Kabanata 4: Deal or No Deal

2 0 0
                                    

"Hey! Galit ka ba?"

Narinig kong wika niya habang nagpapatuloy ako sa paglalakad.
Nasa likod ko kasi siya at pinili ko talagang unahan siya sa paglalakad para hindi niya makita ang reaksyon ng mukha ko. Hindi ko kasi alam kung matatawa ako na ewan nang ipakilala niya ako kay Zashumi. All I thought was sasabihin niya na girlfriend niya ako or something. Pero hindi sa pag-aassume. Ganoon kasi lagi ang nakikita ko sa mga palabas at sa mga librong binabasa ko dati hanggang magdamag.
Again , isa sa mga reason kung bakit malaki ang eyebag ko :)

Kaya akala ko iyon. Mabuti na lamang at hindi iyon ang nangyari kaya kahit papaano'y panatag ang loob ko at nabawasan ang mga isipin ko sa buhay.

"Huy sumagot ka naman oh!"

Nang tuluyan na kaming makalabas sa gate ay saka na ako tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya.

At sa aking pagharap ay halos mapahagikhik ako sa isip ko nang makita ang itsura niya.

Kaloka. Para siyang bata na naubusan ng champorado.

"Hindi ah. Hindi ako galit. Actually okay sa akin ang sinabi mo kanina. Nagulat ako p-pero syempre pabor na ako doon kaysa---"

"Kaysa aminin ko sa kanila na girlfriend kita??"

Nagulat ako sa sinabi niya. Pambihira. Kailan pa siya naging mind-reader at mukhang binasa niya ang kanina ko pa iniisip.

"H-ha? Teka hindi ko inisip yun a."

"Hahah actually it was my plan. Pero naalala kong si Zashumi pala ang kaharap ko kaya di ko na tinuloy. Kilala ko kasi siya bilang isang warfreak. But I really don't have an idea kung bakit pati ikaw pinag-iinitan niya.. nilang lahat. Tsaka to tell you this, matagal ko nang naririnig ang pangalan mo outside and inside the campus. It's just funny kasi sa mga ganitong pagkakataon lang kita nakilala."

So kilala niya pala talaga si Zashumi.
Teka. Kung matagal na niyang kilala si Zashumi. Bakit ni minsan hindi ko man lang siya nakilala? Eh since elementary ko pa kaaway si Zashumi. Ganoon na katagal . Kaya nga nakakapagtaka dahil ni hindi man lang siya nagsasawa sa paninira sa akin.

And one more thing. Paano niya nakilala si Zashumi?

"I just want to ask you. P-paano at bakit mo nakilala si Zashumi?"

Curious na talaga ako kaya naman hindi ko na pinalampas pa na tanungin siya. Bahala na kung anuman ang magiging sagot niya.

He took a deep breath at kaagad nang umupo sa maliit na bench sa tapat ng gate. Ayoko sanang tumabi sa kaniya dahil baka may makakita pa sa amin pero naalala kong best friend pala ang pakilala niya sa akin kaya keri lang. Mas mabuti na yung ganoon kaysa girlfriend lol.

"Si Zashumi? It sounds funny pero ex ko siya."

Halos mabitawan ko ang hawak kong mineral water sa sinabi niya.

Pambihira. Ano kamo? Ex niya si Zashumi???

T-teka ano nga ulit real name niya??

Bohr.. ay Justin Bohr. So siya nga ang napapabalitang boyfriend ni Zashumi lately kaya naghiwalay sila ni Cy? No way.
Wala akong idea na siya ang ginamit ni Zashumi sa panloloko niya kay Cy na boyfriend niya for 5 years.

Oo alam ko lahat ng iyon dahil buhay showbiz ang campus na ito. At kahit eyebags ko nasa headlines palagi.

"I-ikaw? Ikaw yung na-issue na boyfriend ni Zashumi?"

"Kaya sila nag-break ni Cy. Yes it's me. And I regret every single day na pumayag ako sa gusto niya."

Wala na sana akong balak na halungkatin pa kung ano ang nangyari sa kanila pero hindi ko na talaga mapigilan pa. Kaya pala gayon na lamang ang galit sa kaniya ni Zashumi kanina and the way na magpalitan sila ng statements. Dahil may nakaraan pala sila.
Hays. I can't absorb all the truths na nalalaman ko. Hindi ko tuloy alam kung tadhana na ang nagdidikta rito. Hindi pa nga ako maka-get over sa mga pangyayari sa coffeeshop then dadagdag pa ang sikreto ni Zashumi.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon