Yes
"Finally!!! We made it guys! Natapos din ang apat na taon nating paghihirap." Eksaheradang sigaw ni Ella sa mga kabarkada sabay na iwinagayway ang nakarolyong papel na nagsilbing diploma nila.
"Ang oa Els ha, paghihirap kamo sa pangongopya mo sa amin!" Tukso ni Luigi sakanya na biglang napayuko dahil sa mabilis na paghampas na natanggap niya.
"Hoy kayong dalawa ha, hindi na talaga ako magugulat na pag nagkita tayo after six months eh malalaman ko na lang na kayo na talaga sus —" Hindi na natapos ni Alyssa ang sasabihin pa dahil sa biglang pagkatahimik ng mga kasama na akala mo'y may dumaang anghel. Bigla tuloy siyang naguilty at tila pumakla ang mood ng lahat.
Mabilis naman ang pag akbay ni Paolo kay Kiefer sabay hablot sa toga ni Luigi. "Tara Els, Ly, group picture na tayo." Yaya nito sa mga babae.
Hindi naman magkamayaw ang magkakaibigan sa tawa dahil sa mga kalokohan nila sa picture taking. At halos sila na rin ang huling lumabas ng gymnasium ng eskwelahan.
"Besh! Congrats ulit satin!" Sabi ni Ella at niyakap na mahigpit si Alyssa pagkatapos ay naghubad ng mga toga nila. "One week pahinga tapos simula na tayo mag appy ng work, sana besh makahanap tayo ng magandang kumpanya, yung maganda benefits tapos —" Bigla naman siya napatakip ng bibig at tutok na tutok ang mata sa bandang likuran ni Alyssa.
"Hoy besh, nag loading ka na dyan?!" Sabay yugyog ni Alyssa sa balikat ni Ella ngunit di pa rin siya sinasagot nito.
"Ly.." Biglang napahawak si Alyssa sa dibdib nya nang marinig ang pagtawag sakanya. Alam na alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at sigurado siya sa kung ano ang susunod na mangyayari.
Kahit na walang salamin ay siguradong namumula na si Alyssa sa kasalukuyan. "Ly, lumingon ka na kasi!" Tudyo ni Luigi at Paolo habang si Ella ay halatang maligalig at halos naiihi na sa kilig.
Dahan-dahang pinihit ni Alyssa ang kanyang katawan at ganun na lang ang mangha niya. Silver and white balloons, isang malaking chocolate, pumpon ng mga pulang rosas ang hawak hawak ni Kiefer at tutok na tutok ang mga mata nito kay Alyssa. Mas dumoble pa yata ang tambol ng puso niya nang nag isang hakbang na ang lalake patungo sa kanya na may matamis na ngiti sa labi.
"Ly, sabi mo once graduate na tayo, pwede na di ba? Kaya eto ako sa harap mo, sa harap ng mga kaibigan natin, at sa harap ng pamilya natin.. Simula noon at hanggang ngayon ganoon pa din ang nararamdam ko para sa iyo, mas nadagdagan pa nga eh. Ly, will you give me a chance? Will you be my girlfriend? Pangako hindi —"
Mabilis na inangat ni Alyssa ang hintuturo upang mapahinto si Kiefer sa pagsasalita. "Sssh di ba ayokong nakakarinig ng mga pangako? Mas gusto kong gawa kaysa salita. Kagaya na lang ng nagawa mong maghintay hanggang sa sabi kong makikipagrelasyon lang ako pag natapos na ako ng pag-aaral." Ngumiti si Kiefer. Halos 3 taon din kasi ang paghihintay niya para sa araw na ito. "Hindi ko naman na expect na ngayong araw pala agad agad. Hmm.."
Kinabahan si Kiefer dahil matagal natahimik si Alyssa at mukhang hindi na ito dudugtungan ang sasabihin. Mabuti na lang at may isa silang makulit at madaldal na kaibigan.
"Oo na yan Alyssa! Tara na at nagugutom na ako." Reklamo nito na biglang ikinatawa ng mga saksi sa gym na iyon.
"Oo na Kief." Mahinang usal ni Alyssa.
"Ha? Anong sabi mo Ly? Ano yun?" Tarantang tanong ni Kiefer, takot na baka namali lang siya ng dinig.
"Sabi ko oo, sinasagot na kita." Ulit niya at bigla naman siyang niyakap ni Kiefer sabay paulit ulit ng sigaw na yes.
Maingat niyang ikinulong sa mga palad ang mukha ng girlfriend at dahan dahang pinatakan ng halik sa noo.
"Let's go guys. Sayang reservation natin sa resto." Sigaw na naman ni Ella sa kanila.
"Tara na, Mahal." At ipinagsikop ni Kiefer ang mga kamay nila.
xx
YOU ARE READING
Meet Me Halfway [KiefLy]
FanfictionMeet me halfway, I can't be the only one fighting.