Kabanata 46: Birthday's Celebration

1 0 0
                                    

Athena's POV

Friday Morning. But it's not just a typical morning for me. Birthday ko remember?
Pero mukhang hindi naman magiging big deal ang araw na ito para sa akin~ kagaya ng mga nauna. Kaya bakit ba ako umaasa na may mga greetings at surprises na sasalubong sa akin sa araw na ito? Muli na naman akong nag-iilusyon.

Sahalip na isipin pa iyon ay nagmadali na akong lumabas sa kwarto dahil 6:30 na pala at mukhang wala man lang balak si kuya na gisingin ako. Nasanay na kasi ako na may gumigising sa akin, kagaya ni Tin nang mga oras na nasa bhouse pa ako. I wonder tuloy kung ano na ang sitwasyon nila ngayon sa boarding house.. ngayong nawalan na sila ng clown hehe.

"Good morning baby girl. Upo ka na riyan at nagluto ako ng lomi para sayo."

Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumambad sa akin si kuya na half-naked lamang habang nagsisipilyo. Hindi ko alam kung ano ang irereak ko.. kung tama bang mailang ako na ewan dahil lalaki siya at thinking na nakikita ko ang katawan niya ngayon ~ o kaya nama'y matawa na lang at hindi na pansinin pa dahil sigurado akong naiinggit siya sa akin dahil may boobs ako. Hays.

Pinili ko na lamang ibaling sa iba ang tingin kahit na patuloy pa rin akong nag-iimagine ng kung ano-ano.

"Kuya, bakit kailangang i-display mo pa yang katawan mo. Wala ka namang boobs"

Biro ko sa kaniya habang kasalukuyan nang nagtitimpla ng milk. Opo, napakarami kasing stock sa Tupperware at mukhang hindi naman mahilig si kuya sa kape kaya wala akong choice kundi ang inumin ito. Baka kasi abutan lang ng expiration date at masayang lang.

Napansin kong natawa naman siya sa sinabi ko.

"Hahaha sa tingin mo ba magiging effective kapag nagpaturok ako ng silicon?"

"Yak kuya. Wag mo nang i-try."

"Hahahaha joke!"

Inirapan ko na lamang siya habang patuloy pa ring pinipigilan ang sarili sa pagtawa. Mahirap na baka mabulunan pa ako o kaya nama'y makabasag pa ako ng kung ano-ano dito sa kusina. Sobrang mamahalin pa naman at nakakahiya kay kuya kapag nangyari iyon.

"Anyway , pagkatapos mong mag-almusal. You can take a taxi to school. Hindi na kasi kita mahihintay pa for some reason. I mean kailangan ko nang pumunta sa office by this time .. keep safe nalang ha."

Ang tanging nasambit ni kuya saka na dumiretso sa kaniyang kwarto. Natahimik ako.

Wala nga siyang alam na birthday ko ngayong araw. Isipin nyo, kung alam niya nga, bakit wala man lang words na "Happy Birthday" sa statements niya kanina?

Pakiramdam ko tuloy ay bigla akong nalungkot na ewan. Pero ang tanong, bakit ko ba ito nararamdaman? Eh nasanay na rin naman akong balewala na ang birthday sa akin at there's no need to celebrate it dahil bukod sa gastos ay sapat na rin na makapagpasalamat kay God sa buhay at lakas na patuloy Niyang ipinagkakaloob.

Kaya there's nothing to worry about.
Saka isa pa, siguro hindi na rin mahalagang malaman pa ni kuya na birthday ko nga ngayon. Dahil sigurado akong once na malaman niya ang tungkol dito, baka iinvite niya pa si Jollibee at mag-paparty pa ng bonggacious kagaya ng birthday ni Zashumi ng nakaraang araw.

And speaking of Zashumi.. isang araw nga lang talaga ang pagitan ng birthday namin. See, pati birthdate namin may pagitan na isa ~ may social distancing.

Pagkatapos kong makapag-breakfast at mahugasan ang mga pinagkainan (syempre hindi naman ako tamad tsaka nasanay na ako sa ganitong trabaho) ay tumungo na ako sa CR upang maligo.
Sa katunayan nga'y nabusog ako sa lomi na niluto ni kuya. Mas naging malinaw na tuloy sa akin na magkapatid kami dahil pareho kaming mahilig sa pagluluto.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon