Kabanata 32: Eyebag's Story

2 0 0
                                    

Justin's POV

Let's get out, Let's get out
'Cause this deadbeat town's only here to keep us down

Halos mabitawan ko ang hawak kong sabon nang bigla na lamang tumunog ang aking selpon. I was actually here at the bathroom at kahit na walang pasok because of some reasons, I have to go in a special date.

Yes. It's a special date with someone special. Actually, it was my idea. Naisip ko kasi na siguro dapat ay mayroon ding kahit na isang araw na nakalaan para sa aming dalawa - to get to know each other even better.
Plano ko nga sanang sabihin sa kaniya na magkita kami , pero naisip ko na luma at gasgas na paraan na pala iyon ng pakikipag-date. So, I agreed to Aphro's suggestion na sila na ang bahala kay Athena and all I have to do is to prepare the venue and everything. Set-up date ikanga.

Mahigit isang oras din akong nasa bathroom. Ewan ko pero parang naeexcite lang ako to the point na gusto kong mas maging good-looking sa harap niya. Baka kasi palitan niya ako kapag nakahanap siya ng iba. So I do everything. Shave every part na kailangang i-shave at tinry ko na rin ang best ko para pumili ng magandang damit na maaaring suutin. In order for me to look good. Ayoko kasing umabot sa punto na pagtatawanan niya ako nang dahil sa suot at itsura ko.

Judgemental pa naman iyon. Pero mas judgemental ako haha.

Upon hearing my phone's rang ay kaagad na akong lumabas sa CR, half-naked upang sagutin ang kung sinumang tumawag.

I smiled widely nang makitang si Clyde iyon.

Pero hindi pala iyon tawag. It was just a text at first time ko yatang magkamali ng akala.

Nandito na kami. Ikaw na lang ang hinihintay

Hindi na ako nag-reply pa at agad nang hinagis ang tuwalya patungo sa kung saan upang maghanap ng susuutin.

Subalit , halos manlumo naman ako nang makita ang aking hubo't hubad na katawan sa salamin.

--

"Otw."

Ang tanging nasambit ko nang agad akong napatawag kay Clyde.

Actually, I'll tell you the short skit of their plan. Ang balak kasi talaga nila'y hihikayatin nila si Athena to have meals with them kaya naman si Aphro na mismo ang nag-approach at pumunta sa condo upang humingi ng tawad kay Athena.

Pero bago gawin iyon , syempre inassume na rin namin ang consequences at ang other side ng story. There's a possibility din kasi na hindi tanggapin ng pinakamamahal ko ang sorry ni Aphro, so kapag nangyari iyon ay sa plan B na lamang kami tutungo.

But since, mind-reader ako, alam kong magiging ganoon kadali para kay Athena na magpatawad. She's that fragile and kind-hearted. Lalo na't hanggang ngayon ay iniisip pa rin niyang kasalanan niya kung bakit nagalit sa kaniya ang babaeng itinuturing na rin niyang kaibigan.. yet I feel sorry for her dahil kasalanan ko naman talaga lahat ng iyon.

So iyon.. balak nilang i-set up si Athena at once na tumungo na sila sa resto, iyon na ang time na mawawala na sila sa paningin ni Athena. Ang galing hindi ba?

Super wise nilang mag-isip.

I bet, iyon nga ang nangyari.

Hindi na lang din ako nagpaalam kay Mom kung saan ang lakad ko dahil mukhang busy siya at wala na akong choice kundi ang pumunta na sa resto. Agad ko namang chineck sa aking bag kung dala ko ba ang necklace na balak kong ibigay sa kaniya.

Sana talaga, magustuhan niya.

Pasado alas-otso na ng ako'y dumating sa loob ng resto. Bago pa man ako lumabas sa kotse ay muli kong tinitigan ang aking sarili sa salamin, at nang makitang ganoon pa rin naman ako ka-pogi ay buong giting na akong tumungo sa resto.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon