin kaya ang dating ko sa kaniya? I mean , yung mukha ko, obvious din kaya kung kiligin?

"S-so.. anong plano mo? Can you tell me about your plans together with my sister?"

"P-po?"

Napatigil ako sa sinabi niya. And at the same time ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

Plano? He's asking me about our plans?
Eh ano naman kaya?

Hays. Bahala na. Since ngayon palang kasi naging official ang feelings naming dalawa at wala pa kaming naiisip na plano in engaging in relationship, I'm that wise naman para makahanap ng palusot sa mga pagkakataong ito.

"Ah.. actually we haven't talk about it yet but don't worry, I'll assure you that whatever we have right now, won't affect our studies and the foundations of our families. Actually, may plano nga sana kaming mag-tour around the world but it's in the future.. right now, all we prioritize was studying hard and dreaming to have a stable and nice job in the future. And I'm still looking forward for that day.."

Hindi man ka-convince convince ang sinabi ko subalit sa ekspresyon ng mukha ng kapatid niya, mukhang naniwala naman ito at mas bumilib sa akin.

To tell you this, I'm not that wise when it comes in academics. When I was in elementary and even in Junior High School, I never became an honor student. But it doesn't mean that I'm a fool or one of the student who just playing safe and easy without studying hard because I used to study and I really wanted to study.
Yun lang, kahit talaga anong gawin kong pag-aaral ay hindi talaga umaabot sa 90 ang aking average. It was always ranged from 88-89.
And I'm okay with it as well as my parents.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon