Third Person's POVPasado alas-sais na ng gabi nang dumating ang kotseng sinasakyan ni Zashumi sa mismong bodegang pinagdalhan kay Athena.
Iba na ang suot nito. Kung kanina'y suot niya ay sando at maikling short, naka-dress na ito ngayon na tila pupunta sa kung saan. May bakas ng tuwa sa kaniyang mukha dahil sa wakas, nakapagtagumpay na siya sa binabalak niyang gawin sa kababatang si Athena.
Matagal din niyang hinintay ang ganitong pagkakataon.Nang dumating siya sa bodega'y nabura ang kaniyang tuwa nang makitang nakauwang at pinto nito.
Subalit , hindi lang pala iyon ang kaniyang masasaksihan.
Kundi maging ang mga tauhan niyang walang malay na nakahiga sa sahig.
Walang Athena sa loob. Wala nang Athena sa loob dahil nakatakas na ito.
Halos mag-init ang kaniyang dugo at kaagad na pinagtatadyakan at pinaghahagis ang mga kagamitan sa loob ng bodega.
"Aerrrgh!!! This can't be. Athena!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
Halos umalingawngaw ang sigaw na iyon sa paligid ng abandonadong bodega.
~ Sa kabilang Banda ~
Nakangiti ang napakagandang dalagang si Aphrodite habang tinititigan ang picture nila ni Athena na naka-save sa kaniyang selpon. Masayang-masaya siya dahil kahit papaano'y nakatulong ng malaki ang naisip niyang make-up transformation kay Athena.
Kitang-kita niya kasi kung paano bumuhos ang samot-saring compliments rito kahit na sa social media. Naisip niya tuloy na baka ito na nga ang oras para makita ng kaniyang first love na si Bohr ang taong para sa kaniya, at hindi siya kundi si Athena.
Sa lumipas na tatlong taon ay aminado siyang hindi pa rin siya nakaka-move on sa ginawa niyang pag-amin sa kaibigan. At hanggang ngayon, gusto niya pa rin ito.Subalit, iba na ang takbo ng tadhana. At ngayong nalaman niya na may best friend ito, wala na siyang ibang naisip pang paraan kundi ang suportahan ang mga ito..
kahit pa tuluyan na silang mahulog sa isa't isa.
"You look so charming here, Athena. S-sana nga, mainlove sayo si Bohr because I can endure the pain no matter what - thinking na best friend ka niya, at we're super friends na rin. "
Muli niyang sambit saka muling tinignan ang mga pictures.
Seeing their pictures together makes her even more happier along the way.
It's been 7 pm nang dumating siya sa Mall. Ito kasi ang habit niya everytime na wala siyang schoolworks at assignments, habit niyang tumungo roon to visit the bookstores dahil sadyang hilig niya talaga ang pagbabasa. Subalit sa pagkakataong ito ay naisip na lamang na tumungo sa coffeeshops upang magpalipas ng oras. And she reminded of Athena again.
"Nasa coffeeshop na kaya siya ngayon? What if puntahan ko siya? Hmm.."
Sambit niya sa sarili habang nagpapatuloy sa paglalakad. Nagbalak siyang tumungo sa coffeeshop kung saan nagtatrabaho ang kaibigan subalit agad na ring nagbago ang kaniyang isip dahil sa isiping baka maistorbo niya lamang ito.
Kaya buo na lamang ang desisyon niyang dumiretso na lamang sa coffeeshop sa loob ng Mall.
Since karamihan sa mga fast food chains and resto ay nasa 4th floor ng Mall, she decided to take an elevator para mas mapadali.
Subalit bago pa man siya makapasok sa loob ay napatigil siya nang makita ang isang pamilyar na mukha- na kasalukuyang naglalakad papalapit sa kaniya.
Akala niya'y namamalikmata lamang siya, subalit hindi. Dahil totoo pala talaga ang nakikita niya.
Si Zashumi.
BINABASA MO ANG
Ang Babaeng Malaki Ang Eyebag
Novela JuvenilMagiging kasinlaki rin kaya ng kaniyang eyebag ang posibilidad ng pagkakaroon ng lablayp?