Chapter 3

1.3K 52 7
                                    

Pool

Parang mga batang nakawala sa hawla sina Luigi, Pao at Ella nang narating nila ang magiging kwarto nila. Nag unahan sila sa pagpili ng kanya kanyang mga kama. Masaya namang nakamasid si Alyssa. Gusto niya mang makipagkulitan rin, nakikita niya sa gilid ng mata niya na medyo nababagabag ang nobyong si Kiefer.

"Besh, dito ka ha para magkatabi lang kama natin at pwede tayong magchikahan mamaya." Anunsyo ni Ella at agad namang inayos ang mga gamit niya.

Lumapit si Alyssa kay Kiefer para kunin sana ang bag niya nang biglang napakapit si Kiefer sa strap ng bag at siya na mismo ang naghatid sa magiging kama ni Alyssa.

"Thank you, Mahal." Sambit niya nang mailapag ito. Tumango lang ito at awtomatiko namang napatingin si Alyssa kay Ella. Hindi na rin siya nagulat na ngumuso si Ella at mukhang nagtataka na sa nangyari.

Mabilis na lumapit ang kaibigan at agad na nagtanong. "Wala yun besh, may kailangan lang kaming pag usapan. Huwag mo na alalahanin. Mag enjoy na lang tayo today."

At ganoon na lang na kanilis na nagpalit ang mood ni Ella. "O ano tara na ayusin na natin mga pagkain sa labas guys!"

Napailing na lang si Luigi. "Basta talaga pagkain Ella ano? Matic ka talaga eh! O sino ba mag iihaw?" Tanong niya sa mga kasama.

"Kief, ano tayo na lang? Malaki duda ko sa mga yan at wala akong balak na kumain ng sunog mamaya." Aya ni Pao.

"Yabang mo Pao. Pero oo wala namang may gusto talaga mag ihaw. Kami na ni Ly mag sasaing at maghahanda. Hoy Luigi, magbugaw ka ng mga langaw ha. Yun na lang gawin mo!" Asar ni Ella.

"Aba iba na yan"

"Kayo ha."

Sabay na nagsalita si Kiefer at Alyssa kaya natawa ang huli. Nanatili namang seryoso ang mukha ni Kiefer bago kinuha ang isda at karne na iihawin.

Ibinangga ni Pao ang balikat kay Kiefer habang masuyo itong nagpapaypay para makagawa ng baga sa uling. Nilingon naman siya ni Kiefer. "Nag-away ba kayo ni Ly, chong?"

Ilang sandali pa bago itinigil ni Kiefer ang ginagawa at sandaling nag-isip. "Ewan ko, chong pakiramdam ko may tinatago sa akin si Alyssa eh."

Hinarap siya ni Pao. "May tinatago agad? Baka lang hindi pa niya nasasabi. Huwag kang praning Kief, simula first year college tayong magkakaibigan at hindi kilala si Alyssa na ganoon."

"Tingin mo, bakit hindi pa niya sinasabi kung may dapat nga siyang sabihin?" Balik na tanong ni Kiefer.

"Alam mo Kief, huwag mo gawing komplikado ang mga bagay bagay. Kung may gusto kang malaman, tanungin mo. Kung may gusto kang ipaalam, sabihin mo." Kung tutuusin nga, simple, tanto niya.

Napatango tango naman si Kiefer. "Akalain mong may sense ka naman pala kausap, chong. Tara na mag ihaw at nagugutom na ako." Natawa lang si Pao saka nila ginugol ang oras sa pagluluto ng uulamin.

Abala sina Ella at Alyssa sa paglilinis ng dahon ng saging at sa paghiwa ng mga ingredients para sa gagawing kilawin at sawsawan, parehas na tahimik kaya nagulat si Alyssa nang magsalita si Ella. "Alam mo Ly, may iba talaga akong pakiramdam eh." Napa angat naman ng tingin si Alyssa pero nanatiling tikom ang bibig. "Feeling ko talaga besh may tinatago ka sa akin eh."

"Alam mo besh, ikaw —" Hindi na niya natuloy ang sassbihin dahil tanaw na niya ang paglapit nila Pao at Kiefer sa direksyon nila, si Kiefer na nakatingin sa kanya at nakangiti kaya naman gumaan ang loob niya at sinuklian ito ng matamis ring ngiti.

Naging masaya at puno ng tuksuhan ang inihanda nilang boodle fight na pananghalian. Hindi rin matawaran ang pagiging maalaga ni Kiefer kay Alyssa. Asikasong asikaso siya nito at pinagbabalat pa ng hipon. Busog na busog sila kaya't pagkatapos magligpit ay nagkayayaan silang mag siesta na muna at saka na lang magswiswimming pagkagising.

Nauna at nagkakatulakan pa si Pao at Luigi palabas ng silid at ganoon din kabilis na tumalon sa swimming pool. Napailing na lang si Kiefer sa dalawa at nagpasyang umupo lang sa gilid habang nakababad ang mga binti sa tubig.

Paniguradong matatagalan pa ang dalawang babae sa pagpapalit ng damit. Ayos lang naman sa kanya na magsuot ng swimsuit ang nobya. Ayaw niya namang lumabas na didiktahan niya si Alyssa sa mga dapat at di dapat gawin. Pero sa loob loob niya'y dinadasal niyang sana hindi nga ito mag sswimsuit. Mahirap na at madaming boys din ang naroon sa resort ng araw na iyon.

Ganoon na lang ang galak niya nang makitang naka shorts at rashguard si Alyssa. Maging si Ella ay ganoon rin ang suot. Agad naman itong nilapitan ni Alyssa.

"Hindi ka ba maliligo, Mahal?" Tanong sa kanya ni Alyssa at umupo ito sa tabi niya saka inilubog din ang mga paa sa tubig.

Umiling si Kiefer. "Mamaya na siguro, Mahal. Dito lang muna ako. Ikaw ba?" Bigla namang napatili si Alyssa nang kiniliti at hilahin bigla ni Ella ang mga paa neto. Hindi niya namalayang nakababa na pala ito sa tubig. Maiinis pa sana siya sa kaibigan ngunit wala na ring saysay dahil nabasa na siya ng tuluyan.

Hindi naman tinigilan ni Ella si Kiefer sa pagtukso at pangungulit dahil nga ayaw nitong sumali sa pagligo. Imbes rin na mapikon, ipinag walang bahala na lang iyon ni Kiefer at mas piniling pagmasdan ang nobyang masayang nakikipagkukitan  at nakikipaghabulan sa mga kaibigan.

Kung pupwede lang siyang bumaba sa tubig at sumali ay gagawin niya. Kung matapang lang sana siyang sumuong sa tubig ay di siya magdadalawang isip na gagawin.

Naputol ang kanyang pag iisip nang biglang may sumigaw na batang babae na nasa pool. Pakiramdam niya ay nanigas ang buo niyang katawan at pakiramdam niya bumaba lahat ng dugo niya sa katawan.

Napukaw siya sa reyalidad ng maradamang tinatapik siya ni Alyssa sa kanyang magkabilang pisngi at ganoon na lang ang naramdam niyang kaba nang makita ang pagtaka at takot sa mga mata ng mga kaibigan at kasintahan na nakatingin sa kanya.

xx

Meet Me Halfway [KiefLy]Where stories live. Discover now