Athena's POV
Mangiyak-ngiyak kong tinahak ang daan patungo sa restroom. Call me weird pero hindi ko alam kung bakit gayon na lamang ang hiyang naramdaman ko at umabot pa sa puntong tumutulo na ang luha ko.
For all of my life , all I know was there's only two reasons kung bakit umiiyak ang tao- it can be because of sadness or overflowing joy. Pero iba ang sitwasyon ko ngayon. Mukhang mababaliw na yata ako.
Mabuti na lamang at walang tao kaya malaya akong makakapagdrama. Nakakaloka. Bakit ba kasi kailangan ko pang gumawa ng ganoong nakakahiyang eskandalo. Sigurado akong pagkakatuwaan niya na naman ako dahil sa ginawa ko.
"Anong ginawa mo Athena!!! Nakakahiya ka! Ano nalang sasabihin niya? Waaa ayoko na sa earthhh!"
Halos sinasapak-sapak ko na ang sarili ko habang inaalala ang nangyari kanina.
I already stated my apology. But tell me, is it acceptable? Eh halos kitang-kita kong basang-basa na ang uniform niya kanina nang dahil sa akin. °=°
To finally erase the guilt, I just contacted him dahil binigay niya ang number niya sa akin. Actually, di ko naman talaga intention na pauwiin siya pero sa mga oras na ito, mukhang kailangan niya na ngang umuwi para at least magpalit ng damit.
In fact, pwedeng pwede ko namang sabihin iyon personally. Pero wala pa akong lakas ng loob ngayon. Lalo na't maraming nakakita dito sa resto.Matapos ko siyang ma-text ay muli kong inayos ang sarili ko. Tinali ko na lang din ang buhok ko at nag-cap na rin para at least hindi ako makilala na ako ang babaeng halos lamunin na ng lupa kanina nang dahil sa kahihiyan.
Siguro naman , nakaalis na siya dahil sinabi ko through text na umuwi na ako.
I've decided to lie dahil alam kong hihintayin niya ako kahit umabot pa siya ng isang taon. That's how patient he is.
At kahit sa maikling panahon na nakilala at nakasama ko, I can assure that it was his good -side.Nang tuluyan na akong makalabas ng resto ay agad na akong pumara ng trycicle at agad nang nagpahatid patungo sa campus.
Wala na sana akong balak pumasok pa pero naalala kong hindi nga pala ako pumasok kanina kaya I changed my mind. Isa pa, masyadong maraming requirements na kailangang i-submit ngayon kaya hindi talaga maaaring umabsent. Kung di lang talaga dahil sa lalaking iyon, hindi mangyayari ito.Pero bakit ba ako nagsusungit dito. Ako na nga ang nakagawa ng mali sa kaniya.
At mukhang hindi enough ang sorry ko sa kaniya through text. Kailangan pa rin personally.Nang makarating na ako sa campus ay walang pagdadalawang-isip na akong tumungo sa building subalit napukaw ang atensyon ko sa isang pirasong papel na nakalagay sa bakanteng bench. Kasalukuyan na kasi akong napadaan sa maliit na garden ng campus wherein almost twenty benches din ang nandito. Ito kasi ang tambayan ng mga students every vacant time. Mas prefer ko pa ngang dito tumambay kesa sa library. Di kasi doon pwedeng mag-ingay kumpara rito.
Hindi ko na sana papansinin pa subalit dinala ako ng aking mga paa patungo roon.
Nang makarating ako roon ay muli akong lumingon sa paligid bago ako nagpasyang kunin iyon. Malay mo hindi ba may swerteng naghihintay sa akin at nasa kapirasong Bond paper na mukhang wala nang may-ari.
Akala ko it's a letter pero napangiti ako nang mabasa ang nakasulat roon--
Lyrics ito ng sikat na kanta na madalas ko nang napapakinggan sa radyo. Amnesia ang title nito.
Di ko alam kung bakit may kung anong nag-udyok sa akin upang basahin at kantahin iyon.
Wala naman kasing masama dahil bukod sa ako lang ang tao rito- mukhang mas gaganda ang boses ko dahil sa fresh air.
At sa tingin ko'y ito ang perfect moment para ilabas ko ang talent ko sa pagkanta haha.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?