Kabanata 10: Passing Past

3 1 0
                                    

Justin's POV

"Ha? Hindi . Hindi ko siya kilala. Hinulaan ko lang name niya. Magaling kaya ako dun , di mo alam?"

Hindi mapakali niyang wika nang hindi tumitingin sa akin.

Halos magpanting kasi ang aking tenga nang marinig ko ang sinabi niya. Di ko kasi ineexpect na kilala niya si Aphrodite, which is happened na nakita ko ngayon unexpectedly.

After 3 years nang hindi namin pagkikita, hindi ko alam na babalik siya .. pero kailan pa siya narito? Kung ngayong school year lang siya lumipat, bakit ngayon ko lang siya nakita at bakit hindi man lang niya pinaalam sa akin?

Maraming gumugulong katanungan sa isip ko.

Kasama na roon ang tungkol sa babaeng malaki ang eyebag na kaharap ko ngayon. It's just weird lang malamang kilala niya ito thinking na sa UK nanirahan si Aphrodite at ngayon lang siya ulit pumarito so how it is possible?

But wait, is there any chance na nagkita na sila ? Nagkita na kaya sila bago ko pa makitang muli si Aphro?

"Stop lying. Wala ka mang Pinocchio syndrome but I have my own way para malaman kung nagsisinungaling ka o hindi. Stop making things so obvious. Mas lumalaki ang eyebag mo at this moment."

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Sige I gotta go--"

Aalis na sana siya ngunit kaagad ko siyang napigilan sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak sa kaniyang braso.

"Tell me the truth. Paano mo siya nakilala?"

Tinitigan niya ako ng mapang-hamon. Akala ko , madadala ko siya sa mga titig kong seryoso subalit ubod lakas niyang inalis ang kaniyang braso mula sa pagkakahawak ko.

"Sorry. Hindi ko talaga siya kilala."

Muli niyang tugon saka na nagmadaling tumakbo papalayo sa akin.

I run my hands through my hair saka muling ibinaling ang tingin kay Aphro na kasalukuyan nang wala ngayon sa kinaroroonan niya kanina.

Teka nasan na kaya siya?

It's been 3 years. Oo. 3 years na nga ang lumipas mula nang magkita kami. Everything feels good in the past, 'til I realized and learned that past is not that worth it to be remembered. ✓

Three Years Ago ∆

Pasado alas-otso na ng umaga nang makarating ako sa aming room. Halos hingal na hingal ako dahil ang akala ko'y nagsisimula na ang klase at tanging pagtakbo ng mabilis ang aking nagawa mula sa gate ng campus.

Subalit nagkamali ako dahil wala pang teacher. Ngunit , iba ang ingay ngayon sa loob ng silid nang ako'y dumating.

At saka lamang sila napatigil nang makita akong naglalakad papasok sa loob.
It's kinda weird pero pinili ko na lamang na hindi sila pansinin. Wala naman kasing bago. I mean , everytime na pumapasok ako, palaging si Dad ang pinag-uusapan nila dahil nga sa mayor ito at palaging ang pagbatikos sa kaniya ang naririnig ko mula sa kanila.

But instead na patulan sila, I'll just ignore them and it is not being weak or what- it's playing safe and doing revenge silently.

Bahala na sila kung ano ang nais nilang isipin. Basta ako, I'm walking in a right path.

Nang makarating ako sa aking upuan ay laking gulat ko nang makita ang kumpol ng letters na nakapatong doon. Mayroon ding isang medium size na gift na nakalagay sa arm chair na mayroon pang kulay asul na laso.

Nagulantang man sa nakita , I tried to act na parang hindi big deal sa akin ang aking nakita.
Malay ko ba na trippings lang nila ito at hindi naman ito para sa akin.

Ang Babaeng Malaki Ang EyebagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon