Justin's POV
Matapos maihatid si Athena sa condominium unit kung saan sila tumutuloy ng kaniyang kapatid ay dumiretso na ako sa Mansion. Alam ko kasing sobra na ang pag-aalala nina Mom and Dad sa akin. I always expect it.
Kahit noon pa man, ay talagang nag-uumapaw na ang concerns at pag-aalala nila. Ganoon talaga kapag magulang. At siguro'y mas maiintindihan ko iyon kapag naging magulang na rin ako :)Bigla mang nalungkot sa nangyari kay Athena ay mas pinili ko na lamang maging masaya dahil kahit paano'y okay na siya at hindi naman siya masyadong nasaktan.
Gustuhin ko mang muling kausapin si Zashumi at pagbayarin siya sa nangyari, subalit mas mabuti siguro kung hahayaan ko na lamang siya. Tutal , na-expel na siya sa school at sa tingin ko nama'y sapat na iyong kabayaran sa lahat ng ginawa niya.One more thing, may tiwala ako kay Athena. At patuloy akong magtitiwala sa kaniya - sa paraang narito lang ako sa tabi niya upang protektahan siya.
Ganoon nga talaga siguro kapag in love.
And now , I know the feeling.
Ang sarap sa pakiramdam.
Biglang napatid ang ngiti ko nang makapasok ako sa Mansion. Oo nga pala, hindi pa alam ng parents ko na hindi ko na best friend ang babaeng nakilala nila, kundi girlfriend ko na ito.
And I'm willing to confess it all to them. At tiyak na matutuwa sila kapag narinig iyon.
Kaya naman hindi ko na pinatagal pa at nang makarating ako sa sala ay buong giting ko silang hinarap.
Subalit, mukha ng pag-aalala ang sinalubong nila sa akin.
"Bohr.. mabuti naman at umuwi ka na. Where have you been? Halos hanapin ka na namin sa kung saan and we even contacted you pero wala ka man lang sagot!"
"We even called your friends and classmates subalit walang makapagturo kung nasaan ka. T-teka.. kasama mo ba ang best friend mo?"
Sunod-sunod na tanong nila. But I understand them. Kahit ako ang nasa posisyon nila'y iyon din ang gagawin ko.
Tsaka it's just normal sa parents na mag-alala ng ganito. Lalo na't hindi ko naman talaga sinabi sa kanila kung nasaan ako.
It's my fault in the first place."Actually, sinadya ko talagang hindi ipaalam sa inyo. Baka kasi mag-alala pa kayo. But don't worry, wala namang nangyaring masama. May pinuntahan lang kasi kami ni Athena - anyway, speaking of her.. may mahalaga lang sana akong sasabihin sa inyo."
Sa tingin ko'y, ito na rin ang tamang pagkakataon na banggitin sa kanila ang relasyon namin ni Athena, kaya hindi ko na patatagalin pa, tutal mukhang boto naman sila dito kaya wala nang problema.
"It's good to know. But there's something you also need to know, Bohr."
Napatigil ako sa sinabi nila.
Kaya naman mas tinitigan ko silang patuloy na nagkakatinginan sa isa't Isa.
I don't know but I really have the feeling na sobrang nakapahalaga talaga ng sasabihin nila.
Iba kasi sina Mom and Dad mag-decide.
At sa pagkakataong ito, mukhang ang nabuo nilang desisyon ang ipapaalam nila sa akin. Pero ano naman kaya?
Is it about business? Or something else?
Bakit parang iba ang sinasabi ng isip ko?
"O-okay. But I should be the one to tell you first. "
"Sure. What's the matter?"
"Si Athena po.. she's not longer my best friend. But she's now my girlfriend. At sana , suportahan nyo kami. Sa tingin ko naman siguro'y iyon ang gusto ninyong mangyari hindi ba? Tsaka pabor naman kayo sa kaniya?"
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?