Kabanata 22: A family member

1 0 0
                                    

Athena's POV

Hindi ako maaaring magkamali sa pagkakakilala ko sa kaniyang mukha. Siya nga ang lalaking napaka-misteryoso na siyang nakasaksi ng panonood ko sa eksena nina Bohr at Aphro habang nag-uusap at siyang humila sa akin patungo sa canteen upang kumain ng lunch.
Teka, bakit ba sa dinami-rami ng mga pagkakataon na maaari siyang sumulpot ay ngayon pa? Kung kailan ko inilalabas ang lahat ng aking sama ng loob at hinanakit dahil sa nangyari.

Agad akong napaatras palayo sa kaniya at pinahid nang mag-isa ang aking pisngi. Nakakainis at feeling close pa siya. Hindi ko kasi alam kung bakit ganito na lang makaasta ang lalaking ito. Eh hindi ko naman siya kilala ni familiar sa akin. Tsaka isa pa, wala akong idea kung saang planeta siya nanggaling at ang highlights doon, wala akong pakialam.

"Wala kang paki!"

Wika ko sa kaniya saka na nagdesisyong humakbang papalayo subalit nabigla naman ako sa biglang pagtunog ng selpon ko sa aking bag. Sa sobrang curious ay kaagad ko itong binuksan at napangiti nang makitang si Mama ang tumatawag..

Nagdali-dali na akong tumalikod at nagsimula nang maglakad habang inilalagay sa tenga ang selpon.

Sa mga oras na ito'y hindi na luha ng lungkot ang tumutulo sa aking mga mata. Kundi , luha ng saya at pagkasabik. Ngayon lang kasi muling tumawag sa akin sila Mama at ngayon ko lang ulit sila makakausap. Sinabi kasi nilang okay lang daw kahit na hindi na muna ako tumawag sa kanila dahil sa naiintindihan nila ang sitwasyon ko na wala na akong time dahil sa tindi ng schedule ko- school sa umaga at sa coffeeshop tuwing gabi. Ngunit, habang tumatagal ay narerealize ko na , hindi ko pala kayang hindi sila makamusta segu-segundo. Dahil kahit na isang minuto pa man ang lumipas , mula nang makausap ko sila kahit man lang sa selpon,  mas lalo ko lamang silang nami-miss.

Pinilit kong pigilan ang pag-iyak dahil hindi magiging maganda ang dating ng aking boses sa tawag. Baka kasi magtaka si Mama kung bakit ako napaos. Ayoko namang mas mag-alala pa siya sa akin. Kaya kailangang maging okay ang dating ko sa kaniya.

"Ma?"

Sambit ko sa kabilang linya. Napapikit ako. Miss ko na nga sila. As in sobrang miss. Kung maaari lamang umuwi ngayundin at hindi na mag-aral , subalit hindi. Hindi ako kailangang tumigil dahil may pangarap ako.
Pangarap ko pa ngang makapagpatayo ng Mansion House sa province oras na makapagtrabaho ako. Para kahit papaano'y guminhawa ang buhay nina Mama. And I'm looking forward na dumating ang araw na iyon.

"Anak? Athena.. k-kamusta na? Matagal-tagal din tayong hindi nakapag-usap ah. Nasaan ka ba ngayon? Nasa school ka ba? May gusto sana akong sabihin sayo, kaya ako napatawag. Don't worry hindi naman ito tungkol sa padala at mas lalong hindi ito bad news dahil ang totoo'y okay naman kami dito.."

"Po?"

Bigla akong na-curious. Ewan ko pero feeling mo first time ko lang ma-curious ng ganito. Teka, bakit kaya? Mukhang importante nga ang gusto niyang sabihin.

"Ano kasi.. wag kang mabibigla ah. Ang totoo niyan ay wala naman akong intensyon na ilihim 'to sayo habambuhay dahil alam kong malalaman at malalaman mo rin ito pagdating ng takdang panahon. At ito na nga , maaaring ito na ang takdang panahon para malaman mo ang lahat. Hindi ko kasi nakwento sayo noon ang tungkol sa ... kapatid mo."

Halos mapatumba ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang kaniyang sinabi.

Ano raw? K-kapatid?

May kapatid ako? What the-

"Po? May kapatid ako?"

"Oo. Anak ko siya sa pagkadalaga, anak. Pero kinuha siya ng kaniyang ama kaya hindi natin siya nakasama. At after 15 years , muli siyang umuwi dito sa province upang magpakita at kamustahin ako. At nang mga oras na nag-usap kami, nakwento ko ang tungkol sayo anak at ang iyong pag-aaral sa Maynila. Kaya.. nag-request siya sa akin na Kung pwede, siya nalang ang magsuporta sayo sa pag-aaral para naman daw makabawi siya sa ilang taon na wala siya sa iyong tabi bilang kapatid mo."

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon