Athena's POV
*Ting ting ting*
"Waaaa five minutes pa please! Five minutes pa!"
Sigaw ko sa tumutunog na alarm clock sabay takip sa aking tenga. Nakakainis kasi eh. Kita nang natutulog pa ang tao at saka pa ito muling eepal.
Subalit bago pa man ako makaidlip muli ay isang napakalakas na sapak ng kamay ang aking natanggap na siyang nagpabangon sa akin mula sa aking kinahihigaan.
Mabuti na lamang at hindi ko kaagad naalis ang kumot na nakatalukbong sa akin. Natatakot kasi ako sa maaaring maging reaksyon nila once na nakita ang mukha kong hindi ko ba alam kung anong ginawa ng bakla sa parlor kahapon nang magkita kami ni Aphrodite.
Di ko kasi inexpect na aabot sa puntong bibigyan niya ako ng make-over. As in.Tinakpan ko naman ang aking mukha kahit na nakatalukbong pa rin ng kumot dahil nahihiya ako sa tuwing maaalala ang mga pangyayari kahapon. Nakakahiya kay Aphrodite. At kung kukuwentahin ko siguro ang ginawa niyang pagtulong sa akin ay hindi sapat ang isang taon kong sahod sa coffeeshop.
"Tangeks. Eh kanina pa tapos ang five minutes eh. Mabuti na lang talaga Athena at weekend ngayon kundi na-late ka na talaga."
Sambit ni Vanessa. Alam kong si Vanessa ang nagsasalita dahil kahit na nakatakip ang buo kong katawan by this time, natatanaw ko pa rin siya dahil hindi naman ganun kakapal ang kumot ko.
Hays teka. Kung hindi alarm clock ang tumunog, eh ano? Oo nga pala. Bakit hindi ko ba naalala na iyon nga pala ang tunog ng cellphone ko!
Agad kong itinuon ang aking tingin sa direksyon kung saan nakapatong ang aking selpon at kaagad itong kinuha- kahit na nakatalukbong pa rin ako.
Kitang-kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Vanessa.
Alam kong na-weweirduhan siya sa ginagawa ko. Well, baka kasi atakihin pa siya sa puso kapag nakita niya ang mukha ko. Baka isipin niyang artista ako or what haha.
Ang tanging hiling ko na lamang sa mga oras na ito ay ang umalis si Vanessa dahil mukhang kami lang ang narito sa kwarto at this moment. Sana umalis na siya para makaalis na ako sa kumot at makapag-ayos na ng aking sarili.
"Hays. Napakatamad mo talaga , Athena. Oo nga pala, may lakad ka pa ba ngayon? Uuwi kasi kami ngayon. As in lahat kami at mamayang hapon ang alis namin. Ikaw na muna bahala rito sa bahay ah. Sige , bumaba ka na lang sa kusina at sabay-sabay na tayong mag-almusal."
At mukhang dininig nga ng langit ang panalangin ko!
Nang tuluyan na siyang makaalis ay nagdali-dali na akong bumangon at agad na tiniklop ang aking pinaghigaan. Syempre hindi naman ako ganoon katamad para hindi gawin iyon.
Then saka ko na lamang chineck ang text message na na-receive ko.
A text message from principal?
Takte. Eh kahapon pa yata ito tinext, bakit ngayon ko lang nareceive??Sahalip na patuloy pang makipag-argue sa sarili ko ay kaagad ko na lamang binasa ang content at halos mapatumba ako nang mabasa ito--
Required pala kaming pumunta ngayon sa campus para malaman ang list at room numbers namin for examination-- waaa oo nga pala at sa lunes na nga pala ang examination namin for scholarship at bakit ngayon ko lang ba ulit naalala. Ito pa naman ang bagay na pinakahihintay ko first and foremost. Umaasa kasi sila Mama na kahit papaano'y may makuha akong scholarship if ever sa college. Di ko na kasi alam kung makakaya ko pa ng mag-isa ang magtrabaho lalo na kung medyo malayo na ang papasukan ko.
Bigla ko tuloy naiisip na what if hindi nalang ako mag-college at magtrabaho na lang ako?
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Dla nastolatkówMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?