Chapter 11

1.2K 48 9
                                    

What If

Hindi alam ni Kiefer na ganoon pala kabigat ang pinagdaanan ni Alyssa sa mga magulang. Gustong gusto niyang unawain ang sitwasyon nito at suportahan na maabot ang mga inaasam sa buhay.

Ayaw niyang makadagdag pa sa isipin nito pero sa tingin niya ay dapat nila pagusapan kung paano ba ang magiging set up ni Alyssa sa loob ng anim lna buwan. Bago pa lang ang relasyon nila tapos malalayo agad sa isa't isa. Napansin niyang panay na ang hikab ng dalaga kaya inaya na muna niya itong magpahinga. Mag aalas dose na rin.

Nagising si Alyssa na may parang tumutusok sa may likuran niya. Mahimbing pa ang tulog ni Kiefer at mahina itong humihilik. Maingat siyang umikot paharap rito at mahina pa siyang natawa nang marealize kung ano iyong kanina lang ay sumusundot sa kanya. Grabe naman, ke aga aga.

Mahina niyang tinapik sa mukha si Kiefer, kailangan na nilang makaalis at malapit na mag alas singko. Tulog mantika pa yata to. Dahil dinededma naman siya nito, pinanggigilan na lang niya ang mukha ni Kiefer. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa nagdaang gabi. Pero wala naman siyang pagsisisi rito.

Napatili siya nang biglang higpitan ni Kiefer ang yakap nito sa kanya at hinila pa siya palapit sa katawan nito. "Good morning, Mahal." Bati nito sa kanya. Pati boses sa umaga, nakakakilig. "Morning din, Mahal. Kilos na, kailangan na natin umalis."

Babangon na sana siya nang bigla ay pigilan siya ni Kiefer. "Pwede bang dito na lang tayo?" Mabilis siyang nakatanggap ng hampas, "Magtigil Kiefer, dali na bangon na kasi."

Tinulungan pa ni Kiefer na magbihis si Alyssa. Titig na titig ito sa kanya kaya napangiti siya. "Bakit? Hindi man ako ang naghubad sa'yo Mahal dapat ako pa rin ang magbihis sa'yo." Napangiti si Alyssa. "Dami talagang alam. Ikaw na ang sweet."

Maaliwalas na ang panahon sa labas kaya matapos mag check out ay dumerecho na sila sa parking lot. Pero ganoon na lang na hindi maipinta ang mukha ni Alyssa nang makita ang motor.

"Bakit, Mahal?" Tanong ni Kiefer at saka inabot ang helmet. "Mahal, ang struggle na nga maglakad paano pa kaya ngayon na kailangan kong bumukaka para maka angkas?" Agad namang pinisil ni Kiefer ang ilong ni Alyssa. "Sorry, Mahal. Buhatin kita tapos patagilid ka na lang uupo?" Natawa naman si Alyssa. "Baliw. Huwag na, kakayanin ko Hal. Kakayanin to ng vajayjay ko." At parehas pa silang natawa.

"Ate! Anong nangyari, injured ka ba?" Inosenteng tanong ni Kian nang pagbuksan ng gate ang kapatid. 

"Ha? Hindi naman. Ay Kian, Kuya Kiefer mo pala-" Nakipag fist bump naman si Kiefer.

"Luh si Ate syempre kilala ko na si Kuya Kief unless bilang boyfriend mo na siyang pinapakilala?" May pilyong ngiti si Kian.

"At may pa ganyan ka ng bata ka ha." Agad namang sumimangot ang kapatid.

"Ate, hindi ka ba talaga injured? Bakit ka ba ganyan maglakad?" Tanong niya at aalalayan na sana ang kapatid. Agad namang pinandilatan ni Alyssa si Kiefer na sumenyas sa kanyang aalis na ito. Kinindatan pa siya ng loko.

++

"Aba, mukhang masaya yata ang panganay ko ngayon ah!" Masayang bungad ng ama niya sa kanya.

"O Kief, andito ka na pala." Ang Mama Mozzy niya. Lumapit naman si Kiefer at nagmano sa mga magulang.

"Parang may iba sa'yo ngayon anak!" May diing tukso ng ina. Napa iling naman si Kiefer at ngumiti. "Masaya lang ako Ma, Pa kasi finally na open up ko na sa barkada yung trauma ko."

Mabilis naman siyang dinaluhan ng ina. "Kumusta? Anong sabi nila?" May pag-alalang tanong nito. "Ayun, na dapat daw pakawalan ko na ang nakaraan, na patawarin ko na ang sarili ko kasi napatawad na rin ako ni Eunice."

Hinagod naman ni Bong ang likod ng anak. "Kaya nga anak, yan din ang paulit ulit na pinapaalala namin sa'yo, bitawan mo na at iwan mo na yun sa nakaraan."

Tumango naman si Mozzy. "Teka nga, san ba kayo nakarating nitong motor ni Papa mo?" Napahawak naman si Kiefer sa batok. "Ah, eh.."

"I,o,u? Para kang batang nahuling pumuslit ng candy, Kief." Natatawang tukso ng ama.

"Naabutan kasi kami ng ulan at baha Pa kaya nagpalipas na muna ng gabi." Tumikhim bigla ang ina nito. "At sinong kami naman yan?"

"Si A-Alyssa po." Nauutal na sagot niya. "Kief, alam mong boto ako dyan sa batang yan. At approve sa akin yang relasyon niyo. Alam ko nasa tamang edad na kayo pero ayokong may gawin kayong bagay na pagsisisihan niyo sa huli. Panindigan kung may gagawin pero hangga't maaari wag na muna kayo bumuo ng pamilya."

Niyakap ni Kiefer ang ina. "Opo naman Ma. Noted na yan."

"Tara na at mag breakfast na muna tayo." Aya ni Moazzy at inangkla ang braso sa siko ni Kiefer. "Ma, masaya ako ngayon pero parang natatakot din ako."

"Bakit naman anak? Kung masaya ka bakit mo kailangan pigilan pa?" Tanong ni Bong sa kanya.

"Parang paulit-ulit ko pa rin kasi naririnig ang boses ni Uncle Franco, Pa. Nung libing ni Eunice sabi niya sa akin hinding hindi ako magiging masaya at kapag nakita niyang masaya ako agad niya yung puputulin."

Inakbayan siya ng ama at sabay sabay silang tatlo na tumungo ng hapag-kainan. "Huwag mo na lang masyado dibdibin yung mga sinabi ng Uncle mo, Kief. Nagluluksa siya nung mga panahon na yun kaya siya nakapagbitaw ng ganun. Hayaan mo na at pag may ginawa siya ako na ang kakausap."

Nag kibit balikat lang si Kiefer at nagsimula nang kumain. Hindi pa rin niya maiwasan ang mag alala. "Ano na palang plano mo ngayon, Kief? Magsasabay kayong magaaply nina Alyssa? Sa susunod pala ayain mo dito yun ha, ipagluluto ko siya." Si Mozzy. Bigla namang parang nanigas si Bong sa kinauupuan nito pero hindi na ito pinansin ni Kiefer.

"Sige Ma, sabihan ko next time. For sure matutuwa si Ly. At alam ko rin kung gaanong namimiss na nun na may makasamang mama." Nagtaka naman si Mozzy sa nabanggit ni Kiefer kaya naitanong niya kung bakit.

Ikunuwento ni Kiefer ang masamang sinapit ng mga magulang ni Alyssa at hindi naiwasang mahabag nina Bong at Mozzy.

"Pa, Ma, what if, uhm, okay lang naman sa inyo kung mag eexam ako sa coast guard di ba?"

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now