Athena's POV
Naggising ako sa ingay na aking naririnig na hindi ko ba alam kung saan. Kaya naman kaagad ko nang idinilat ang aking mga mata dahil oras na siguro upang bulabugin sina Ella sa pag-iingay. Bakit ba hindi ako nasanay na lagi na lang ganito ang eksena sa bhouse at palaging ako ang nauuna sa paggising.
Subalit- ang pag-aakala kong sina Ella ang nag-iingay ay napatid nang makita kong wala ako sa bhouse. Instead, nakahiga ako sa napakalaking kama na may puting sapin.
Nakakapagtaka. Dahil nang aking ilibot ang aking paningin sa paligid ng kwarto ay kaagad akong namangha dahil sa ganda nito, mukhang mamahalin. Takte, nasaan ba ako? N-nasa hotel ba ako?
Waaaa anong ginagawa ko dito??
Sinubukan kong pumikit muli at muling sinapak ang aking sarili dahil baka nananaginip lamang ako .. pero hindi totoo nga.
At sa muling pagbukas ng aking mga mata ay saka lamang nag-sink in sa akin ang lahat.
Narito nga pala ako sa bahay nina Bohr dahil hindi nagbago ang desisyon niyang ihatid ako sa bhouse kagabi--
At .. kasalukuyan akong nasa kwarto niya?
Yuck. At kung nasa kwarto niya nga ako ngayon, so kama niya pala itong hinihigaan ko?
Kaagad akong napabangon sa kama sabay hagis ng puting unan at kumot sa kama. Waaaaa. Bakit ba kasi ako pumayag na matulog dito. Yan tuloy hindi ko na alam kung ano ba ang aking gagawin at kung mag-explain sa kanilang lahat. Remember, hindi na nga ako nakapasok sa coffeeshop tapos hindi pa ako sa bhouse natulog. Ano nalang iisipin nila?
Pero naisip ko ring mas mabuti na yung ganito. Kaysa naman makita nila akong walang malay o kaya nama'y nabubulok na sa abandonadong bodega kung saan ako dinala ng nakakairitang si Zashumi.
At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin talaga alam kung paano niya nagagawa ang ganitong bagay sa akin.
Honestly, hindi naman siya ganito sa akin noong Grade 3 palang kami.. pero nagbago lahat ng iyon nang..** Sudden Flashback
"Okay class. Please submit your works. At para macheckan ko na."
Nakangiting sambit ng aming teacher.
Agad ko namang isinumite ang aking papel na mayroong drawing. Iyon kasi ang task na ibinigay ni Ma'am sa amin.We are friends before. But I can't say na ganoon ka-close. Madalas ko lang siyang kausapin dahil I prefer na kausap siya that time. Tandang-tanda ko pa ngang mahilig siya sa hello kitty dahil hindi naman yata obvious sa lahat ng gamit niya. Hello kitty lover siya at doughnut talaga ang paborito niyang kainin.
Tinitigan ko siya na kasalukuyan pa ring busy sa pagguhit. Napansin kong mukhang nahihirapan siya kaya sinubukan ko siyang lapitan at tulungan subalit bago pa ako tuluyang makalapit sa kaniya ay agad na siyang tumayo at kaagad na ipinasa ang kaniyang gawa.
Humarap siya at muling ngumiti ng malawak sa akin.
Tandang-tanda ko pa ang mga ngiting iyon.
Noon, hindi ko alam ang rason ng mga ngiting iyon na tila ba may ibig-ipakahulugan.
Subalit ngayon , alam ko na. Malinaw na sa akin kung ano ang ibig sabihin niyon.
Iyon na pala ang huling ngiti niya sa akin-- na masisilayan ko.
Maya-maya lamang ay kaagad nang tumayo si Ma'am at muli nang ibinigay sa amin ang mga papel na ipinasa namin kanina.
Nang aking natanggap ang aking papel ay napangiti ako nang makitang may 3 Stars ito at may nakalagay na very good. Hindi ko kasi iyon inexpect dahil hindi naman ako magaling sa pag-drawing.
At kung may magaling man sa larangan ng art, wala akong kilalang iba kundi si , Zashumi. Oo, di hamak na napakagaling nga niya sa pagguhit.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Novela JuvenilMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?