"Seriously? Pumunta dito si Bohr na anak ng ex-mayor at hinanap ulit nito si Athena? Gosh. Kaano-ano ba niya si Athena? Di kaya'y manliligaw siya? Or what?"
Halos mabitawan ko ang dala kong payong nang marinig ko ang usapan sa loob ng bhouse. Maaga pa kasi akong pinauwi ni Ate Tess dahil hapon ako nag-start ng work. Kaya eto, no doubt na gising pa sila. Kapag umuuwi kasi ako'y ineenjoy na nila ang panaginip nila.
Pero iba ngayon.
At ano pa ang pinag-uusapan nila? Tungkol sa akin at sa pagpunta ni Bohr?Pambihira. Oo nga pala. Nabanggit niya nga sa akin na pumunta siya kanina dito sa bhouse upang hanapin ako dahil sa "concern" daw siya sa akin.
Lagot. Hindi ko na naman alam kung paano ieexplain sa kanila. Mukhang wala na akong lakas pa ng loob na magsinungaling at dagdagan ang kasalanan ko.Natatakot man sa maaaring mangyari ay wala na akong choice kundi ang tumuloy sa loob.
Laking gulat naman nila nang makita ako.
I bet, they all wonder kung narinig ko ba ang pinag-uusapan nila a while ago."Athena , nandito ka na pala.."
Wika ni Ella na tumayo pa upang salubungin ako.
I'm sure nagulat sila na umuwi ako ng ganito kaaga. Nagulat din naman ako eh. Sabagay , wala namang dudang papayagan ako ni Ate Tess na mag-off ng mas maaga. Ang bait kaya nun.
"Oo.. pinayagan kasi ako ng amo ko na umuwi ng maaga kaya heto at naabutan ko pa kayo. Lakas nga ng mga hilik nyo eh. Tsaka may isa pang naglalaway - joke."
I said it para tuluyan na nilang makalimutan ang nangyari at pag-usapan ulit ang ibang bagay.
Pero itong si Tin talaga.
Don't tell me, siya na naman ang nakakita at natanungan ni Bohr. Hays.
"Pero Athena , may kailangan ka na namang malaman. Yung anak ng ex-mayor, nandito na naman kanina at hinahanap ka. Curious na talaga kami kung sino siya. Sino ba talaga siya?"
"MANLILIGAW MO BA?"
Muntikan na akong mapatumba sa aking kinatatayuan nang sabay-sabay silang magsalita at sabihin ang mga katagang iyon.
Naku at ito na ba ang sinasabi ko.
Since they are curious about certain things , wala silang ibang gagawin kundi ang kulitin ako hanggang sa mapaamin ako.
Pwes hindi. Hindi nila ako mapapaamin.
"Ha? Hoy hindi. Pero sige na. Sasabihin ko na saiyo ang totoo. Kaibigan ko siya."
"KAIBIGAN MO???!"
Sabay-sabay naman nilang wika habang nakatitig sa akin.
I know they are all curious pero huwag naman sana umabot sa puntong napi-pressure na ako.
Umupo ako sa harap nila then I stare at them
"Oo, kaibigan ko siya. Tsaka anong big deal doon? Hindi ko siya manliligaw okay ? As if magkakagusto siya sa akin."
Sambit ko saka na muling tumayo at tumalikod sa kanila upang magbihis subalit muli akong napatigil nang muli silang magsalita,
"Pero maganda ka naman , Athena. Malay mo diba, magkalovelife ka na. Pupusta ako."
Muli akong lumingon at tinignan si Tin na nakangiti ng malawak sa akin.
"Pupusta din ako!"
Wika naman ni Vanessa at nakipag-appear pa kay Ella.
Itinaas ko na lamang ang kilay ko at agad nang naglakad papalayo sa kanila.
As if papatol ako sa lalaking iyon.
Aminado man akong naging crush ko siya nang una ko siyang makita- but that impression fools me.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Teen FictionMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?